MO51。

83 17 1
                                    


ROSÈ

Pero maya maya, nakita ko ding napapakamot si Sehun sa kanyang ulo at natatawa siya, "Oh Rosè! Nandyan ka pala!" sabi niya habang nakatingin sa akin. Pero mukhang naiilang siya at nililipat niya pa ang tingin niya kay Lisa

"Kanina ka pa ba dyan?" napaharap naman ako kay Lisa. Tsaka ganon din siya, mukhang naiilang din siya.

Napailing naman ako, "Hindi ah. Bago lang ako dito. Nandito lang pala kayo." natatawa kong sambit. Tsaka nakita kong napahinga sila ng malalim nung sinagot ko yun. Mukhang nababaliw na naman 'tong dalawa na 'to ah. Hahaha!

"Ah ganon.. ganon." patango tango na sambit ni Lisa.

Tumango naman ako at ningitian ko sila, "Nga pala.. sino yung pinag-uusapan niyong takot?" nakangiti kong tanong sa kanila.

Tsaka ayan na naman, natahimik na naman silang dalawa. Tsaka parang nawawala na naman sa itsura nila yung ngiti nila nung tinanong ko naman yun. Nagkatinginan naman silang dalawa tsaka.. parang nag-uusap silang dalawa sa mga tingin nila?

Hay! Napapailing nalang ako dito sa dalawang 'to. Anong nangyayari kina Sehun at Lisa? Nagiging weird na naman sila eh. Etong magjowa talaga. Hays.

Pero maya maya nagsalita si Sehun, "Ah yun Rosè? Sinong takot?" natatawang tanong ni Sehun sa akin tsaka naman ako napatango.

Nakita kong napakamot siya sa ulo niya tsaka na naman siya natatawa. Ang weird talaga nila, "Yung sa pinanood kong movie kagabi Sè! Kinwento kasi kay Lisa yun. Yung lalaki kasi doon, nagkagusto sa babae. Selos lang ng selos pero takot naman pala aminin yung feelings niya sa babae. Naiinis lang kami ni Lisa doon. 'No diba Lisa?"

"Ah oo! Yun nga! Oo! Sa pinanood niyang movie kagabi. Nakakainis kasi yung lalaki doon Rosè, sobra magselos eh wala namang ginagawa eh kasi duwag nga." natatawang sambit ni Lisa at napatingin uli siya kay Sehun.

Tsaka naman ako napatango ng dahil doon. Ganon lang naman pala eh akala ko kung ano na talaga. Mukhang weird ngayon 'tong dalawa na 'to eh. Well.. matagal na pala silang weird! Hahaha!

"Ah ganon lang naman pala. Akala ko kung ano na." natatawa kong sambit sa kanila. "Kanina pa ba kayo dito?" tanong sa kanila.

"Ah.. medyo lang naman." sagot naman ni Lisa. "Tsaka sorry di ka na namin nahintay ha?"

Napailing naman ako, "Nako walang problema 'no. Okay lang naman." sagot ko sa kanilang dalawa.

"Tsaka dahil nandito ka na, tara.. doon na tayo sa gym." nakangiting aya ni Sehun sa amin at napatango lang naman kami doon.

"Tara na." Lisa.

Tsaka lang naman kami sabay tatlo papunta sa gym. Tsaka naririnig ko na parang may binubulong 'to si Lisa pero hindi ko siya marinig.

"Hay salamat. Muntikan na yun ha."

"Hoy Lisa. Anong sinasabi mo dyan?" tanong ko sa kanya at mabilis niya namang inangat ang ulo niya tsaka napatingin siya sa akin.

"Ha? Wala ah. Wala yun." natatawa niyang sagot sa akin.

"Teka.. mukhang baliw kayo ngayon ah. Okay lang ba kayo? Kumain ba kayo?" natatawa kong tanong sa kanilang dalawa.

"Nako! Pinagsasabi mo Rosè. Oo naman. Okay lang kami ah." natatawang sagot ni Sehun.

"Kaya nga. Pinag-iisip mo dyan. Di kami baliw ah." Lisa.

"Edi sige. Yan sabi niyo eh." natatawa kong sambit at ipinagpatuloy lang naman namin ang paglalakad namin.

Pero habang naglalakad kami, nakita naming napatigil si Sehun sa paglalakad at parang may tinitignan siya banda sa gate, "Si Yugyeom yun oh!" sabi niya at napatingin naman kami sa tinuturo niya.

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon