MO24。

131 25 4
                                    


CHANYEOL

 
"Suewob jonglyo."

 
Translation: "Class dismissed"

Huminga naman ako ng malalim ng narinig ko yun galing sa Professor namin. Sa wakas, tapos na din ang aming last period sa hapon na 'to. Hinihintay ko nalang na mag-uwian. Gusto ko nang umuwi sa bahay eh. Nakakabanas na sa eskwelahan eh.

Pero habang naghihintay, napatingin nalang ako sa labas ng bintana. Tsaka hindi ko alam, agad ko namang naisip yung ssaeng ko sa Facebook, si Chaeyoung. Eto na naman siya.

Tsaka hindi ko alam, napapangiti nalang ako na parang baliw dito. Hindi ko alam ang saya ko yata kapag iniisip siya. Ang gulo gulo ko na talaga. Lagi na akong nagaganito kapag naaalala ko siya eh.

"Gwaenchanayo?"

Translation: "Are you okay?"

Napaharap naman ako sa katabi kong babae kong kaklase. Si Eunrin. Hays. Ano ba yan. Napansin tuloy ako. Mukhang binabaliw ako ni ssaeng eh crush ko yun. Pero bakit ganito na ako 'no? Hindi naman ako ganito dati eh.

Humarap naman ako kay Eunrin at ningitian siya, "Ne. Jeoneun waeyo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Translation: "Yes. I am. Why?"

Tapos narinig ko namang natawa siya, "Neon babocheoreom usgoisseo. Museun ssaenggagiya?"

Translation: "You're smiling like idiot. What are you thinking?"

Ah ganon? Parang baliw na ba talaga ako na napapangiti dito? Mukha na siguro akong tanga dito. Hays naman. Ano ba nangyayari sa akin? Iba ang epekto sa akin ni ssaeng ah.

I chuckled, "Amugeotdo."

Translation: "Nothing."

Napatango naman siya at iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Pero nakakapagtaka talaga eh, kakakilala pa lang namin eh close na agad kami. Tapos ang dami na naming nalaman sa isa't isa. Tapos.. crush pa namin ang isa't isa at parang kailan lang, kinakausap niya na pala ako sa mga kaibigan niya. Ang bait niya talaga. Kaya ipinagkatitiwalaan ko siya eh ang bait at sweet niya. Sana nga siya nalang yung donssaeng ko in real life.

Crush ko na donssaeng! Hahaha!

Pero kahit ganon, ang ganda ng loob ko sa kanya at komportable ako kapag nagkakausap kaming dalawa sa messenger. Tapos para pa akong baliw na napapangiti kapag ang sweet niya sa akin. Ang cute cute niya talaga that's why crush ko siya. Plus she's so damn pretty.

Pero hindi ko talaga alam, hindi ko talaga siya iniisip at kusa nalang siyang gugulo sa isip ko. Pero nakakaramdam agad ako ng saya kapag inaaalala ko siya. Di ko man lang narinig ang boses niya. Sana marinig ko naman 'no?

At sa ngayon pa lang nga niya hindi ko pa nachachat si ssaeng, namiss ko na siya agad agad.

Hindi naman sa OA ako.

Pero totoo eh, miss ko na si Chaeyoung. Talaga.

Agad kong kinuha yung phone ko sa aking bulsa at in-open ko yung gallery sa phone ko. Tsaka ko lang pinagmasdan ang maganda niyang litrato na sinave ko sa phone ko. Shit. Hindi talaga nakakasawang tignan. Paulit ulit ko na 'to tinititigan sa phone ko at mas lalo lang akong nasarapan sa kakatingin sa litrato niya. Paano pa kaya kung makikita ko pa siya sa personal? Hindi na yata ako makapagsalita 'no. Nang dahil sa sobrang ganda niya. Hay nako.

Hindi ko alam napapangiti na naman ako dito na parang baliw habang tinititigan ang phone ni ssaeng. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Tsaka parang bumilis pa ang tibok ng puso ko nung mas lalo ko lang inisip yung mga magandang salita na ipinagsasabi niya sa akin. Tulad na.. sinabi niyang.. crush niya ako.

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon