ROSÈ
"Hoy Rosè, mukha kang baliw kanina pa. Anong ningingiti ngiti mo dyan?" biglang tanong sa akin ni Lisa habang kumakain ng fishball. Tsaka ko nalang itinago ang phone ko.
Kumain lang ako ng siomai, "Wala lang. Bakit?" natatawa kong tanong sa kanya. "Bawal ba?"
"Hindi naman sa bawal ah. Pero ang weird kasi eh, parang ngayon lang namin nakita. Di'ba Sehun?" tanong sa kanya ni Lisa.
Napatango naman si Sehun, "Oo nga." sagot niya naman.
Pero hindi ko naman kasi mapigilan mapangiti eh ang saya ko yata pag nag-uusap kami ni Kuya Chanyeol. Simple lang kami nag-uusap pero ang sobrang saya ko yata at ang weird ng nararamdaman ko. Hindi ko nga alam kung ano 'to eh.
"Nako, sus. Alam ko na yan kung bakit ka ganyan makangiti." napaharap naman ako kay Sehun na nagsalita tapos nakangisi siya sa akin.
Nagtaka naman ako, "Eh ano naman yun ha?"
"Sus. Kausap mo lang yung Chanyeol eh." sambit niya at nabigla naman ako nung sinabi niya yun. What-- paano niya nalaman yun? Nakita niya?
Nang narinig ko na naman ang kanyang pangalan, nakakaramdam na naman ako ng weird na feelings. Nakakainis, ano 'to? Lagi ko nalang 'to nararamdaman kapag siya ang topic. Pero kapag hindi naman siya, hindi naman ganito yung nararamdaman ko.
Nanlaki ang mata ko, "Paano mo nalaman yun ha?"
"Ah, so totoo nga?" tanong sa akin ni Lisa at hindi ko alam na dahan dahan akong napatango. Tapos nakita ko lang naman na nagkatinginan silang dalawa ni Sehun at parang may iniisip silang dalawa. Ano kaya iyon?
"Wala lang.. naisip ko lang. Grabe ka kasi makangiti kung makapagchat kayong dalawa or siya ang topic." sambit ni Sehun.
"Kaya pala grabe ang ngiti mo eh 'no." patango tango na sambit ni Lisa at natawa lang naman silang dalawa.
Hinarap ko naman silang dalawa, "Normal lang naman yung na ngumiti ah. Grabe naman kayo dyan. Ano bang iniisip niyo ha?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Sabihin mo nga sa amin.." medyo lumapit sa akin si Lisa, "Gusto mo ba si Chanyeol?"
Sa tanong ni Lisa nanlaki naman ang mata ko. Hala. Bakit niya naman tinatanong yan? Anong nakain niya? Di ko gusto si Kuya 'no. Crush ko lang yun. Ampp.
"Bakit mo naman natanong yan?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Wala. Naninigurado lang. Grabe kasi ang ngiti mo eh." natatawa niyang sambit. "So gusto mo ba yun?"
"Ah, hindi. Pero crush ko lang yun." natatawa kong sambit.
"Pustahan. Yung crush na yan sa Chanyeol na yan, mapupunta yan sa gusto.. or mahal." napaharap naman ako kay Sehun. Tsaka naman ako nagtaka sa sinabi niya. Pinagsasabi niya?
Huminga ako ng malalim, "Kahit pagpustahan niyo ako, walang magaganap. Eh hindi ko din naman yun magugustuhan eh kuya ko nalang nga yun." sagot ko at medyo naman silang napatahimik na dalawa.
"Eto ang mahirap." bulong ni Lisa pero hindi ko siya narinig.
"Eh paano nga Sè, paano lang.. kung magkakagusto siya sa'yo? Anong gagawin mo?" tanong ni Sehun sa akin. Kanina pa 'to sila ni Lisa tanong ng tanong sa akin ah.
Napapaisip ako, "Kung mangyari man yun.. edi.. pagbigyan ko siya. Eh hindi niya din naman yun mapipigilan eh kaya hahayaan ko nalang siya." sagot ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng hindi ko alam. "Eh.. malay niyo, magkagusto din ako sa kanya." dagdag ko at napaiwas nalang ako ng tingin sa kanila.
"Yown!" sigaw ni Sehun at sinaway lang naman siya ni Lisa dahil ang daming nakatingin sa kanya.
Tinignan ko naman silang dalawa, "Mga baliw kayo. Eh sumasagot lang naman ako eh." natatawa kong sambit sa kanila. Tapos maya maya nakita kong nag-apiran silang dalawa ni Lisa tapos ningisihan na naman nila ako. Anong mga problema nila?
Mga mukha silang baliw ngayon. Totoo yan.
"Hoy anong mga problema niyo? At mga ngiti niyo? Bakit ganyan?" nagtataka kong tanong sa kanila habang kumakain.
Hindi lang nila ako sinagot at ipinagmamasdan ko lang naman silang dalawa na natatawang naiiling tapos nag-apiran na naman silang dalawa. Parehas ba sila ng iniisip? Teka.. ano bang pinag-iisip ng dalawa na 'to at mga mukha silang baliw? Buti nalang hindi ako nahahawa sa kabaliwan nila.
Napailing nalang ako sa dalawa na 'to habang natatawa silang dalawa sa hindi ko alam. Di ko sila maintidihan. Maya maya nalang talaga, sarap ng pag-untugin ang mga ulo ng magjowa na 'to.
- - - - -
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3