a/n: mas nauna to nangyari sa chap 48 :DLISA
"Shit naman! Hindi ko mahanap yung bwisit ko na I.D.!" sigaw ko habang hinahanap yung I.D. ko sa loob ng bag ko. Pero naalala ko na hindi ko yun naiwan sa bahay. Tsaka alam kong nandito lang yung bag ko.
Tsaka hindi ko lang talaga yun mahanap eh sadyang magulo lang talaga ang bag ko eh. :D
"Aba bakit para ako yung pinapagalitan mo?" narinig kong tanong ni Sehun sa akin.
"Eh nakakainis kasi eh di ko mahanap!" sigaw ko na naman uli.
"Eh bakit mo ba yan hinahanap?" natatawang tanong niya sa akin.
Tinignan ko naman siya, "Edi hindi ako makakapasok kung walang I.D. ano ka ba." sambit ko at binalik ko ang tingin ko sa bag ko. Ang gulo kasi ng bag ko. >.< Tsaka nakalimutan kong isuot kanina eh kasi nagmamadali ako. Amp!
"Sus! Akin na nga yan. Ako nga maghanap." sabi ni Sehun at dali niyang inagaw ang bag ko at tsaka siya nga naghanap ng I.D. ko. -.- Wala naman akong may sinabi eh.
"Gulo gulo kasi ng bag mo!" dinig kong sermon niya sa akin habang hinahanap niya yung I.D. ko sa bag ko.
"Aba nagrereklamo ka? Pake mo ba? Tsaka wala naman akong may sinabi na ikaw ang maghanap eh. Akin na nga yan!" pasigaw kong sambit at pilit na inaagaw ko sa kanya yung bag ko pero medyo siyang lumayo sa akin at patuloy niya pa ding hinahanap ang I.D. ko. Huminga lang ako ng malalim at napapakamot nalang ako sa ulo ko.
Tsaka nakita kong lumingon na siya sa akin at nabigla naman ako na hawak hawak niya na yung I.D. ko. Pakshet? Eh bakit ako hindi ko mahanap? Baka kinuha niya? Arrghhh!
"Saan mo nakita yan? Kinuha mo 'no?" tanong ko sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin at natatawa lang siya, "Hindi ah! Nakita kong nakaipit sa slam book mo." natatawa niyang sambit.
"Ah ganun ba? Hindi ko maalala na dyan ko pala nilagay." sambit ko napapout ako at napakamot lang ako sa ulo.
Pero maya maya din ay naramdaman kong pinisil pisil ni Sehun yung pisngi ko kaya napaharap naman ako sa kanya, "Ang cute ng girlfriend ko."
Tsaka ng dahil doon, nararamdaman kong nang-init ang buong itsura ko at namumula ako. Pero ningitian ko lang siya at maya maya din ay natawa ako, "Ikaw talaga."
"Eto na I.D. mo oh." tsaka hinarap niya ako sa kanya at napapangiti lang ako na siya mismo nagsuot ng I.D. ko sa akin. Arrrghh! Kahit baliw 'tong boyfriend ko, ang gentleman. ♡ Nakakakilig!
I smiled on him, "Thank you." tsaka niya lang ako kinindatan at natawa lang naman ako ng mahina. "Tara na?"
"Tara." sambit ko pero nakita ko na hanggang ngayon ay nasa kanya pa din yung bag ko. "Teka.. yung bag ko akin na." sabi ko ng kunin ko na sana yun sa kanya pero nilayo niya yun sa akin. Tsaka naman napakubot naman ang noo ko doon.
"Yah! Bakit?"
Ningitian niya ako, "Ako na magdadala." sambit niya at nakita ko namang sinabit niya yung bag ko sa isang balikat niya. Wala akong nagawa kundi ningitian ko nalang siya. "Tara na." nakangiti niyang sambit tsaka niya hinawakan ang kamay ko. Tsaka lang naman kami papasok sa campus habang nakaholding hands.
: )
- - -
Nandito kami ngayon ni Sehun sa bench na malapit lang naman sa gym. Pumunta kami kanina sa room, tsaka nagpa-attendance kami sa Secretary namin. Para naman.. walang absent 'no! Hahaha! Sayang yun.
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3