MO88。

65 21 0
                                    


ROSÈ

Nandito ako sa sala, kasama ko sina Mom, Dad, Lisa at Sehun. Kasalukuyang hinihintay si Tita at Kuya. Papunta na daw sila dito. Mas lalo lang akong naeexcite. Sa wakas talaga, ngayon na kami magkikita.

Pero sabi sa akin ni Chanyeol, St. Marianne din sila papunta ngayon. Omg! Coincidence talaga na parehas sila ng village! So it means, magkalapit lang kami ng mga bahay dito. Pero dahil maraming bahay dito, so medyo malayo din syempre.

"Malapit nalang daw sila." nakangiting sambit ni Mommy sa amin at napangiti naman kami doon.

Pinaglalaruan ko lang mga daliri ko dito habang nakangiti. Inakbayan naman ako ni Lisa at napatingin naman ako sa kanya.

"This is it." nakangiti niyang sambit sa akin.

"Oo naman." natatawa kong sambit ngayon. Huminga ako ng malalim, "Kinakabahan ako.. pero naeexcite din ako." sabi ko.

"Wag kang kabahan. Matutuwa din yung Kuya mo 'no. Syempre, kapatid ka niya." nakangiting sambit ni Sehun.

"Oo nga. Inaasahan ko talaga yan." nakangiting sambit ko sa kanila at tsaka ningitian lang naman nila ako.

Syempre, kinakabahan ako na naeexcite para kay Kuya. Kinakabahan ako sa reaction niya kapag makita niya ako. Iniisip kong magugustuhan niya ba ako bilang kapatid niya? Mabait ba siya? Siguro.. oo naman. Sana hindi siya masungit.

Excited na talaga ako. Waaahhhh!

* PEEEEEEEEEEP PEEEEEEEEP *

Nung narinig ko yun, mabilis bumilis ang tibok ng puso ko. Sila na ba yan? Sila na ba talaga yan?

Nagkatinginan naman kami dito nina Mom. Tsaka nakita kong napangiti lang sila sa amin. "Sila na yan." nakangiting sambit ni Mom at mas bumilis naman ang tibok ng puso ko. "Dito lang kayo. Kami na doon bumisita sa labas, papasok din naman sila."

Napangiti lang naman kami sa kanila, "Sige." sagot naming lahat at nakita namin na lumabas sina Dad at Mom para salubungin sina Tita. Si Kuya.

Hindi ko nalang mapigilan na mapangiti lalo. Ngayon na talaga! Ngayon ko na talaga siya makikilala at makikita yung mukha niya! I'm so really happy right now! I can't resist this right now!

Napaharap naman ako kina Sehun at Lisa, "Sa wakas talaga. Makikita ko na talaga siya ngayon. Ngayon na talaga!" natutuwa kong sambit.

"Kalma na, makikita mo na nga siya. Masyado ka talagang masaya." natatawang sambit ni Lisa.

"Okay na din yan. Matagal mo ding hinintay yan 'no. Magsaya ka lang." natatawang sambit ni Sehun sa akin.

Pero nagtaka ako na kung bakit ang tagal nila. Baka nag-uusap pa sila doon sa labas. Pwede naman na dito sa loob silang mag-usap. Pero bahala na, basta nandito na sila. Hehehe.

"Ang tagal nila." nakangiting sambit ko.

"Hala excited. Andito na nga di'ba? Kalma lang." natatawang sambit ni Lisa sa akin at napatango nalang ako.

"Oo na, oo na." natatawang sambit ko.

Pero maya-maya bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang bumukas ang main door namin. Mabilis naman akong napatingin doon at nakita ko si Mom na kasama si Tita. Bigla nalang akong napatayo at napangiti nang makita si Tita ko.

"Oh my Chaeyoung! Ang laki mo na!" masayang sambit ni Tita at mabilis siyang lumapit sa akin at nagyakapan naman kaming dalawa, "I miss you so much."

"I miss you too, Tita." nakangiting sambit ko habang nakayakap sa kanya pero agad din kaming napabitaw at nagkatinginan lang kami.

"Welcome back here at Philippines, Tita. Long time no see. Mas lalo ka pong nagblooming." nakangiting sambit ko sa kanya.

"Thank you Chaeyoung. Finally we saw each other again. You look better for now. Parang kelan lang na huling uwi ko dito, maliit ka pa. Pero ngayon, ang sobrang ganda mo na." natatawa niyang sambit.

I chuckled a bit, "Thank you Tita." I said and she just smiled to me.

Napatingin naman ako kina Mom and nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Pero wala siya. Wala yung hinahanap ko. Where is he?

Nakita kong huminga ng malalim si Dad, "Okay. I know you're really excited to see your brother for now, sweety." nakangiti niyang sambit sa akin. "Makikita mo na siya ngayon." napangiti naman ako ng dahil doon.

"Of course Dad. Where is he?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Wait." sabi niya at pumunta siya malapit sa main door. Ghad. Makikita ko na ba talaga siya?

Tsaka maya-maya din ay pumasok na siya uli dito sa bahay namin. Tsaka nakita kong may kasama na siyang lalaki.

Mabilis ko namang tinignan yung lalaki at bigla akong natigilan. Nagulat ako. At halos nawala sa labi ko ang mga ngiti ko bago lang. Tumigil yung mundo at oras ko simula nang makita ko siya. Hindi ako makapaniwala. Siya pala?

Siya pala yung Kuya ko?

Parang hindi ako makapagsalita nang makita ko siya. Parang tinusok ng maraming injection yung puso ko. Hindi.. hindi. Bakit kasi siya pa?

Mahal ko siya.. tapos kuya ko pala siya?

Nakatingin lang ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Nagulat din siyang simulang makita ako. Mukhang hindi din siya makapaniwala na nakikita niya ako. Pero.. ang sobrang sakit sa akin na nangyari ngayon. Bakit siya pa?

Ang saya ko lang kanina.

Pero ngayon. Hindi na. Ang sobrang sakit.

Bakit sa lahat? Nahulog pa ako sa kuya ko?

Bakit sa lahat? Siya pa ang kuya ko?

"Chaeyoung, eto na nga siya." nakangiting sambit ni Dad. "Siya ang kuya na matagal mong hinihintay, he's Chanyeol."

Ang sakit. Kuya ko lang ba talaga siya?

"And this is your donssaeng Chanyeol, Chaeyoung." nakangiting pagpapakilala ni Dad sa akin sa kanya.

Pagkatapos, nagkaroon ng katahimikan. Hanggang ngayon hindi ko pa din maalis ang paningin ko sa kanya. Imbes na masaya ako, mas lalo lang akong nasasaktan. Bakit ba 'to nangyayari sa amin? Bakit ganito?!

"S-siya?" nauutal kong tanong habang nakatingin pa din siya sa kanya.

"Yes, Chaeyoung. He's Chanyeol. Kuya mo na ngayon mo lang nakita." Dad answered.

Damn. Hindi ko makakaya 'tong sakit na 'to.

-

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon