MO68。

44 14 0
                                    


ROSÈ

"Hala shet ang daming estyudante dito galing sa ibang schools 'no? Mukhang ang dami nilang kalaban ha." sabi ni Lisa habang nakatingin sa mga estyudante na nandito na galing sa iba't ibang universities.

"Oo naman. Pero alam ko naman na makakaya 'to ng school natin." sabi ko habang nakangiti at tsaka lang naman napatango si Lisa.

Nandito lang kami sa gym. Kasama ko si Lisa. Medyo marami na din ang mga tao dito. Pero mamayang 9 A.M. pa magsisimula yung program. 7:58 A.M. pa lang. Masyado pang maaga.

"Oh papapunta sina Yugyeom dito." dinig kong sambit ni Lisa tsaka naman ako napatingin sa kanila. Papapunta nga silang dalawa ni Sehun dito. May mga dala silang bag. Mga susuutin yata nila yan mamaya para sayaw.

"Oh nandito pala kayo." nakangiting sambit ni Yugyeom.

"Oo naman! Inaabangan talaga namin kayo. Pero uy, ang dami niyong kalaban from other schools." sabi ni Lisa tapos napatango lang naman ako doon.

"Kaya nga." ako.

"Nako kaya yan mamaya. Tiwala lang kayo sa amin." natatawang sambit ni Sehun tsaka napatango lang naman kami doon.

"Basta galingan niyo lang talaga. Team work kayong lahat." nakangiting sambit ko sa kanila.

"Oo naman 'no. Kami pa. Diba bro?" natatawang tanong ni Yugyeom kay Sehun.

"Syempre naman!" tapos nag-apiran silang dalawa. Grabe. Hahaha!

"Bale maaga pa naman.. pwede samahan  niyo muna kami ni Yeom sa canteen?" tanong sa amin ni Sehun.

"Anong gagawin niyo doon?" tanong ko sa kanya.

"Kakain, syempre. Ano pa ba?" natatawang tanong ni Sehun. Oo nga naman. >.<

"Pero sa ganitong oras? Magrerecess kayo agad?" natatawang tanong ni Lisa sa kanya.

"Oo. Nagugutom ako." natatawang sambit ni Sehun.

"Ako din naman." Yugyeom.

"Sige, sama kami ni Rosè. Kain nalang din kami." natatawang sambit ni Lisa at tumango nalang ako.

"Kaya nga. Tara na." aya ko sa kanila tapos sabay naman kaming apat na papunta sa canteen.

- - -

"Hoy wag niyo masyadong damihan yung pagkain niyo. Kung mabusog kayo ng sobra, ewan nalang." natatawang sambit ni Lisa kina Sehun at Yugyeom.

"Ano ka ba. Mamaya pa naman yun. Tsaka isa pa, may last practice pa kami mamaya. Para may energy kami ni Yugyeom, ganon." natatawang sambit ni Sehun habang kumakain ng burger tapos uminom ng bubble tea.

Paano ba naman kasi 'tong dalawa, bumili ng burger, fries, bubble tea at vegetable sandwich. Masyadong marami yan ha. Di ko nga maubos yan. Kami ni Lisa tamang bubble tea at sandwich lang. Nako.

Habang kumakain kami dito, naririnig namin na may mga estyudanteng bumubulong sa paligid namin.

"Oh em ji girls. Magkasama si Yugyeom at Rosè oh."

"Talagang totoo nga yung status nila sa facebook. Baka sila na nga."

"But bakit single pa din sila sa mga status nila?"

"Pero wooww! Magkasama na sila ngayon. Sana all nalang talaga yung girl!"

Nang dahil doon natigilan kami sa pagkain sa mga naririnig namin. Pero maya maya, natatawa si Sehun habang kumakain.

"Anong nakakatawa ha?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Natatawa ako sa mga pinagsasabi nila. Akalain niyo? Akala nila kayo na? Parang prank 'to ah." natatawang sambit niya.

"Nang dahil lang naman yun sa dare niyo." natatawang sambit ni Yugyeom. "Ang daming naniwala. Pero hindi nalang namin pinapansin yun ni Rosè." natatawang sambit ni Yugyeom.

"Oo nga." pagsang-ayon ko tapos napatango ako.

"Last day nalang pala natin makasama si Yugyeom 'no." sabi ni Lisa tapos napabusangot naman kami dito. Pero natawa lang naman si Yugyeom.

"Oo nga. Pero ano ba, chat chat nalang tayo. Tsaka soon, magkita uli tayo." nakangiting sambit ni Yugyeom at napangiti nalang din kami.

"Oo nga." sabi naming lahat tapos ipinagpatuloy nalang namin ang pagkain namin.

Maya maya tapos na din kaming kumain. Tapos nagpahinga kami ng madalian. Tsaka sabay naman kaming bumalik sa gym. Medyo dumadami na ang tao sa gym. Tinignan ko ang time ko sa relo ko, 8:20 na. Lapit nalang magstart!

"Ano? Solve na kayo?" Natatawang tanong sa kanila ni Lisa.

"Oo naman!" sabay na sagot ni Yugyeom at Sehun tsaka natawa lang naman kami ni Lisa.

Pero maya maya may sumulpot na babae sa aming harapan. Mukhang kasama 'to nila sa sayaw. Lagi ko kasi siyang nakikita kasama nina Yugyeom.

"Sehun at Yugyeom, tinatawag na tayo ni choreographer, last practice nalang tapos magbihis na daw agad." nakangiting sambit nung babae at napatango naman silang dalawa.

"Sige sige, salamat. Susunod na kami." nakangiting sambit ni Yugyeom at tuluyan na umalis yung babae.

"Sige. Mauna na muna kami ni bro Yugyeom. Mamaya nalang girls ha?" nakangiting tanong ni Sehun namin.

Napangiti at napatango naman kami ni Lisa, "Sige! Goodluck talaga sa inyo!" sabay na sambit namin sa kanila.

"Thank you!" sabay nilang sambit at tsaka ipinagmasdan nalang namin sila na lumalayo sa amin.

Tsaka naman kami tumambay ni Lisa sa bleachers kasama ang mga kaklase namin dito. Naghihintay na magstart yung program. Pero maya maya, nagtanong sa akin si Lisa.

"Ano Sè, nagchat na ba kayo ni Chanyeol?" nakangiting tanong niya. Tsaka nang dahil doon, natigilan ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng naaalala ko na naman siya.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil nga sa iniyakan ko siya. Grabe yung iyak ko kagabi. Hindi ko nga maintidihan ang sarili ko kung bakit ko yun iniiyakan. Nang dahil lang sa wala siyang may sinabi sa akin sa chat. Ang sakit lang kasi na ganon, sa totoo lang. Pero tsk, bakit talaga ako umiyak?

Ano na ba talaga yung nararamdaman ko kay Kuya?

Huminga ako ng malalim at ningitian ko si Lisa, "Wala pa. Busy pa siya. Pero hihintayin ko nalang. Kung kukulitin ko, distorbo lang ako." pinilit kong tumawa at nakita kong natatawa lang din si Lisa.

"Kakausapin ka din 'non. Ikaw pa." nakangiting sambit niya sa akin at ningitian ko lang siya.

Pero bakit kasi patagal ng patagal, parang nagiging malamig si Kuya sa akin? Bakit ang sobrang sakit yun sa akin?

Hindi.. ang sobrang babaw lang non. Pero ako, bakit masyado akong nasasaktan? Bakit ko pa siya iniyakan kagabi?

Bakit.. kahit yun lang, ang sobrang sakit pa rin sa akin?

- - -

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon