MO22。

135 25 1
                                    

ROSÈ

Pinagmamasdan ko lang 'tong Lisa at Sehun na 'to. Nagtaka lang ako na parehas silang nakangisi habang nakatingin sa mga phone nila. Hala? Chinachat ba nila si Kuya Chanyeol?

"Hoy! Mga ngiti niyo dyan?!" nagtatakang tanong ko sa kanila. Mga mukha kasi nila eh. Grabe ang ngisi eh. >.<

Napaharap naman sila sa akin at mas lalo lang lumawak ang mga ngisi ng mas lalo ko namang ikinataka. Eh?

Tinignan naman nila ang isa't isa. "Ano Lis? Parehas ba tayo ng iniisip?"

"I think.. oo!" natatawang sagot naman ni Lisa at nag-apiran naman 'tong dalawa na 'to.

"Hoy! Anong iniisip ha?" nagtatakang tanong ko sa kanila habang kumakain ng taco. Aish, chinachat ba nila si Kuya? Baka anong pinagsasabi? >.<

Pero dinedma lang nila ako eh at natatawa lang silang dalawa dyan. Bahala nga sila dyan!

Kain nalang ako dito. Hehehehe!

"Uy. Curious siya!" Sehun.

"Naman talaga!" ako.

"Sehun! Kinikilig ako sa sinasabi niya oh!" sambit ni Lisa habang may tinitignan sa phone niya.

"Huy! Sino yan?!" tanong ko kay Lisa.

Ngumisi si Lisa ng nakakaloko, "Sino? Si Kuya Chanyeol mo syempre."

Nung narinig ko naman yung name niya, naaalala ko naman siya ngayon. Hmmmp! Mag-ingat lang sana siya lagi sa Korea! Yieeeeee! Layo layo niya sa amin eh!

"Bakit? Anong sabi?" tanong ko pero dedma naman ako. >.<

"Ha? Saan? Patingin." takang sambit ni Sehun at binasa niya yun.

Tsaka pinagmamasdan ko lang naman sila na parang may tinitignan sa phone ni Lisa. Tsaka nakita ko din si Sehun na napapaharap sa akin tsaka napapangisi. Heh! Ano ba kasi?!

"Naku naku naku! Support na support ako dyan Lisa!"

"Ikaw lang ba?! Ako nga din kaya! Yieeee!"

"Anong support support? Pwede niyo i-share sa akin kung ano man yan? Ang daya daya niyong dalawa." sambit kong napapailing pero tumawa lang naman silang dalawa.

"Sorry bawal!" natatawang sambit ni Lisa. "Matutuwa ka lang eh."

Talaga? Matutuwa? Ano kayang sinabi ni Kuya Chanyeol? Matutuwa ba talaga ako non? Yieeeee naman. Baka makilig lang ako dito eh. Kay wag ko nalang tanungin sina Lisa eh alam ko namang hindi nila yun i-sspill out eh. Hays.

Pero.. nakakatuwa ba talaga yung sinabi niya? Tungkol sa akin? Naman si Kuya oh! Iba! XDD

"Oo na. Sige nalang. Di na ako magtatanong. Hindi niyo naman sasabihin eh." sambit ko.

"Pero bestfriend, matanong nga kita." sambit ni Sehun sakin. "Sa tingin mo ba kapatid lang yang tingin sa'yo niyang Chanyeol na yan? Eh paano kung hindi na?"

"Oo nga.. pati ikaw.. paano kung.. nagkakagusto ka na pala sa kanya?" Lisa.

Natawa naman ako sa mga tanong nila at napapailing nalang. Talagang magjowa na 'to ang cute, "Ano ba kayo! I'm sure! Kapatid lang ang tingin sakin ni Kuya 'no! Sigurado ako dyan. Ang caring niya masyado kahit sa chat lang. Tsaka ako? Magkagusto? Hmp naman. Ilang beses ko ng sinasabi na wala pa ako sa bandang level na yan." natatawang sambit ko. "Eh paano kung hindi na na kapatid ang tingin niya sa akin? Daming daming babae dun sa Korea eh. Labo labo na magkagusto yun sa'kin eh.. kapatid lang nga ang pagtreat 'non sakin. Tsaka malabo din akong magkagusto sa kanya, kasi nga.. Kuya lang ang tingin ko sa kanya.. or bestfriend. Ganun." sagot kong nakangiti sa kanila tsaka lang naman silang napatango.

"Ahhh.. ganon. Sige. Sabi mo eh." parang natatawang sambit ni Lisa. "Pero ship ko kayo ha! Yieieieieie!" asar niya sa akin.

"Luh! Ship mo dyan!"

"Pero aminin mo nga, Sè, masaya ka bang nakilala mo siya?" tanong naman bigla ni Sehun sakin.

"Oo naman.. masaya akong nakilala siya dahil siya yung lalaki na ni-treat ako na parang kapatid niya talaga kahit di pa kami nagkikita sa personal. Kahit first day pa lang.. hehe. Tsaka isa pa, iniisip ko talagang siya nalang yung Kuya ko dahil ang sobrang bait niya. Yung.. feeling na gaganda agad ang loob mo sa kanya. That's it."

Totoo naman kasi.. sana siya nalang Kuya ko.

"Naks ha! Ayieieieieieie!" Lisa.

"Gumaganon ha!" Sehun.

"Ano ba! Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah!" natatawang sambit ko.

Tsaka pagkatapos naming magrecess, bumalik na kami agad sa room namin. Tsaka good thing, wala kaming next period dahil nga nagleave muna yung professor namin! Yey! We're free!

So yung ginawa ko lang dito ay nagphone. Hmmmm.. nakita kong online si Kuya Chanyeol and automatic naman akong napapangiti. Yieee naman! Machat nga si Kuya! Hehehehe!

Ay, wag na. -.-

Baka may classes sila doon ngayon.

Chat chat ako eh ang distorbo ko naman.

"Hmm, wag nalang. Mamaya nalang." bulong ko sa sarili ko.

Pero maya maya, nabigla ako ng nakita kong nagchat agad agad sakin si Kuya Chanyeol. Whoah?! Ambilis ah?! Chinat agad ako?!

Napangiti naman ako nang dahil doon. Katuwa naman si Kuya. Sige. Makikipagchat nalang muna ako sa kanya dibale eh siya naman yung unang nagchat sa akin eh. 😁

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon