MO38。

90 20 10
                                    

ROSÈ

"Lisa, sampalin mo nga ako." napatingin naman ako kay Sehun. Tapos nakita ko namang nagtaka si Lisa sa sinabi ni Sehun. Maski ako nga din eh. Bakit ba 'to nagpapasampal?

"Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Lisa ka kanya.

"Kaya nga?" ako.

"Basta.. sampalin mo ako. Yung malakas." utos niya uli kay Lisa. Kanina pa talaga 'tong lalaki na 'to, hindi ko siya maintidihan kanina pa eh.

"Sigurado ka?" natatawang tanong sa kanya ni Lisa.

"Oo naman. Dali sampalin mo ako."

Tsaka maya maya, ipinagmasdan ko lang naman silang dalawa, tapos maya maya nalang napatakip nalang ako bibig ko ng sinampal talaga ni Lisa ng malakas si Sehun sa kanyang pisngi.

"Aray!" reklamo ni Sehun ng napahawak siya sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako sinampal?!"

Nang narinig ko yun, napapailing nalang ako na natatawa. Siya nga nag-uutos na sampalin siya ng girlfriend niya tapos eto ngayon nagtatanong siya. Kanina pa 'to si Sehun ah.

"Hoy! Ikaw na nga mismo nagsabi sa akin na sampalin ka ng malakas! Bakit ba ha?" naiinis na tanong sa kanya ni Lisa.

Napatango naman at napatawa naman si Sehun, "Ay ganon ba? Edi sorry. Oo nga." sambit ni Sehun at humingi nalang ng pagkain kay Lisa.

"Hoy ka Sehun. Ano ba nangyayari sa'yo? Kanina ka pa ha? Kung ngayon baliw kayo kanina ni Lisa.. tapos ngayon.. ikaw nalang mag-isa? Bakit ka nagpasampal?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Grabe ka naman makabaliw dyan Sè eh. Basta. Nagpasampal ako kay Lisa eh akala ko kasi hindi totoo yung binabasa ko sa phone ko." natatawa niyang sambit at mas lalo naman akong nagtaka. May binabasa siya?

"Binabasa? Ano bang binabasa mo?" nagtatakang tanong sa kanya ni Lisa.

"Secret." natatawa niyang sambit. May secret pa siyang nalalaman diyan eh.

"Hoy. Nagbabasa ka ba ng something mature dyan ha? Akala ko ayaw mo ng Wattpad ha?" seryosong tanong sa kanya ni Lisa.

Pero maya maya, napatawa na naman si Sehun, "Mature mo dyan. Wala naman akong sinabi sa inyo na nagbabasa ako ng ganyan at tsaka wala naman akong Wattpad." sagot niyang natatawa.

"Eh ano ba yang binabasa mo? Anong totoo doon?" tanong ko sa kanya.

"Basta. Wala na kayo doon. For boys only 'to eh. Boy talk lang naman yun eh." sabi niya tapos kinindatan niya kaming dalawa ni Lisa pero natawa lang kami sa kanya.

"Boys mo dyan. Dami mong alam. Bahala ka nga dyan." pagsusungit ni Lisa sa kanya. "Teka.. sino bang kausap mo ha?" tanong niya.

"Basta.. kaibigan ko lang." natatawa niyang sambit.

"Bahala ka nga dyan.. ang daya mo. Sana madapa ka." pagsusungit ni Lisa pero natatawa lang naman kami sa kanya ni Sehun. Pero minsan kasi, di mo talaga 'to mapapaamin si Sehun kung ano yung tinatago niyang secret. May lahi ding 'madaya' yan. Kaya hinahayaan nalang namin. Eh hindi din naman kasi aamin yan kahit pilitin pa namin yan. >.<

Maya maya, natapos na din kaming magrecess. Pero ngayon, inaya din kami ni Sehun na sumama kami ni Lisa sa kanya.

"Sama kayong dalawa sa akin sa gym. Wala naman yatang classes eh. Tignan niyo sayaw namin. Tsaka para naman hindi na tayo maghintayan pa at sabay nalang tayo." nakangiting sambit niya sa akin.

"Sige." sabay na sambit namin ni Lisa.

"Tara na." Sehun.

Tsaka nga sabay kaming tatlo na papunta sa gym. Napansin ko din na maraming estyudante na papapunta sa gym, at mga dancers din, syempre. Pagkarating agad namin doon, umupo na kami ni Lisa agad doon sa bleachers sa harapan at ipinagmamasdan lang ang mga dancers na tinuturuan na ng kanilang choreographer. Andun si Sehun, nakasali din siya. Magaling din yun sumayaw kahit baliw yun eh. Dancer din si Lisa, pero hindi niya gustong sumali eh tinatamad daw siya. Pero magaling din yan like Sehun 'no. Hehe. Ako, marunong ding sumayaw. Pero yung hindi talaga as in na kagaling like them. Ewan, basta ang importante marunong sumayaw.

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon