MO33。

113 21 4
                                    

LISA

"Rosè, pupunta muna ako doon sa gym ha. Pupuntahan ko lang muna si Sehun doon." paalam ko kay Rosè. "Wala pa namang pasok eh hintayin mo nalang kami dito."

Ngumiti naman siya, "Sige. Pumunta ka na."

Napatango naman ako, "Bye." nakangiti kong paalam sa kanya.

"Bye." paalam niya din sa akin.

Kinuha ko naman yung maliit kong bag. Lumabas naman ako sa room namin at tsaka papunta na ako sa gym. Pupuntahan ko kasi si Sehun. Baka napatagal yung pagpractice sa sayaw nila eh kaya hindi na siya nakasama sa amin ni Rosè sa pag recess kanina.

Tsaka nung nakarating na ako doon sa gym, nakita kong paalis na ang ibang mga estyudante sa gym. Medyo naman kasi nagiging konti ang mga estyudante dito eh. Hinanap ko naman si Sehun at nakita ko naman siya na nakaupo sa bleachers. Mukhang nagpapahinga siya doon at pagod siya. Pawis na pawis siya eh. Mukhang basa na basa ang kanyang puting t-shirt eh.

"Sehun!" sigaw ko sa kanya at nakita niya naman ako at tsaka niya ako ningitian.

Dali dali naman akong tumabi sa kanya at may kinuha ako sa bag na tubig at binigay ko yun sa kanya.

"Thank you." nakangiting sambit niya sa akin at kinindatan niya naman ako. Tapos ningitian ko lang naman siya.

Tapos ipinagmamasdan ko lang naman siyang umiinom ng tubig habang tumutulo ang kanyang pawis sa kanyang katawan. Sheeeet naman! Ang puso ko! Sa paningin ko, mas lalo siyang nagiging gwapo at hot sa akin si Sehun. Tangina naman niyan. Pero pumababa din ang titig ko sa kanyang katawan kung saan medyo nakikita ko yung mga abs-- potek naman Lisa. Ano bang pinag-iisip mo. >.< Pero binalik ko nalang ang tingin ko sa mukha niya. Huhuhuhuhu. Ang gwapo talaga ng bestfriend slash boyfriend ko. TT__TT Medyo pa magulo ang buhok niya.

Tsaka ko namang napapansin na napapatingin siya kaya ko mabilis iniwas ang tingin ko sa kanya at tumingin nalang ako sa malayo na para bang wala lang.

"Nakita ko yun ha." parang nang-aasar niyang sambit.

"Anong nakita mo?" masungit kong tanong sa kanya.

Napatawa siya, "Gwapong gwapo ka talaga sa akin eh." natatawa niyang sambit at humarap ako sa kanya at hinampas ko siya ng mahina sa balikat niya.

"Yabang mo. Alam mo yun?" natatawa kong sambit at napatango lang naman siya. Tsaka maya maya, may kinuha ako sa bag kong towel at t-shirt niya tsaka ko yun binato sa kanya. "Yan oh! Ang grabe ng pawis mo! Magbihis ka na!" utos ko sa kanya.

"Bihisan mo nalang ako." parang nang-aasar niyang sambit at hinampas ko na naman siya sa balikat niya sa dahilang napatawa na naman siya.

"Ang laki laki mo na! Ikaw na!" utos ko sa kanya.

"Opo na po baby." natatawa niyang sambit habang pinupunasan niya ang sarili niya ng bigay kong towel. Napatawa lang naman ako sa sinabi niyang baby. Ang korni kasi eh. >.<

"Bakit ang tagal niyo? Napatagal ba practice niyo?" tanong ko sa kanya.

Napatango naman siya, "Oo eh. Ang daming dinagdag na bagong steps sa sayaw namin eh." sambit niya. "Tapos sabi daw ng choreographer namin, may idadagdag daw siya sa amin na isang dancer namin bale magaling naman daw yun masayaw. Kaya naisipan niya daw na isali siya sa aming group eh siya lang naman mag-isa doon sa kanilang university na interesado sumali. Eh baka nga daw, mas lalo kaming gagaling kapag dumagdag pa siya sa amin."

"Eh mabuti naman yun. Sino ba siya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi niya pa pinakilala sa amin kung sino yun. Basta lalaki daw. Tsaka bukas din namin siya makikilala eh dadalhin niya na daw yun siya bukas para mameet naman at para na din makasali siya sa practice namin bukas."

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon