ROSÈ"Ano, bingi lang guys? Uulutin pa ba namin? Sabi ko.. yung dare ko kay Yugyeom, magpopost siya ng status--"
Pinutol ko yung sasabihin ni Sehun, "Hindi naman! Alam namin. Pero huy ano ba yang dare niyo. Iba nalang kaya. Masyadong nakakahiya. Tapos public pa. Umayos nga kayong dalawa sa kalokohan niyo. Dinadamay niyo kami eh." angal ko.
"Oo nga. Ibang dare nalang kaya." natatawang sambit ni Yugyeom.
"Ano ba naman yan. Ang dali dali nalang kaya niyan. Choosy pa kayo." parang nagrereklamong sambit ni Lisa.
"Tsaka ano ba kayo. Dare namin 'to kaya walang atrasan. Just for fun guys! Masyado kayong affected! Bakit.. totoo na talaga na mahal niyo ang isa't isa?" nang-aasar na tanong sa amin ni Sehun. Tsaka nang dahil doon.. natahimik naman kaming dalawa ni Yugyeom doon.
Tsaka nagkatinginan lang naman kaming dalawa ni Yugyeom at tsaka parang wala kaming maisabi. Hindi ko nga alam kung bakit natahimik din ako. Pero ano ba kasing pinagsasabi ni Sehun?!
"Eh kasi totoo pala? Yieeeeee!" nang-aasar na sambit sa amin ni Lisa.
"HINDI AH!" nabigla ako ng sabay namin nasabi yun ni Yugyeom. Kaya mas lalo nanlaki lang ang mata ko.
"Eh bakit ayaw niyo pa kasi yan nalang ang dare niyo? Ang sobrang dali nalang kaya yan guys! Post status lang sa Facebook. Ano gusto niyo? Pahirapan namin kayo ni Lisa?" natatawang tanong sa amin ni Sehun.
"Oo nga, pasalamat nalang nga kayo dahil ang sobrang dali niyan." sabi ni Lisa at tumango tango lamang siya.
"Pero nakakahiya kasi kay Rosè eh." sabi ni Yugyeom tapos napaiwas siya ng tingin ako.
Huminga ako ng malalim, "Nakakahiya din naman kay Yugyeom." sabi ko at napayuko nalang ako.
Pero naririnig kong nagtatawanan si Lisa at Sehun pagkatapos naming sabihin yun ni Yugyeom. 'Tong dalawa na 'to. Akala talaga nila nagbibiro lang kami.
"Totoo naman kasi!" pasigaw na sambit ni Yugyeom.
"Bakit naman kasi kayo mahihiya sa isa't isa? Friends kayo di'ba? Tsaka halos mga magjowa na kayo sa inaakto niyo." natatawang sambit ni Sehun at kunwari naman namin siyang sinamaan ng tingin ni Yugyeom.
"Sa dinami dami ba naman kasi ng dare, yan pa talaga. Tapos public pa! Nakakaiba kayo!" sabi ko sa kanila.
"Aba oo naman 'no! Yan gusto namin! Kami yung nagdadare dapat di na nga kayo nagrereklamo! Tsaka pasalamat kayo ang simple lang yan!" natatawang sambit ni Sehun.
"Pahamak kasi yang basketball na yan. Kung nanalo lang ako." sabi ko at huminga ng malalim.
"So ano na? Gagawin niyo na yung dare? Dare lang naman yun! Kung ayaw niyo, mag-iisip nalang kami uli ni Sehun ng MAS mahirap pa dyan." sabi ni Lisa tapos ngumiti siya ng nakakaasar sa amin.
Papatingin naman ako kay Yugyeom, at tsaka ganon din pala siya sa akin. Tapos nakikita kong sinenyasan niya ako na pumayag nalang. Kaya napatango nalang din ako.
Dare lang naman. Tsaka wala naman kaming magagawa ni Yugyeom at baka mas mahirap pa 'tong idare ng dalawa kapag ayaw namin sa dare na magpost ng status. Sarap ding batukan 'tong dalawa na 'to. Porque panalo sila.
"Sige. Payag kami. Yan gusto niyo." nakangiting sambit ni Yugyeom sa kanila.
"Oo nalang. Baka mas mahirap pa yung iisipin niyo." sabi ko.
