ROSÈ
Nandito lang kaming lahat sa dining table. Nag-uusap usap lang naman ang mga parents namin. Tuwang-tuwa pa sila. Pero kami nina Yugyeom, Lisa, Sehun at siya ay kumakain lang. Ang tahimik lang namin dito. Iniisip ko ngang sobrang awkward ang nangyayari ngayon.
Tsaka ngayon ko lang pala nalaman na magbusiness partners yung parents namin ni Yugyeom.
Nakatingin lang naman ako sa pagkain ngayon. Nakakawalang gana talaga. Pero pinilit ko ang sarili ko na kumain nalang talaga kasi baka mapansin pa nila ako kung anong nangyayari sa akin. Mahirap na baka at madulas pa ako.
Maya-maya din ay tapos na kaming lahat kumain. Pero nag-uusap pa din sina Mom dito. Nanatili naman kaming tahimik na mga kabataan dito. Naa-out of place na kami dito.
Pero nakita kong huminga ng malalim yung Mom ni Yugyeom, "Okay. Thank you dahil dito niyo pa kami pinakain." natatawang sambit niya.
"Wala yun 'no. Parang yun lang nga." natatawang sambit ni Mom and nabigla naman ako na bigla niya akong tinignan ng seryoso at kinabahan naman ako doon.
Huminga ng malalim si Dad, "So we're done. And this is it, may kailangan kaming ipaalam sa inyo." nakangiting sambit niya sa amin.
"And this is about Yugyeom and Rosè." nakangiting sambit ng Mom ni Yugyeom. Tsaka nabigla naman ako doon. Ano? About sa amin ni Yugyeom?
Mabilis ko namang nilipat ang tingin ko kay Yugyeom at nakita kong nakatingin na pala siya sa akin. Pero nung tinignan ko siya, iniwas niya agad ang tingin niya sa akin. Bakit? Alam niya na ba?
"Hindi na namin papatagalin 'to." nakangiting sambit ni Mom sa akin. "Matagal na namin 'tong iniisip dahil matagal na kaming magbusiness partner. So why not? Para naman 'to sa kabutihan ng business natin. Para makilala pa at sa susunod, kayo ng dalawa ang mamana neto." dagdag niya.
Sa sinasabi ni Mom. Hindi ko siya makuha. Business? What do she mean?
"Malalaki na kayong dalawa ni Yugyeom. Mabilis na din ang oras ngayon at matagalan din, graduate na kayo sa college." nakangiting sambit ni Mom sa akin. "Yugyeom said to me that you're a friend of him and he said you're really kind."
"So Yugyeom is like that too. Naisip naming perfect talaga kayo sa isa't isa." dagdag ni Mom.
Pero sa mga pinagsasabi nila, wala akong makuha. What? Ano naman sa amin ni Yugyeom? Anong pinagsasabi nila?
"Wait what? Hindi ko makuha? Anong ibigsabihin niyo?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
Huminga ng malalim ang Mom ni Yugyeom, "Ipapakasal namin kayong dalawa pagtapos niyo sa college. This is for our business. Wag na kayong tumanggi. Para di naman 'to sa ikakabuti paglaki niyo. Isa pa, magkaibigan na kayo at mas lalo niyo lang kilalanin ang isa't isa."
Sa narinig ko, biglang tumigil ang mundo ko. May kirot akong naramdaman sa puso ko. Ano? Ipakasal kaming dalawa? Bakit kailangan yun? Para lang sa business? Pero.. magkaibigan lang kami ni Yugyeom. Hindi pwede yun. Ayaw ko!
Mabilis kong tinignan si Yugyeom na nabibigla at tahimik lang siya hanggang ngayon. Wala ba siyang sasabihin? Ginusto niya ba 'to para sa business? Pero.. magkaibigan lang kami!
Mabilis kong nilipat ang tingin ko kina Mom and Dad. Nakangiti pa din sila hanggang ngayon. Bakit ang sobrang manhid nila? Bakit hindi nila maramdaman na sobra kaming nasasaktan kami sa pinaggagawa nila? About sa amin ni Yugyeom at yung pag-amin nila na si Chanyeol yung Kuya ko. Bakit parang.. okay lang sa kanila?!
Ningitian kami ni Dad at may nakita akong may hawak siyang papel at ballpen. Ano yan? Talaga bang seryoso sila?
"You need to sign this paper. For your marriage soon. Ikaw muna Yugyeom." sambit ni Dad at mabilis naman akong kinakabahan. Binibigay niya naman yung papel kay Yugyeom.
Halos tumulo ang mga luha sa mata ko ng tinanggap yun ni Yugyeom. Seryoso ba siya? Talagang pipirma siya at papayag siya? Bakit ba kailangan pa 'to mangyari sa amin?
Nagulat naman sina Mom na umiiyak ako. Gusto kong sabihin na ayaw ko at may mahal na ako.. si Kuya. Pero hindi pwede. Hindi. Tsaka wala akong maisip na rason kung bakit ako tatanggi. Naguguluhan ako.
Nilipat ko ang tingin ko kay Yugyeom, nakatingin din siya sa akin. Pero mas lalo lang akong naiyak ng parang wala siyang pake na nakikita akong ganito. Dahan-dahan ko namang nilipat ang tingin ko sa hawak niyang papel at ballpen. Seryoso? Papayag siya?
Papayag siya nang dahil sa kagustuhan ng parents namin para sa business namin? Pero.. hanggang magkaibigan lang kami!
"Stop so childish, sweety. Bakit ka ba ganyan? Kayo din naman ang magkakatuluyan." natatawang sambit ni Mom at naiyak lang naman ako lalo.
Hindi ko alam, nilipat ko ang tingin ko sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin. Parang may pinipigilan siyang luha sa kanyang mga mata. Alam ko yun.
"I know, payag 'tong anak ko. So Yugyeom? What are you waiting for? Pirmahan mo na." nakangiting sambit ni Mom.
Mabilis ko namang nilipat ang tingin ko kay Yugyeom at parang pinagmamasdan niya ang papel at may iniisip siya.
Please, wag kang pumirma.
Nabigla nalang kami na bigla siyang tumayo, "Hindi. Hindi ako pipirma." tapos nanlaki nalang ang mata namin nang bigla niyang pinunit ang hawak niyang papel at tinapon niya kung saan lang yung ballpen.
Pero hindi pa din ako tumigil sa pag-iyak. Nasasaktan ako sa mga pinaggagawa ni Mom. Tinignan ko naman sina Mom, nabigla sila. Pero si Dad, galit na galit na nakatingin kay Yugyeom.
"Hindi ako papayag! Alam kong ganun din si rosè! We're only friends! Wag niyo naman kami ganituhin ng dahil sa business! You're making me dissapointed!" galit na sambit ni Yugyeom.
"How dare you yugyeom, I'll grounded you for many months! Bakit mo pinunit yun?!" galit na tanong sa kanya ni Mom niya.
Tinignan sila ni Yugyeom ng seryoso, galit na galit talaga siya, "Go. Ground me, I dont care. basta ayaw ko mangyari yang binabalak niyo."
Pero hindi ko pa din mapigilan ang sarili kong umiyak. Nasasaktan ako sa nangyayari ngayon. Sobra. Nang dahil sa kanya at sa amin ni Yugyeom. Pero tinignan ako ni Yugyeom. Nakita kong nilapitan niya ako at ningitian niya ako.
He hugged me while I'm crying, "Don't worry. It won't happened.. crush." bulong niya sa akin at agad niya din ako binitawan and he immediately leave our house.
Nilipat ko ang tingin ko kina Mom, nabigla din sila sa inakto ni Yugyeom. Pero ramdam ko sa expression nila na sobra silang naiinis sa ginawa ni Yugyeom.
Pero maya-maya, nakita kong tumayo siya at nakita kong lumabas siya sa bahay. Bakit siya lumabas?
Pero hindi ko alam, may tumulak sa akin para sundan siya sa labas.
Masyado na 'tong nangyayari sa buhay ko. Parang.. hindi ko na kaya damdamin ang sakit.
-
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3