ROSÈAfternoon..
Nagsasaya kami dito dahil totoo na ang hinala naming lahat, sina Sehun yung nanalo sa dance contest! Tsaka good news pa, maraming napalanunan yung school namin sa programa na eto! Yes naman!
Nandito kami sa Faculty Room, inaya kami ni Sehun na makisama sa kanila sa handaan dito sa Faculty dahil nga sa pagkapanalo nila. Nakabihis na din silang lahat. Nanalo sila ng 50k sa sayaw. Pero binigay nalang nila yun sa school bale wala naman silang gagawin sa pera.
Umiinom lang naman kami ni Lisa dito ng orange juice. May mga kasama din kaming ibang dancers dito. Promise. Ang sobrang saya saya nila ngayon. Sino ba naman ang hindi? May kapalit kaya yung pinaghirapan at pinaggalingan nila. Yun ay ang manalo sila.
"Grabe guys. Hindi ko inakala na mananalo tayo. Ang sobrang galing kaya ng mga kalaban natin kanina." parang hindi makapaniwala na sabi ni Sehun tapos uminom siya ng hawak niyang orange juice.
"Oo nga. Pero grabe, tayo pala yung panalo! Ang sayaaa!" sabi nung kadance mate nila.
"Oo nga. Tsaka susi din natin si Yugyeom dito. Angas mo bro! Pasalamat nalang talaga kasama ka namin." nakangiting sambit ni Sehun sa kanya.
"Oo nga!" sang-ayon ng lahat at napapatango lang naman kami dito.
Mukha namang nahihiya si Yugyeom kasi napapakamot siya sa ulo niya. Pero maya maya ay napapangiti siya, "Thank you, guys. Ginawa ko lang talaga ang galing ko. Gusto ko kasi.. manalo talaga tayo." nakangiting sambit ni Yugyeom sa kanila at napangiti naman kami doon.
"Yun nga, panalo na tayo." sambit ni Sehun tapos inakbayan niya agad si Yugyeom. "AT NANG DAHIL DYAN, CHEEEEERS!" sabi niya pagkatapos tinaas niya yung juice niya.
Lumapit naman kaming lahat at nagcheers kaming lahat. Pagkatapos, kumuha kami ni Lisa ng sandwhich at umupo kami dito sa mini sofa.
"Ang saya lang 'no? Sabi na nga ba sila yung mananalo!" natutuwang sambit ni Lisa.
Napatango naman ako, "Oo nga! Sila pa!" natatawa kong sambit tapos kumain ako ng sandwhich. Sarap! ♡ Hehehe!
Tsaka maya maya, nakita naman namin na papalapit sina Sehun at Yugyeom sa amin. Umupo naman dito sila sa sofa at ningitian naman nila kami.
"Congrats uli sa inyo!" nakangiting sambit ko sa kanila.
"Thank you." nakangiting sambit nila pareho.
"Galing galing niyo kanina. Promise. Ang ingay ingay lang kanina." kwento ni Lisa.
"'Tong si bro talaga, ang galing galing." natatawang sambit ni Sehun tapos inakbayan niya si Yugyeom.
"Wala yun bro. Lahat naman tayo." natatawang sambit ni Yugyeom.
Pagkatapos naming kumain at magsayahan dito, pagatapos naming ayusin dito sa loob ng Faculty Room, lumabas na kaming lahat lahat sa Faculty dahil uwian na. Back to normal na naman bukas. May classes na, syempre. Nakarating naman kami sa parking lot.
"Uy, thank you talaga sa mga araw na nakasama ko kayo." Nakangiting sambit ni Yugyeom sa amin.
Natawa naman si Sehun, "Ano ba yan. Parang nagpapaalam ka!"
"Pero.. wala yun, Yugyeom. Friend ka naman namin. Mag-ingat ka doon sa school niyo ha. Chat chat nalang." nakangiting sambit ni Lisa.
"Thank you. Kayo din dito. Matagal naman tayong di magkita." nakangiting sambit niya.
"Soon bro, kita uli tayo." nakangiting sambit ni Sehun sa kanya at nilapitan niya si Yugyeom at nagbro hug naman silang dalawa.
Napabitaw naman sila. Sunod na nilapitan ni Yugyeom si Lisa at nagyakapan din sila. Bumitaw naman sila agad. Sunod akong tinignan ni Yugyeom. Ningitian niya ako. Lumapit siya sa akin at yinakap niya ako. Yinakap ko din siya pabalik. Napabitaw naman kami agad agad at nagngitian lang naman kami sa isa't isa.
"Wag mo akong kalimutan, crush ha?" natatawa niyang tanong sa akin.
Natawa naman ako, "Ikaw talaga. Oo naman! Wag mo din kaming kalimutan." nakangiting sambit ko sa kanila.
"Oo naman, kayo pa." nakangiting sambit niya sa amin. Tsaka nakita naman namin na may tumigil ng tricycle sa gilid namin. Yung laging sinasakyan ni Yugyeom kapag uuwi na siya.
Ang sad naman, di na namin siya makakasama. :( Pero may susunod pa naman.
"Mauna na ako, guys. Thank you." nakangitimg sambit niya sa amin at tsaka na siya sumakay. "Bye, ingat."
"Ingat ka din, bye." sabi naming tatlo sa kanya.
Tsaka lang naman namin ipinagmamasdan yung sinasakyan niyang tricycle na papalayo. Pero ningingitian lang namin siya at kinakawayan at ganon din siya sa amin. Pero nakita kong napatingin siya sa akin at mas lalo lang siyang ngumiti. Kaya natawa nalang ako. Ang cute ni Yugyeom! Till next time nalang sa crush kong magaling sumayaw at bolero! Hahaha!
- - -
8:43 P.M.
Obviously, nandito ako sa kama ko. Humiga higa lang at nagcecellphone. Lagi naman.
Paulit ulit ko nalang tinitignan yung phone ko kung online si Kuya Chanyeol.. tsaka lagi naman. Pero yun nga lang.. hindi niya na ako chinachat? Grabe naman kung whole day busy.
Pero bakit ba kasi ganyan siya sa akin? Bigla nalang siyang nagbago. May problema ba sa amin?
Kaya nagkakaganito ako. Umiiba yung nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi ko masabi kung ano 'to.
Kahit masakit na, nagtatype pa din ako ng mga sasabihin ko kay kuya kahit hindi ko pwedeng i-send.
my handsome kuya ❤
active nowmy cute ssaeng ❤:
kuya :( | deletedmy cute ssaeng ❤:
kausapin mo naman ako | deleted.my cute ssaeng ❤:
ang sakit na yan kuya | deleted.my cute ssaeng ❤:
kahit madalian lang | deleted.my cute ssaeng ❤:
di ko alam kung bat masakit na sakin na di mo lang ako kinakausap | deleted.my cute ssaeng ❤:
di mo na ba talaga ako kakausapin kuya? | deleted.my cute ssaeng ❤:
hindi ko alam kung bakit nababaliw ako sa kakaisip sayo | deleted.my cute ssaeng ❤:
kung bat ka nagkakaganyan :( | deleted.my cute ssaeng ❤:
pero kuya, i miss you kahit active ka | deleted.my cute ssaeng ❤:
please, kausapin mo na ako. | deleted.my cute ssaeng ❤:
nasasaktan ako kuya.. | deleted.my cute ssaeng ❤:
nasasaktan ako sayo | deleted.- - -
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3