Nakita naman namin na nagkakatinginan si Lisa at Sehun. Tapos nagtaka lang naman kami ni Yugyeom dito ng nakita naming napapangisi sila sa isa't isa pero maya maya din ay nag-apiran silang dalawa. Okay lang ba sila? Hahaha!
"Okay lang kayo?" Natatawang tanong sa kanila ni Yugyeom.
Napatingin naman sila sa amin, "Oo naman! Reklamo pa kayo eh! Papayag din naman kayo!" pasigaw na sambit ni Sehun sa amin.
"Porque nanalo kasi kayo ganyan agad idadare niyo sa amin. Pero bahala na nga.. dare lang naman yang status status na yan." sabi ko at napabugtong hininga ako.
"Talaga. That's only easy tho." Maka-easy 'to si Lisa. Panalo kasi sila. :(
"Tsaka dapat sa status.. wag niyong lagyan na 'dare lang 'to'. Para halata talagang hindi dare." nang-aasar na sambit ni Sehun sa amin. Tsaka nabigla naman ako doon. Bakit naman?!
"Pero Sehun naman. Baka isipin ng mga tao, akala nila mag-on kami ni Yugyeom. Grabe na yan." napapailing na sambit ko sa kanya.
"Oo nga. Yun nga din sabi ko. Baka ano i-react ng mga tao. Tsaka baka sugurin pa ako ng mga manliligaw ni Rosè kung mag-upload ako ng status sa Facebook niya." natatawang sambit ni Yugyeom at natawa nalang din kami.
Manliligaw? Wala nga eh! Hahaha!
"Manliligaw mo dyan! Wala ah!" natatawa kong sambit.
"Malay mo lang, may mga manliligaw si Rosè. Pero torpe lang!" natatawang sambit ni Lisa tapos napatingin siya kay Sehun. Tapos nakita kong tinanguan siya ni Sehun. Anong ibigsabihin ng dalawang 'to?
"Basta yung amin lang ni Lisa, magpost lang kayo. Yung dare namin nga. Yung ily at ilyt! Kami na bahala sa mga magrereact dyan! Di'ba Lisa?"
"Oo nga! Deal na ba?"
Napaharap naman ako kay Yugyeom at nakikita kong napapangiti lang siya sa akin. Medyo ako kinakabahan sa dare na 'to. Di ko nga alam. Pero dare lang naman 'to.
Natawa si Yugyeom, "Deal." sagot niya. Tsaka naman napatango yung dalawa.
Tsaka dahan dahan naman nila nilipat ang tingin nila sa akin at mukhang hinihintay ang sagot ko. Pero maya maya linipat ko uli ang tingin ko kay Yugyeom at ningitian niya lang ako.
Huminga ako ng malalim, "Deal. Kung saan si Yugyeom, doon nalang din ako." nakangiting sagot ko sa kanila.
Tsaka nakita naman namin na napapangiti lang sina Sehun at Lisa sa amin. Tuwang tuwa talaga sila. Naman kasi wala naman kaming magagawa.
"Good good good!" natatawang sambit ni Lisa habang nagt-thumbs up pa sa amin.
"Good mo dyan!" sabi ko sa kanya habang natatawa.
"So kelan ba namin ipopost yung status?" natatawang tanong ni Yugyeom.
"Kelan pa ba? Syempre ngayon na eh ngayon namin to dinare sa inyo." sagot ni Sehun na nakangisi sa amin.
Pero mabilis naman kaming nagkatinginan ni Yugyeom at parehas nanlaki naman ang mata namin.
"ANO?!"
"Yan na naman.. nabibingi na naman kayo. Sabi ko ngayon--"
"Hindi naman bro. Pero ngayon? Agad agad?" nabibigla na tanong ni Yugyeom sa kanya.
"Oo naman 'no! Ano gusto niyo? Bago pa mag-isang taon? Ngayon na 'no!" natatawang sambit ni Sehun sa amin. "Go na. Post niyo na yun." utos niyang natatawa sa amin.
"Oo nga." Lisa.
Nagkatinginan naman kami ni Yugyeom at napailing nalang kami habang natatawa.
"Sige, no choice naman." natatawang sambit ni Yugyeom pagkatapos kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya.
Huminga naman ako ng malalim at kinuha ko nalang din yung phone ko. Wala naman mangyayari kapag ipost namin yun ni Yugyeom. Tsaka dare lang naman 'to lahat. Walang malisya.
- - -
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3