MO39。

97 18 0
                                    


ROSÈ

"Ehem ehem."

Napaharap naman ako kay Sehun na umuubo ng peke. Ngayon ko lang pala napansin na halos magngitian at nagkakatinginan na kami ni Yugyeom. Hala. Di ko man lang napansin yun. Nakakahiya naman 'non.

Pero ang gwapo niya kasi eh. Di ko lang matiis ang sarili ko na tignan siya. Hehehe.

"Uy, tinatanong ka kung sino ka oh." bulong sa akin ni Lisa. Ay oo, di ko pala siya sinagot kung sino ako. Nakakahiya naman 'non.

"Ah.. ako nga pala si Rosè. Nice to meet you, Yugyeom." nakangiti kong pagpapakilala ko sa kanya.

"Hmmm. Nice to meet you too, Rosè." nakangiting sambit sa akin ni Yugyeom. Tsaka naman siya nag-aalok ng shakehands sa akin kaya mas lalo akong napangiti at nagshakehands naman kaming dalawa.

Ang lambot ng kamay niya, ang sarap naman hawakan. Nanlalambot tuloy ako ngayon.

Nagngitian lang naman kaming dalawa at bumitaw naman kami sa pagkahawak ng kamay namin sa isa't isa. Iniwas ko na tuloy ang tingin ko sa kanya at napatingin naman ako kina Sehun at Lisa na grabe na naman ang ngisi sa akin. Ano na naman ba ang iniisip nila? Ayan na naman silang dalawa eh.

"Nga naman oh, yan.. magkakilala na kayo." natatawang sambit ni Sehun. "Tara.. napagod kami sa practice. Canteen uli tayo." aya sa amin ni Sehun at napatango lang naman kami.

Papapunta naman kami sa canteen uli at tsaka sumusunod lang naman kaming dalawa ni Lisa kina Sehun at Yugyeom na mukhang nag-uusap. Di ko tuloy mapigilan na mapatingin naman kay Yugyeom, nakatalikod pa lang nga.. gwapo na eh.

"Ehem ehem."

Napaharap naman ako kay Lisa, tapos nakita kong nakangisi siya sa akin, "Kanina ka pa ah."

Napangiti naman ako, "Kanina pa na ano?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Napapansin ko ha, simula ng makilala mo yang si Yugyeom na yan, napapangiti ka ng wagas ha, tapos natutulala ka pa." mahina niyang bulong sa akin pero nasa tono niya ang pang-aasar. "Sa totoo, anong iniisip mo at mukhang weird ka ngayon?" dagdag niya.

Hinarap ko naman siya, "Inaamin ko Lisa, ang gwapo niya kasi talaga eh. Tapos ang galing galing pa niyang sumayaw. Di ko lang mapigilan ang sarili kong tignan siya eh gusto ko naman." paliwanag ko sa kanya at napatango tango lang naman siya. "Galing niya talaga eh." sabi kong nakikilig.

"Kahit bago mo lang kakakilala?" bulong niyang tanong sa akin.

Napaisip ako, "Oo naman. Ang gwapo niya talaga. Pero.. gwapo naman talaga siya di'ba?" natatawa kong tanong sa kanya.

Napatango naman siya, "Ah. Oo naman. Pero yang ngiti mo kasi kanina nung kaharap mo siya, mukhang nainlove ka agad sa kanya." natatawa niyang sambit.

"Hindi ah. Inlove mo dyan. Basta. Nagwagwapuhan ako sa kanya." nakangiti kong sambit.

"Pero Sè, crush mo?" bulong sa akin ni Lisa.

Napangiti naman ako sa tanong niya. I think oo.. crush ko si Yugyeom. Talagang nagagalingan ako sa kanyang sumayaw at plus pa.. ang gwapo niya. Tapos talagang ningitian niya pa ako kanina nung nagpakilala ako sa kanya at nagshakehands kami. Ang saya lang. Take note, hinahangaan ko lang si Yugyeom ha. Baka naman may jowa na yan eh. Hahahaha.

Napatango ako, "Oo Lis. Crush ko na yun. Basta nga, ang galing niya kasi talagang sumayaw eh."

