ROSÈ"Ikaw."
Sa sinagot ni Yugyeom, mukhang nanlaki naman ang mata ko at napatahimik nalang ako bigla bigla. Pero ano? Ako? Yung type ni Yugyeom? Bakit niya naman ako type? Nakakabigla yun ha.
Pero hindi ko alam, medyo kinikilig ako. Slight lang ha! HAHAHAHAHA! Di ko inaakala na type ako ni Yugyeom.
Hinarap ko naman sina Lisa at Sehun, nagkatinginan naman silang dalawa at parang matatawa pa silang dalawa. Anong pinag-iisip nila 'no?
Pero hindi ko alam ay napatawa ako, "Ako? Ako yung type mo? Bakit naman?" natatawa kong tanong sa kanya.
Nakita ko lang naman na ningitian niya lang ako, "Oo. Wala lang. Ang ganda mo kasi sa paningin ko eh. Pero wag kang mag-alala, parang crush lang naman eh.. ganon." natatawa niyang sambit tsaka natawa na din ako. "Pero.. kung okay lang ba sa'yo?" tanong niya sa akin.
Napatango naman ako at ningitian siya, "Oo naman. Wala namang problema don." natatawa kong sambit at nakita kong ningitian lang ako ni Yugyeom at pinagpatuloy niya na ang kanyang pagkain.
Pero wow! Yung nagwagapuhan at nagagalingan kong sumayaw na si Yugyeom.. ay crush ako? Naman! Maganda daw ako? Grabe naman siya. Pero nakakakilig yun ha.
Pero maya maya din ay nang-aasar na bigla sina Sehun at Lisa.
"Nako nako nako." Lisa.
"Asus asus asus." Sehun.
Tinignan ko naman silang dalawa at natawa naman ako, "Ano namang pinag-iisip niyo dyan ha? Mga problema niyo?" tanong ko sa kanila.
Natawa naman si Sehun, "Wala naman!" sagot niya at bigla niyang inakbayan si Yugyeom sa dahilan na medyo nagulat siya. "Iba kasi 'tong si Yugyeom eh, unang una pa lang araw na nakita niya si Rosè, type na agad. Naks bro ha." parang nang-aasar niyang sambit kay Yugyeom at kunwari ko namang sinamaan ng tingin si Sehun at tinawanan niya lang naman ako.
"Sana all crush agad." natatawang sambit ni Lisa sa dahilan na napatigil sa pagtawa si Sehun at kumunot ang noo niya.
Hinampas naman ng mahina ni Sehun ang mesa, "Sana all mo dyan. Nandito na nga ako eh." sambit ni Sehun at natawa lang naman kami ni Lisa. Tsaka niya hinarap si Yugyeom, "Hoy bro. Wag mong patulan 'tong babae na 'to eh akin na 'to. Kung may balak ka, pinapaalala ko ma wag na kundi mayayari yang buhay mo sa akin." paalala niya kay Yugyeom at mas lalo naman kaming natawa ni Lisa dito eh ano ba naman ang pinagsasabi ni Sehun. Nagseselos agad eh.
"Tumigil ka nga dyan Sehun!" natatawang sambit ni Lisa.
"Advance masyado eh!" natatawa ko ding sambit.
"Eh teka.. girlfriend mo ba si Lisa?" natatawang tanong ni Yugyeom kay Sehun.
Napatango naman si Sehun, "Oo. Sorry kung di ko nasabi sayo." sagot ni Sehun.
"Ah, ganon. Kaya naman pala." napapatango tango na sambit ni Yugyeom tapos nakita kong napapaharap naman siya sa akin at agad agad niya naman ako ningingitian. Tsaka ko nalang siya ningitian ng pabalik.
Agghh! Ang gwapo niya talaga! >.< Crush ko na agad eh!
"Dami namang maganda dito sa university namin, pero sa dinami dami 'non, talagang si Rosè pa ha?" isa nalang talaga Sehun. >.< Daldal mo talaga.
"Oo. Ang ganda niya kasi eh. Mukhang mabait kasi siya." nakangiting sambit ni Yugyeom. "Eh crush lang naman eh ganon." natatawa niyang sambit.
"Oo nga eh.. pinagsasabi kasi 'to ni Sehun eh." natatawa kong sambit.
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3