MO81。

89 18 0
                                    

ROSÈ

12:25 A.M.

Pinipilit kong matulog ngayon pero kahit madaling araw na, hindi pa din ako makatulog. Kahit anong gawin ko, hindi pa din ako nakakatulog at hindi man lang ako inantok kahit konti.

Mabilis naman akong napaupo sa kama dito. Napatingin naman ako sa katabi ko dito si Lisa, ang sobrang sarap ng tulog niya. Nilipat ko naman ang tingin ko kay Sehun na natutulog sa isang kama, ganon din.. ang sarap din ng tulog niya. Buti pa sila, nakatulog ng maayos.

Alam na pala nila na ayos na kami ni Chanyeol. Tsaka yun ang sobrang saya nilang dalawa para sa akin kasi sa wakas, hindi nga kami nagkamali na magkakaayos pa kaming dalawa. Ako nga din, akala ko di magtatagumpay yung mga sinabi ko sa kanya. Tsaka sa ngayon, ang saya na naman naming dalawa.

Hanggang ngayon nga ang saya ko pa din habang inaaalala ko yung mga pinagsasabi niya sa akin. Kahit hindi pa kami nagkikita, ramdam ko talagang mahal na mahal niya ako. Sa sobrang saya ko, gusto ko nalang magsaya dito sa gitna ng gabi, pero wag. Baka magising yung magjowa dito. >.<

Kaya nga hindi ako makatulog dito dahil sa totoo lang, gumugulo sa isip ko si Chanyeol. Totoo talaga. Hindi talaga ako makatulog nang dahil sa kanya dahil nasa isip ko siya. Tsaka para pa akong baliw na napapangiti kapag naaalala siya habang nakapikit ako kanina. Tapos ang sobrang bilis pa ng tibok ko ngayon habang inaaalala na naman siya. Ang sobrang iba talaga ng epekto niya sa akin. Kaya nagkakaganito ako.

Sobra na akong nababaliw sa kanya. Paano ako makakatulog neto kapag lagi ko siyang iniisip? Tapos isa pa.. parang hindi ko naman siya maialis sa isipan ko kasi nga sobrang baliw na ako sa kanya. Waahhhh!

Maawa ka sa akin Chanyeol, patulugin mo naman ako.

Sa totoo nga gusto ko pa talagang makipag-usap sa kanya kahit halos madaling araw na. Sobra ko lang naman siyang namiss. Tapos parang hindi ako makapaghintay bukas para doon naman kaming magkausap uli. Talagang nababaliw na ako sa lalaki na yun. Ngayon lang ako nagkakaganito. Nang dahil sa pag-ibig. Hay. Ang korni ko na talaga.

Pero sobra akong kinikilig sa sinabi niya na kahit gusto niya din akong kausapin ng magdamag, pero inisip niya pa din yung health ko. Ang concern niya talaga sa akin. Nakakakilig talaga.

Pero kahit sinabi niya yun sa akin, talagang hindi ako makatulog. Hmmmppp! Kasalanan niya naman 'to. Ayan tuloy, lagi ko siyang iniisip.

Siya kaya? Natutulog na kaya yun? Hmmp. I'm sure inantok yun nang dahil sa akin. Maaga na kaya ngayon sa Korea. Baka natutulog na yun ng tuluyan.

Pero hindi ko alam, kinuha ko yung phone ko at tinignan ko yung convo naming dalawa. Tapos nanlaki ang mata kong nakitang active pa din siya. Hala? Hindi pa ba 'to tulog? Or.. baka nakalimutan niya lang i-off yung phone niya?

Di ko mapigilan ang sarili ko na magsend ng chat sa kanya. Nababaliw na ako, pasensya na.

- - -

my handsome kuya ❤
active now

my cute ssaeng ❤:
i can't sleep TT___TT

my handsome kuya ❤:
i can't fucking sleep, chaeyoung.

my cute ssaeng ❤:
omgg, sabay talaga? :/

my handsome kuya ❤:
sabay tayo HAHAHAHA

my handsome kuya ❤:
ganon ka din pala? hindi ka din makatulog?

my cute ssaeng ❤:
di ko nga din yun inakala eh HAHAHA

my cute ssaeng ❤:
opo. ikaw din palaaa? :/

my handsome kuya ❤:
yes kanina pa

my handsome kuya ❤:
pinipilit kong matulog, pero ayaw ko.

my cute ssaeng ❤:
hala sameeeeeee.. ganyan din ako kanina pa.

my handsome kuya ❤:
sa totoo niyan, lagi kang pumapasok sa utak ko kaya hindi ako makatulog.

my handsome kuya ❤:
sobra na talaga akong nababaliw sayo shit di na ako makatulog ng dahil sayo.

my cute ssaeng ❤:
ikaw lang ba haaa ako din kayaaa :(

my cute ssaeng ❤:
hindi din ako makatulog nang dahil sayo. akala ko nga natutulog ka na diyan ng maayos eh.

my handsome kuya ❤:
in short, we're just damn crazy to each other, chaeyoung.

my cute ssaeng ❤:
chanyeol namaaan mas lalo akong nababaliw bat gantooo ba yung epekto mo sakin sobrang iba.

my cute ssaeng ❤:
patulugin mo naman ako HAHAHA masyado mokong binabaliw.

my handsome kuya ❤:
don't worry. you too, chaeyoung. ♡

my handsome kuya ❤:
paano ba yan eh di rin ako makatulog nang dahil sayo HAHAHA

my cute ssaeng ❤:
eh anong gagawin natin sa gantong oras? im sure na di na ako makatulog netoo hays.

my handsome kuya ❤:
same chaeyoung, fuck this feeling. sobra kasi kitang mahal kaya nagkakaganito ako.

my cute ssaeng ❤:
jusmeyo naman yan ka na namaan tumigil ka nga diyan nakakakilig nanaman eh huhuhu

my handsome kuya ❤:
hmmm sorry my princess :)

my handsome kuya ❤:
gusto ko marinig boses mo, chaeyoung.

my cute ssaeng ❤:
hala ano po? :// boses ko?

my handsome kuya ❤:
yeah, i want to hear your voice.

my handsome kuya ❤:
send me some voice message of yours.

my handsome kuya ❤:
baka sa sobrang ganda ng boses mo, makatulog na ako neto.

my cute ssaeng ❤:
yieeee naman HAHAHA sure ka diyan chanyeol? medj kinakabahan ako baka mapangitan ka sa boses ko xD

my handsome kuya ❤:
uh huh no, ikaw pa.

my cute ssaeng ❤:
sige sige kuya ♡ send ka din ha? para fair, gusto ko din marinig boses mo.

my handsome kuya ❤:
okay, my princess. ♡

my cute ssaeng ❤:
sesend na ako ha? :D

my handsome kuya ❤:
okay chaeyoung.. come on. i'm excited. :>

my cute ssaeng ❤:
hihihi wait lang ha, hihinaan ko lang boses ko :)

my cute ssaeng ❤:
:))

my handsome kuya ❤:
:))

- - -

this is the update loves! hope you love this okayyy? ♡ stay safe! 💚💜😉

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon