MO56。

68 16 0
                                    


ROSÈ

Tapos na din yung practice nila nina Yugyeom sa ngayong araw na 'to. Tsaka sa ngayon, sabay kaming apat na papalabas sa campus. Papauwi na din kami. Tsaka maya maya din ay nakarating na kami sa parking lot.

"Sige, guys. Mauna na ako sa inyo. Thank you uli ha at nakasama ko kayo." nakangiting sambit samin ni Yugyeom.

Natawa naman ng mahina si Sehun, "Nako pare Yeom, wala yun 'no. Tsaka bukas na naman pre. Practice naman ng whole day." natatawang sambit niya.

"Kaya nga pre eh. Pero ganun naman talaga. Practice makes perfect." nakangiting sambit ni Yugyeom. Aghh! Ang cute cute niya talaga! >.< Parang di ko talaga matiis. Tapos maya maya, may tumigil na tricycle sa gilid niya, "Sige.. mauna na ako sa inyo." nakangiting paalam niya samin.

"Sige. Ingat." nakangiting sabi naming tatlo sa kanya.

"Salamat. Kayo ding tatlo." nakangiting sabi niya sa amin. Tsaka nalang namin ipinagmasdan na lumalayo na yung sinasakyan niyang tricycle. Pero nakita kong tinitignan ako ni Yugyeom at ningingitian niya ako. Kaya ningingitian ko nalang din siya.

"Improving yata yung relationship niyo ah." sabi ni Sehun na nang-aasar kaya napaharap ako sa kanya.

"Oo nga. Kanina.. parang girlfriend ka lang niya kanina. Sus! Binilhan ng pagkain at siya pa nagpunas ng pawis. Kayo ha." nang-aasar din na sambit ni Lisa. Tapos sunod ko nalang nakita na nag-apiran silang dalawa.

Napailing at napatawa nalang ako sa dalawa na 'to, "Ang gulo niyong dalawa. Nagiging mabuting kaibigan lang naman ako ah. Masama ba yun? Ha?" natatawa kong tanong sa kanila. "Masyado kayong issue dalawa eh. Jusko." dagdag ko.

"Sorry na Sè, totoo naman kasi eh. Bestfriend mo ako, pero never mong ginawa sakin yan. Pero kay Yugyeom, ginawa mo yun. Yiiieeee!" Pabiro na sambit ni Sehun sa dahilan na natawa naman kaming dalawa ni Lisa.

"Baliw ka! Lisa oh!" biro kong sumbong kay Lisa at natawa lang naman kami dito.

"Pero uy Sè, nagchachat pa ba kayo ni Kuya mo?" tanong ni Sehun sa dahilan na napatahimik ako. "Yung.. Chanyeol?" tsaka yun. Naalala ko na naman kung kelan niya ba ako kakausapin.

Huminga ako ng malalim, "Hindi na nga. Nakikita kong active siya pero naninibaguhan ako na di niya ako chinachat. Hinihintay ko lang naman siya na magchat sakin." sabi ko.

"Pero miss mo ba?" tanong ni Lisa sa akin.

Ngumiti ako, "Oo naman 'no. Masaya kayang kausap si Kuya. Hindi ako naboboring sa kanya 'no. Pero alam ko namang.. baka may ginagawa lang siya kaya di niya ako machat." nakangiting sambit ko pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Aaarrghhhg! Ano ba 'to?

Napapansin ko naman na parang wala ng nagsasalita dito kaya tinignan ko naman silang dalawa. Nakikita kong nagngingitian sila sa isa't isa pero.. parang may sinasabi sila sa mga mata nila? May mali ba sa sinabi ko?

"Hoy! Bakit ganyan kayo?!" pasigaw kong tanong sa kanila at mukhang nabigla naman sila sa sigaw ko kaya medyo nabigla sila na nakatingin sa akin kaya natatawa lang naman ako.

"Wala ah! Ichat mo na kaya yun! Miss ka na din 'non!" nang-aasar na sambit ni Lisa.

"Ha! Hindi 'no. Hihintayin ko nalang siya. Baka may ginagawa eh." natatawang sambit ko at napatango lang naman silang dalawa.

"Sige. Sabi mo eh." sabi ni Sehun. "Sino ba talaga Sè? Chanyeol or Yugyeom?" natatawang tanong niya sa akin at medyo naman ako nabigla doon.

"Ha? Anong ibigsabihin mo?"

"Sino ba talaga crush mo sa kanila?"

Oo nga 'no. Crush ko silang pareho. Pero sino yung mas lamang? Kung si Yugyeom, hanga ako sa kanya dahil ang bait, gwapo at ang galing niyang sumayaw. Tapos si Kuya Chanyeol, gwapo din syempre, yung talagang tinuri na akong tunay niyang kapatid, concern at tsaka sweet sa akin. Hmmmm. Hindi ko yata alam kung sino yung mas crush ko sa kanila. Pareho lang naman.

Natawa naman ako, "Ewan ko sa'yo. Basta crush ko sila. Ganun." sagot ko.

"Crush lang ba talaga?" nang-aasar na tanong ni Lisa.

"Oo naman!" natatawang sagot ko.

Tsaka lang naman kami naghihintay ng tricycle na masasakyan namin dito. Pero maya maya, hindi ko alam na napatingin ako sa chats namin ni Kuya Chanyeol. Bumilis yung tibok ng puso ko ng nakita kong online siya. Pero.. bakit parang ayaw niya akong ichat? Nakalimutan niya na ba ako? Hmmppp!

Pero bakit ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko pagdating kay Kuya Chanyeol? Namimiss ko lang naman siya ah! Hays. Ewan ko ba. Basta hihintayin ko nalang chat ni Kuya Chanyeol.

Itatago ko na sana yung phone ko ng nakita kong may nagchat. Tsaka nung tinignan ko, napapangiti nalang lamang ako ng makita kong si Yugyeom yung nagchat sakin. Nagbibiyahe palang yun pauwi sa bahay nila ah. Nagchat na agad? Hahahaha! Si crush talaga oh!

- - -

Kim Yugyeom
active now

Kim Yugyeom:
uy crush ingat ka dyan ha. :)) see you tomorrow naman.

Kim Yugyeom:
naeexcite naman ako ngayon na makita ka bukas hehe

Kim Yugyeom:
may mas gana lang talaga ako magpractice ng dahil sa'yo, thank you.

Park Chaeyoung:
hala thank you HAHAHAHA ikaw din dyan ha

Park Chaeyoung:
talaga ba? HALAAA di ko ineexpect yun pero thank you yugyeom ha HAHAHAHA

Park Chaeyoung:
kinilig ako slight 😂

Kim Yugyeom:
bat slight lang? dapat full

Kim Yugyeom:
jk lang HAHAHAHAHA

Park Chaeyoung:
ikaw talaga!!! 😂

Kim Yugyeom:
saan na ba kayong tatlo?

Park Chaeyoung:
eto naghihintay pa din ng masasakyang tricycle.

Kim Yugyeom:
ah ganun ba? sige bye na crush. thank you talaga sa kanina ah.

Kim Yugyeom:
nahihiya talaga ako kanina na binilhan mo pa ako ng pagkain at ikaw pa nagpunas ng pawis ko.

Kim Yugyeom:
crush naman eh mas lalo kitang nagiging crush, wag ganyan 😂 HAHAHAHAHAHA

Kim Yugyeom:
pero seryoso, thank u ♡

Park Chaeyoung:
nakoo wala yun no. maliit na bagay. tsaka wag kang mahiya no! HAHAHAHA! nagiging mabuting kaibigan lang naman ako sa'yo eh HAHAHAHA

Park Chaeyoung:
baliw HAHAHAHA crush mo jan

Park Chaeyoung:
osige bye na. ingat ha haha

Kim Yugyeom:
ok see you tomorrow crush ♡

Park Chaeyoung:
same :)) ♡
seen by Kim Yugyeom.

- - -

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon