MO75。

109 16 5
                                    

Three days later . . .

ROSÈ

Tatlong araw na ang nakalipas nung nagchat kami ni Kuya Chanyeol. Sunod non, hindi na siya agad active. Binabantayan ko lagi kung active siya.. pero nabigo ako dahil wala na talaga. Siguro nga.. masyado ko siyang nasaktan.

Sa ngayon, namimiss ko naman ulit si Kuya. Hindi ko pa nacontrol ang sarili ko dahil parang sinisigawan ko na siya sa huling chat namin.

Kasalanan ko 'to, pero gusto kong magsorry sa kanya. Pero hindi pa naman siya mag-online. Natatakot ako na baka kung ano na nangyayari doon sa kanya. Sana naman.. okay lang siya tulad nung dati.

Pero sa ngayon, parang gusto ko naman siyang kausapin. I miss him. Really. And of course.. I love him.

Patagal lang ng patagal na di na siya nag-chachat sa akin, palala lang nang palala yung nararamdaman ko sa kanya. Pero nagtitiwala ako, dadating din siya ulit. Maiintidihan niya din ako.

Weird right? He loves me, I love him too. Halos kapatid niya nalang ako at kuya ko nalang siya. Pero mapipigilan ba namin ang sarili namin? Hindi.. syempre.

And first of all, age doesn't matter on love. Pag mahal mo talaga ang isang tao, go.

Ilang araw din akong umiyak ng umiyak dahil nga hindi ko matanggap sa sarili ko na sinaktan ko si Kuya Chanyeol. Nandito naman lagi sa tabi ko ang mga bestfriends ko, si Sehun at Lisa para pakalmahin ako. They're always on my side to cheer me up. Pinaalam na din nila kina Kuya Hoseok at ate Tiffany yung sitwasyon ko, tapos binigyan lang naman nila ako ng mga advices para maging okay na ako.

Tsaka nandito lang kami nina Lisa sa garden, nagtatambay. Vacant time naman namin. Ako naman dito, napapaisip lang.. sa kanya. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Okay lang kaya siya? Sana naman.

"Iniisip mo siya Sè 'no?" tanong sa akin ni Sehun.

Tumango ako at ningitian ko na siya, "Oo. Miss ko na siya. Babalikan niya pa kaya ako?"

Natawa naman si Lisa, "Magtiwala ka, Sè. Babalikan ka 'non, baka di napigilan ang sakit na nararamdaman kaya di ka muna kinausap. Kapag talagang mahal ka niya, babalikan ka niya." nakangiting sambit niya sa akin.

Napangiti naman ako, "Sana nga."

"Tsaka sobrang matutuwa yun kapag malaman niyang mahal mo din siya." Sehun. "Magiging okay din ang lahat."

I smiled, "Sana nga, Sehun. Sana nga.. magiging okay pa ang lahat sa amin." sabi ko at ningitian lang naman ako nilang dalawa.

Tsaka napapaisip ako, bakit kaya.. bakit kaya hindi niya agad sinabi sa akin na may nararamdaman siya sa akin?

"Bakit kaya.. hindi niya agad inamin sa akin na mahal niya na ako?" nagtataka kong tanong sa kanila.

Nakita ko namang natawa si Sehun, "Naman Sè. Syempre dapat hahanap siya ng tamang timing para sabihin yun sa'yo. Tapos.. syempre nag-iipon pa ng lakas ng loob para aminin yun sa'yo. Di naman yun agad agad." paliwanag niya.

"Tsaka isa pa, baka natotorpe siya sa'yo. Malay mo natatakot sa magiging reaction mo. Tapos.. iisipin niyang maweweirduhan siya kasi ang tanda tanda niya na tapos ang bata bata mo pa." gatong din ni Lisa.

"Or pwede namang natatakot lang sabihin sa'yo, baka nag-ooverthink na busted siya agad!" dagdag naman ni Sehun.

Oo nga naman 'no?

Huminga naman ako ng malalim at napatango lang naman ako. Pero maya maya natawa ako, "Paano niyo nalaman?"

Nang dahil sa tanong ko, parang natigilan sila bigla. Tsaka nagkatinginan pa silang dalawa. Nagtataka talaga ako lagi sa dalawang 'to.

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon