MO49。

68 21 2
                                    


my cute ssaeng ❤
active 2 mins ago

my handsome kuya ❤:
oh you're offline for now | deleted.

my handsome kuya ❤:
magsesend sana ako ng messages ko sayo pero wag nalang | deleted.

my handsome kuya ❤:
alam ko namang iseseen mo lang ako at di mo ako rereplyan | deleted.

my handsome kuya ❤:
but hey, bakit hindi ka na nagchchat sa akin? | deleted.

my handsome kuya ❤:
tsk, talaga bang masaya ka sa yugyeom na yun? | deleted.

my handsome kuya ❤:
nakalimutan mo na ba ako? | deleted.

my handsome kuya ❤:
hahahahaha ang sakit pero kasalanan ko naman | deleted.

my handsome kuya ❤:
bakit nga ba natatakot ako at di ko masabi sabi sayo na mahal kita? | deleted.

- - -

ROSÈ

Sa wakas, nakarating na din ako dito sa school at nakita kong medyo madami na ang mga students dito sa campus. Pero kadalasan, nagpapasyalan lang naman dito sa paligid. Wala ngang klase eh, hahaha!

Nung nakapasok na ako sa room, nagtaka ako na di ko nakita sina Lisa at Sehun. Wala pa ba sila dito? Ang aga na kaya.

"Uy Kaira, nakita mo ba si Sehun at Lisa?" tanong ko sa kaklase kong si Kaira.

Napatango naman siya, "Oo. Nakita namin sila dito kanina. Di mo ba sila nakita?" tanong niya sa akin.

Napailing naman ako, "Hindi eh. Kaya ako pumunta nga ako dito eh akala ko nandito sila." natatawang sambit ko.

"Ah ganun ba? Baka nasa gym na yun sila. Tignan mo doon." nakangiting sambit niya sa akin.

"Sige thank you Kaira ha." nakangiting sambit ko sa kanya at ningitian niya din ako.

Tsaka naman ako papunta sa gym. Baka nga andoon na silang dalawa. Pero kinuha ko yung phone ko para ichat si Lisa kahit di siya online. Hahaha!

- - -

Lisa Manoban
active 1 hour ago

Park Chaeyoung:
uy lisa wala pala kayo sa room hahaha

Park Chaeyoung:
nandyan na ba kayo sa gym ni sehun? daya ha di niyo ko hinintay!

Park Chaeyoung:
pero papunta na ako dyan. nandyan naman kayo eh :D hahahhaa bye na!
delivered.

- - - -

So ayun nga, nakarating na din ako sa gym. Marami na ding mga estyudante dito na magprapractice sa dance contest. Pero nilibot ko ang paningin ko sa gym pero di ko makita si Sehun at Lisa. Hala.. nasaan naman kaya yung dalawa na yun? Wala naman sila sa mga bleachers. Tsaka hindi ko silang makitang dalawa.

"Saan naman kaya yung dalawa na yu'n?" taka kong tanong sa sarili ko.

Sinubukan ko silang hinanap at nahagip ng mata ko yung babae at lalaki na nakaupo sa bench sa kalayuan. Pero nahahalata ko na parang si Sehun at Lisa yun. Tinignan ko sila ng mabuti at tama nga ako. Kilala ko na sila kahit nakatalikod at sa buhok pa lang nga. Hays. Puntahan ko nga yung dalawa na yun.

Papalapit naman ako sa kanilang dalawa. Tsaka habang lumalapit ako sa kanila napapangiti nalang ako. Sabi ko na nga bang sila 'to eh. Pero ha, magulat nga silang dalawa. HAHAHAHAHAHA!

Yumuko naman ako at sobrang tahimik akong naglalakad palapit sa kanila. Eto na, medyo malapit na ako sa kanila. Magugulat ko na sila. Sorry nalang sa mga bestfriends ko. Hahahaha! Tsaka mukhang nag-uusap pa silang dalawa!

Nung gugulatin ko na sana sila, pero di ko natuloy dahil nakikinig ako sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"Ano ba naman yun! Ang hina hina ng lalaki na yun! Nagseselos lang ng sobra eh wala naman siyang ginagawa!" Lisa.

"Oo nga. Minsan nga, gusto ko na siyang sapakin dahil ang torpe torpe non." Sehun.

"Oo nga! Bakit pa ba kasi siya natatakot na sabihin sa kanya yung nararamdaman niya? Wala namang mangyayari ah!"

"Kung ako sa kanya, di ko na sasayangin ang pagkakataon kong makaamin eh baka maunahan na ako nung iba. Dapat niya na kasi talagang sabihin yun. Takot eh."

Inangat ko ang ulo ko at nagtaka naman ako sa pinag-uusapan nila. Sinong yang pinag-uusapan nila? Tumayo naman ako ng maayos.

"Sinong takot?" diretso kong tanong sa kanilang dalawa. Tsaka ko lang naman silang nakitang dalawa na napapaharap sa akin. Mukhang nabibigla pa sila nung nakita nila na nasa likod nila ako. Tsaka nagkatinginan silang dalawa uli tsaka hindi ko maintidihan ang mga itsura nila. Mukhang.. nagugulat sila.

Ano bang meron?

- - -

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon