ROSÈ
Tinignan ko naman yung time sa phone ko, 8:51 A.M. na. Malapit nalang magstart yung program. Marami ng mga students dito sa gym. Halo halo. Mga students din sa iba't ibang school.
"Ilang schools kaya ang invited dito? Ang dami 'no?" tanong ni Lisa habang nakatingin sa iba't ibang students na galing sa ibang university. Yung iba din ay nakabihis na parang hip-hop suit. Mga contestants sa sayaw mamaya.
"Hindi ko nga alam. Tsaka oo nga, ang dami." natatawa kong sambit.
"Huy Lisa at Sè!"
Napaharap naman kami sa tumawag sa amin. Tsaka nabigla nalang kami na sina Sehun at Yugyeom yun. Tapos nakita namin na nakabihis na sila para sa sayaw nila mamaya. Ang angas ng dating nila tsaka ang ganda ng porma nilang dalawa. Nakaplain black oversized t-shit sila tapos naka-denim pants. Tapos naka-high cut shoes pa sila. Nakasuot pa sila ng cap na itim at may nakatali na jacket sa bewang nila. Kahit simple lang, nagmumukhang cool pa din sila.
Ang gwapo nila! Lalo na si Yugyeom! Aaahhhh!
"Wow. Ang cool niyo ngayon ah!" sabi ni Lisa na nakangiti sa kanila.
"Oo nga. Bagay na bagay sa inyo yang porma niyo." nakangiting sambit ko sa kanila.
"Ganon ba? Salamat naman!" nakangiting sabi sa amin ni Yugyeom habang inaayos ang black cap niya. Ang gwapo niya talaga ngayon. I'm sure na maraming babae ang magsisigawan sa kanila mamaya. Sila pa ba? :/
"Basta manood kayong dalawa sa amin ha?" nakangiting tanong sa amin ni Sehun.
Tumango naman kaming dalawa ni Lisa, "Oo naman 'no! Nag-aabangan naman kami! Excited na nga kami kanina pa." naeexcite na sambit ni Lisa.
"Oo nga. Galingan niyong lahat ha? Kaya niyo yan! Andito lang kami magsupport sa inyo!" nakangiting sambit ko sa kanila.
"Salamat sa inyo." sabi ni Yugyeom sa amin.
"Sige. Doon na kami sa mga kadance mates namin. Mamaya nalang sa pagtapos ng contest." nakangiting sambit sa amin ni Sehun at napatango naman kami ni Lisa doon.
"Sige. Galingan niyo talagaaa!" Lisa.
"Goodluck, goodluck!" ako.
Ningitian lang naman nila kami at ipinagmasdan lang naman namin sila na papalapit sa kanilang kadance mates. Ganon din yung porma nila parehas kina Yugyeom, syempre. Bagay na bagay talaga yung oversized sa kanila.
"Yan na Lisa.. magsstart na ang program." nakangiting sambit ni Lisa at napatangi lang naman ako.
"Oo nga, mabuti naman." nakangiting sambit ko at nilipat ko nalang yung tingin ko sa stage. Mayroon ng MC doon, nakikinig lang naman kami sa opening message niya para sa program na 'to.
- - -
Kanina pa naman nagsimula ang program. Pagkatapos ng mga speech, activities and contest na agad. Kanina, may parlor games kanina para sa iba't ibang schools. Tsaka pagkatapos ng activities, contests na agad. Tapos na yung sa pagkanta, balagtasan, speech choir, acting at iba pa. Tsaka last na nga 'to ngayon, sa dance category na. May nakapagperform nang limang universities. Pagkatapos netong sumasayaw ngayon, sina Yugyeom na agad. Yaaahhh! Nakakaexcite talaga. Sila kasi yung huli.
"Ano ba yan, ang tagal kasi yan." parang nagrereklamo na sambit ni Lisa habang nanonood sa sumasayaw ngayon.
Natawa naman ako ng mahina, "Ano ka ba. Sila na nga agad yung susunod. Malapit nalang." natatawang sambit ko.
"Ang masasabi ko, ang galing talaga ng mga kalaban nina Sehun." sambit ni Lisa habang napapatango. "Pero syempre, alam kong hindi sila magpapatalo. Sila pa ba?" sabi niya habang natatawa.
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3