ROSÈSaturday ngayon. Pinabalik pa din kami ng mga school staffs dito sa school dahil kailangan naming magparticipate sa pag-aayos ng mga decorations dito sa gym para nga sa program sa Monday. Pero half day lang naman. Tsaka good thing, tapos na din yung pag-aayos naming lahat.
"Woo! Tapos na din, Sè! Naka-attendance naman tayo kanina pa. Tara na, puntahan natin sina Sehun don."
Napatango naman ako at napangiti, "Sige tara na." sabi ko at sabay na kami papunta ni Lisa sa school field. Doon kasi sila nagpractice ngayon.
Last practice nalang ng sayaw nila ngayon para sa dance contest. Half day lang nga din sila. Tsaka sure akong matatalo nila ang ibang schools dahil ngayon pa lang, ang sobrang galing na nila. Tapos si Yugyeom, ang sobrang galing niya talaga!
And speaking of Yugyeom, mas nagiging close kaming dalawa as a friend. Mas lalo siyang nagiging bolero sa akin. Lagi niya tuloy akong napapatawa at napapangiti. Nagiging baliw na din kasi eh. Pero okay na din yun, may sense of humor. Di naman yung seryoso at snobber 'no.
Nakarating naman kaming dalawa ni Lisa sa field tsaka naabutan namin na nagsasayaw silang lahat lahat. Kahit practice pa lang talaga, ang galing na nilang lahat. How come kung sa Monday na? Grabeeeee!
Tinignan ko naman si Yugyeom na sumasayaw. Napapangiti nalang ako dito ng basta basta. Ang cool naman kasi ng aura niya habang sumasayaw. Tapos yung galaw niya, may paswag at paangas angas effect. Kaya nga minsan, nakikita kong napapangisi pa siya. Ang hot lang 'non!
"Matunaw si Yugyeom Sè ha, dahan dahan lang." napatingin naman ako agad kay Lisa na nagsalita at medyo naman akong nabigla doon. Alam niya pala!
Natatawa lang naman siya at huminga ako ng malalim at binalik ko ang tingin ko kay Yugyeom, "Hmmm. Wala lang. Ang galing niya kasi talaga. Di siya nakakasawang pagmasdan." nakangiting sambit ko.
"So enjoy na enjoy ka talagang pagmasdan siya 'no?" nang-aasar na tanong sakin ni Lisa.
"Oo naman 'no!" pabiro kong sambit.
"Naks! Ikaw ha!" natatawang sambit niya kaya natawa nalang din ako.
Maya maya din ay nakikita naming kinakausap nalang lamang sila ng choreographer nila. Tsaka parang nag-apiran pa silang lahat lahat. Tapos ang sunod doon, nakikita naming papalapit na sina Sehun at Yugyeom dito. Ang lalawak ng mga ngiti nila. Ang cuteee!
"Ano? Okay lang ba yung practice namin?" nakangiting tanong ni Sehun samin.
Napatango naman ako, "Nako. Oo naman 'no. Practice niyo pa lang nga grabe na eh."
"Oo nga. Ang galing talaga! Maganda 'to sa Monday. I'm sure you'll beat other schools." natatawang sambit ni Lisa at sumang-ayon naman ako doon.
"Thank you." nakangiting sambit ni Yugyeom at Sehun.
"Half day lang naman ngayon. What if.. pasyal tayo sa mall ngayon?" suggest ni Sehun samin. "Wala naman tayong magawa dito." parang nakakamiss naman bigla ang mall. HAHAHAHA!
"Sige sige! Agree!" Lisa.
"Sige!"
"Oh good." sabi ni Sehun tsaka mabilis niyang inakbayan si Yugyeom, "Tsaka isama nalang natin 'to si Yugyeom. Kasi pagkatapos ng contest sa Monday, hindi na natin siya makakasama."
"Awwwwww."
Oo nga pala. Di na dito makakapunta punta si Yugyeom dito sa school kasi after contest, wala na. Kamiss naman yun. Pero okay lang, may social media pa naman.
"Sigurado kayo dyan?" natatawang tanong ni Yugyeom.
"Oo naman 'no!" sagot naming tatlo.
"Salamat naman." nakangiting sambit ni Yugyeom.
"So ano na? Tara na! Lakarin nalang ba natin yung mall?" natatawang tanong ni Sehun. Hala, medyo nakakapagod naman yun.
"Baliw. Marami namang mga tricyle ah. Magtricycle nalang tayo." sabi ni Lisa tsaka natawa lang naman kaming lahat.
Tsaka lumabas naman kaming apat sa campus at naghintay ng tricycle sa labas. Pero maya maya din ay nakahanap na kami. Tabi naman kami ni Lisa sa loob. Si Sehun sa likuran namin. Tapos si Yugyeom naman ay umangkas sa likod ng driver. Tsaka yun, papapunta na kami sa mall.
- - -
LISA
Nakalipas din ang ilang minuto, nakarating na din kami sa mall. Maraming mga tao dito. Tsaka malamig dito sa loob. Nakalimutan ko tuloy magdala ng jacket. Brrrr! Pero okay lang.
Kumain muna kaming lahat sa Greenwhich dahil di pa nga kami kumakain. Syempre, nagutom din kami 'no. Tapos lalong lalo na 'to sina Sehun at Yugyeom.
Maya maya din ay tapos na kaming kumain. Tapos napag-isipan naming mag-arcade para masaya naman syempre. Pero nagpapahinga muna kami dito sa bench 'no. Kakatapos lang namin kumain eh. Hahaha!
"Teka maiwan muna namin kayo ha. Babalik lang agad kami ni Lisa. May titignan lang." nagulat ako ng bigla akong hinila patayo ni Sehun. Tsaka nagtaka naman ako. May titignan?
Pero nakita kong napatango lang yung kasama naming dalawa, "Sige."
Pagkatapos 'non, hinila hila na ako ni Sehun kung saan. Kaya mas lalo naman akong nagtaka. Ano bang titignan namin?
"Teka teka teka!" pagpipigil ko sa kanya tsaka naman siya napaharap sa akin. "Anong titignan natin Sehun ha?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Bigla naman kaming tumigil sa gilid kung saan walang medyong tao. Tsaka niya ako tinignan, "Sa totoo naman kasi.. wala naman talaga tayong titignan."
"Eh bakit tayo andito?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Alam mo kasi Lisa.. parang ako na yung naiinis sa kay Kuya Chanyeol. Parang ang sarap niyang paselosin lalo." sabi ni Sehun tapos nanlaki naman ang mata ko doon.
"Baliw ka ba? Bakit naman?"
"Para naman gumalaw galaw na siya at tsaka maisabi niya na yun kay Sè 'no. Natatakot kasi siya. Kasi yung naisip ko, alam kong gagana 'to. Magseselos siya ng sobra. Tsaka sa alam ko, masasabi niya na 'to kay Sè."
Mas lalo naman akong nagtaka, "Ha? Naisip na ano? Papaselos sa kanya?" nagtataka kong tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya at napangiti, "Oo. Payag ka ba?"
Napapaisip naman ako. Oo nga naman. Di pa naisasabi nung Kuya Chanyeol kay Rosè na may gusto siya at takot pa siya. Pero maganda naman yung paselosin siya para maamin niya ng tuluyan yung nararamdaman niya kay Rosè. Vote kami para sa kanya eh!
Napatango naman ako at napangiti, "Aba sige. Ano ba yang naisip mo ha?" tanong ko sa kanya.
Medyo naman siyang lumapit sa akin, "Yung magiging plano natin ay..." tsaka niya na mga pinagsasabi yun. Tsaka ako dito ay napapangisi lang. Hmmmm. Mukhang gagana talaga 'to para mapaamin si Kuya Chanyeol.
- - -
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3