ROSÈHanggang ngayon, hindi pa din ako makapagsalita at makapaniwala sa nangyayari ngayon. Totoo ba talaga? Siya ba talaga?
Parang nanghihina ako ngayon malaman ang lahat nang 'to.
Unti-unti kong nilipat ang tingin ko kina Mom, Tita and Dad. Nakangiti lang sila sa akin. Nilipat ko naman ang tingin ko kina Lisa, nanlaki ang mata nila. Mukhang hindi din sila makapaniwala.
Binalik ko naman ang tingin ko sa kanya. Nakatingin pa din siya sa akin. Pero parang dinudurog niya ako ngayon simula ng makita ko siya. Ang hirap. Parang ayaw kong tanggapin na eto ang katotohanan. Bakit siya pa?
Bakit kasi hindi na nila agad pinaalam sa amin?
Bakit tinago pa nila ng matagal sa amin?
Kung nalaman na namin agad.. sana hindi ganito.
Ang sakit. Sobra.
"Ah, Chaeyoung." tawag sa akin ni Mom pero hanggang ngayon, nakatitig pa din ako sa Kuya ko. "Sorry ngayon lang namin pinalaam sa inyong dalawa ang lahat ng 'to. Pero ngayon. Alam niyo na ding dalawa na magkapatid kayo."
"Chanyeol's been telling me that he really wants little sister." narinig kong sambit ni Tita na natatawa. "Sorry talaga ha ngayon lang namin pinalaam sa inyong dalawa. Alam kong naguguluhan at nabigla kayo. Pero dapat matuwa nalang kayong dalawa. Dahil magkapatid kayo." dagdag niya.
Pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napaiyak na ako ng tuluyan dito habang nakatingin sa kanya. Parang ayaw ko tanggapin na siya. Masaya akong makikita ko na ang Kuya ko. Pero bakit siya pa? Mahal ko siya. Ang sakit.
Pero nagulat din ako dahil nakita kong may mga luha na ding tumutulo sa kanyang mata. Kaya mas lalo din akong naiyak habang nakatingin sa kanya. Alam ko, parehas kaming nararamdaman ngayon. Nasasaktan din siya.
"Bakit kayo umiiyak?"
Napaharap naman ako kay Mom na nagtanong. Pero mabilis kong pinunasan ang mata ko at huminga ako ng malalim. Ningitian ko lang naman siya, "Nothing Mom. Tears of joy lang. Ang saya lang kasi. Kasi siya pala yung Kuya ko." pagsisinungaling ko sa kanya. Pero hindi.
"Ah.. y-yes. We're just happy." napatingin naman ako sa kanya. Mas lalo lang naman akong naiyak.
Sa kalooban namin, masyadong masakit na talaga. Hindi namin 'to pwede ipaalam sa amin. Magagalit sila sa amin. Magkakaroon lang ng malaking problema. Nahulog kami sa isa't isa pero magkadugo lang naman kami. Ang sakit.
"We understand about it." nakangiting sambit ni Dad sa amin.
"Maiwan muna namin kayong dalawa dito. Para makapag-usap din kayo sa wakas at makilala niyo na talaga ang isa't isa." nakangiting sambit ni Mom sa amin.
Tsaka nakita ko na lumabas na sila, sumama na din sina Lisa. At nang naiwan na kaming dalawa dito, hindi na namin mapigilan ang sarili namin kundi umiyak nalang dito. Hindi namin matatanggap ang nangyayari ngayon. Ang sobrang sakit.
Tinignan ko siya kahit sobra na akong nadudurog, "Ikaw pala.. ikaw pala yun. Hindi ko inexpect na ikaw pala yun. Ang sakit-sakit. Bakit ikaw pa? Bakit?" naiiyak kong tanong sa kanya habang naiiyak. Pero hindi niya ako sinasagot dahil ipinagmamasdan niya lang ak habang umiiyak.
"Alam mo bang masaya ako kasi wakas, makikilala ko na yung kuya kong matagal ko ng hinihintay sa buhay ko? Pero.. ang sakit-sakit kasi ngayon ko lang nalaman, na ikaw pala yung kuya ko. Mahal kita eh! Sobrang mahal na mahal!" sigaw kong naiiyak. Hindi ko na mapigilan. Masyado ng masakit sa kalooban ko. Parang hindi ko na kaya.
"Gusto kong magalit kina Mom, kasi bakit ngayon lang nila 'to pinaalam sa atin, matagal nating di alam 'to, mahal natin ang isa't isa higit pa sa magkapatid." naiiyak kong sambit sa kanya. "Hindi tayo pwede. Mali 'to. Kapatid mo ako, Kuya kita. Pero.. ang sakit. mahal na mahal kita eh."
Wala na akong masabi kundi umiyak nalang ako ng umiyak sa harapan niya. Siya? Wala lang ba siyang reaction? Madali lang ba 'to sa kanya? Bakit wala siyang sinasabi sa akin?
"Nasasaktan din ako Rosè, nasasaktan din ako.. parang hindi ko matanggap na kapatid lang kita." naiiyak niyang sabi sa akin.
"Bakit ngayon lang namin 'to nalaman? Ang sakit-sakit chaeyoung. Ang hirap, kuya mo talaga ako. Kapatid lang kita." dagdag niya at mas lalo naman akong nasaktan doon.
"Sorry, because you fall for me." naiiyak kong sambit sa kanya.
"I'm sorry too, you fall for me too." sabi niya sa akin. This is so hard.
Lumapit siya sa akin at yinakap niya ako ng sobrang mahigpit. Yinakap ko din siya ng mahigpit. Ngayon ko lang siyang nayakap, sa wakas. Pero habang nagyayakapan lang kami sa isa't isa, mas lalo lang akong umiiyak. Mas lalo lang masakit sa akin.
"But damn, it's very hard. Ang sakit. We love each other." he whisphered to me softly at wala lang akong masabi kundi mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya. Mas lalo lang akong umiyak.
We're here. Just hugging and crying to each other. Ang sobrang sakit malaman 'to. Parang.. ayaw ko nalang isipin. Parang nagsisi akong nalaman na siya pala yun. Ang hirap!
Pero narinig namin na bumukas naman uli ang pintuan at nakita ko sina Mom ulit. Kaya napabitaw kami at pinunasan lang namin ang mga luha sa mata namin at pinilit naming dalawa na ngumiti talaga sa kanilang lahat.
"We need to eat right now. Alam namin na magkakasundo na kayo." nakangiting sambit ni Dad. Ngumiti lang naman kaming dalawa sa kanila.
Pero nagkukunwari lang kaming dalawa dito na masaya. Dahil sobrang labag 'to sa kalooban namin.
Pero maya-maya, bumukas din ang pintuan at nakita naming may pumasok. At tsaka nagulat ako ng nakita kong si Yugyeom with her parents. Nabigla naman ako. Anong ginagawa nila dito? Why are they here?
Napatingin naman ako kay Yugyeom. Nakatingin pala siya sa akin. Pero hindi ko maintindihan ang tingin niya sa akin. Blanko na parang nag-aalala? Hindi ko alam.
Nakita ko lang naman na nagyakapan sila Mom and nung Mom niya. May pinag-uusapan pa sila at nagtatawanan. Tsaka pa nila pinakilala si Kuya sa kanila. Pero nilipat ko ang tingin ko kina Lisa. Mukhang nag-aalala sila sa akin. Ang gulo.
"They're eating with us. Nandito sila.. kasi may ipapaalam kami sa inyo." nakangiting sambit ni Mom at nagtaka naman ako. "And you will know it later. Tara. Let's eat." sabi niya at papunta kami ngayon sa dining table namin.
Habang papunta kami doon, nilipat ko ang tingin ko kay Yugyeom. Pero ganon pa din ang tingin niya sa akin. Parang hindi siya yung Yugyeom na kilala namin nina Lisa. Hindi niya ako pinapansin ngayon. Parang hindi siya okay sa tingin niya sa akin.
Alam niya ba ang ipapaalam ng parents namin sa amin?
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at hindi ko alam nilipat ko ang tingin ko sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin. Pero agad ko nalang iniwas ang tingin ko sa kanya. Parang iiyak na naman ako.
Ang sakit niyang tignan kapag iniisip ko ang katotohanan na siya talaga ang kuya ko.
-
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3