Medyo naman nanlaki ang mata niya, "Talaga? Ayiiieeeee!" tapos inaasar niya na ako dito. Pinipigilan ko naman siya eh tinitignan kami nina Sehun at Yugyeom dito. >.<

"Ssshhhh! Wag ka ngang maingay." saway ko sa kanyang natatawa at tumigil naman siya, "Oo.. crush lang. Wag OA." bulong ko sa kanya.

"Sabi ko na nga ba eh." Lisa. "Pero Sè, dalawa crush mo? Si Yugyeom.. at yung.. Chanyeol?" tapos kinindatan niya naman ako.

Eh? Oo.. sila dalawa ang crush ko. Hehe. Pero crush lang naman. Wala namang masama kung humanga sa tao di'ba? Nahangaan ko si Yugyeom dahil magaling siyang sumayaw at gwapo siya.. tapos nahangaan ko naman si Kuya Chanyeol kasi ang sweet, concern and he's treating me like I'm his real donssaeng.

"Ah yes." patango tango ko na sambit.

"Pero Sè, sino mas lamang? Si Yugyeom or si Chanyeol?" nang-aasar niyang tanong sa akin. Hala. Bakit niya naman natanong yan sa akin? Amp.

Pero sino nga ba? Hindi ko alam. Hahahaha.

"Anong klaseng tanong na yan. Tumigil ka na nga dyan." natatawang sambit ko sa kanya at natawa lang naman siya.

Pero maya maya, nakarating na din kaming apat sa canteen. Bumili lang naman kami ng drinks ni Lisa na para lang sa aming dalawa eh nabusog naman kami kanina sa kinain namin. Pero sina Sehun at Yugyeom ay umorder talaga ng makakain nila eh syempre napagod sila sa practice. So ayun, nakisabay lang naman kami sa kanila. Kumakain lang sila habang nag-uusapan lang naman kami.

"Kelan na ba ang dance contest niyo?" tanong sa kanila ni Lisa.

"Malapit na. Sa Monday na. Dito naman gaganapin at yung mga ibang schools nalang ang pupunta dito. Ngayon at may apat na araw pa kaming magpractice." sagot naman ni Yugyeom. Ganda talaga marinig ng boses niya 'no. Nakakakilig talaga.

"Ahh.. so malapit nalang pala. Goodluck sa inyong group ha. Matatalo niyo yang other schools. Kayo pa." Lisa.

"Oo nga." pag sasang-ayon ko sa sinabi niya.

"Hmm, sana nga. Salamat." nakangiting sambit ni Yugyeom.

"Pero pasalamat nalang nga kami, madaling turuan 'to si Yugyeom sa sayaw. Eh kanina lang nga siya tinuruan ng choreographer namin, alam na niya agad ang steps namin. Ang galing netong sumayaw." proud na sambit ni Sehun habang nakaakbay kay Yugyeom at napapangiti lang naman si Yugyeom.

"Oo nga eh.. pinagmamasdan siya namin kanina ni Rosè, ang galing niya ngang sumayaw eh. Kabisado na agad agad ang mga steps." patango tango na sambit ni Lisa at sumang-ayon nalang ako.

Napatawa naman si Yugyeom, "Salamat sa inyo ha. Hobby ko kasi talaga ang pagsayaw.. kaya ganon." natatawa niyang sambit habang kumakain.

Nag-usap usap lang naman kami dito.. hanggang umabot na sa usapan na nagtanong na si Sehun kung may girlfriend ba si Yugyeom.

"Bro, may girlfriend ka na ba?" tanong ni Sehun sa kanya.

Napailing si Yugyeom, "Wala pa."

Ah so wala pa? How come? Sa gwapo at galing niyang sumayaw.. wala pa siyang girlfriend? Ammppp.

"Talaga? Wala ka man lang nagustuhan doon sa university niyo?" tanong sa kanya ni Lisa.

Napailing uli siya, "Wala talaga." sagot niya. "Pero ngayon, may type na ako. Ngayon ko lang nga siya nakita eh. Ang ganda niya kasi." natatawa niyang sambit. Hala, sino kaya yun?

"Talaga?" Sehun.

"Oo."

"Sino naman yun?" tanong ni Lisa.

"Oo nga, sino yung type mo?" tanong ko din sa kanya.

Nakita kong napaharap siya sa akin at nabigla nalang ako na bigla niya akong ningitian. Nabigla ako, bakit niya naman ako ningingitian ng ganyan? Anong ibigsabihin ng ngiti niyang yan?

"Ikaw."

- - - -

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon