MO66。

78 15 0
                                    


ROSÈ

Kanina pa akong pumipikit dito pero hanggang ngayon hindi pa din ako makatulog. Nakakainis na talaga 'to. Gabi na kaya. Kanina pa ako nakapikit dito parang ayaw yata matulog ng sarili ko. Arrghhh! Bakit ganyan ba?

Mabilis naman ako napabangon sa kama ko at minulat ko ang mata ko. Tsaka huminga lang ako ng malalim.

"Gabi na kaya pero bakit hindi pa din ako makatulog?" naiinis kong tanong sa sarii ko habang napapakamot sa buhok ko.

Pero maya maya, nabibigla nalang ako na biglang pumasok sa isip ko si Kuya Chanyeol. Tsaka nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko, pero ang bilis din ng pagtibok ng puso ko. Arrghh! Bakit ganito ba?

Napahiga uli ako sa sa kama ko. Tsaka napapaisip lang. Sa totoo lang, ang sobrang lungkot ko ngayon. Sobra.

Hindi ko alam ang sobrang lungkot ko kasi parang naging cold bigla sa akin si Kuya Chanyeol. Masakit kasi inuutusan niya akong wag siyang i-chat. Hindi naman kasi ako nasasanay na magiging cold din pala siya.  Parang nagbago lang siya.

: (

Pero alam ko naman na nagkakaganyan lang si Kuya kasi busy siya. May ginagawa siyang importante. Tsaka alam ko sa susunod, kakausapin niya din ako balang araw.

Ang kulit ko na kasi. Pero sa totoo lang, namiss ko siya. Nasasanay na yata ako na lagi kaming nag-uusap sa chat.

Tsaka hindi ko inaasahan na maging cold siya. Nakakapanibago lang talaga.

"Matulog ka na nga. Kakausapin ka din 'non. Busy lang yun." sabi ko sa sarili ko tapos pinilit ko nalang na makatulog ngayon.

Pero agad namang pumasok sa isipan ko si Kuya Chanyeol. Tsaka ramdam ko din na ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Yaaahhh! Bakit ba ganito nalang lagi? Mukhang hindi na talaga ako makatulog neto dahil lagi nalang siyang pumapasok sa utak. Tsaka hindi ko alam, para akong mababaliw kapag iniisip ko siya.

Hindi ko nalang yun pinansin at sinubukan ko na talagang matulog kahit pumapasok siya sa isipan ko.

Nababaliw lang talaga ako ngayon. Hay nako.

- - -

SUNDAY

Tapos na din ang simba. Kaya agad naman kaming lumabas ni Lisa. Tsaka bago kami umuwi sa mga kanya kanyang bahay namin, napag-isipan namin na magmeryenda nalang muna. Bumili kami ng fishball at buko juice. Tsaka tumambay muna kaming dalawa sa log bench. Tsaka doon lang kami kumain.

"Ang sarap ng fishball 'no?" natatawa niyang tanong sa akin habang kumakain.

Napatango naman ako, "Oo nga."

"Kamusta naman notifications mo?" natatawa niyang tanong sa akin. Hays. Pinaaalala niya naman sa akin.

Di ko nalang talaga pinapansin yun. Tapos ang dami pang nagchachat sa akin na mga fangirls ni Yugyeom. Pero hindi ko nalang pinansin yun.

"Yun.. maingay. Pero hindi ko nalang yun pinapansin." sagot ko tsaka uminom ako ng buko juice. "Ganun din daw kay Yugyeom. Pero hindi niya nalang daw pinapansin." dagdag ko.

"Ganon ba?" natatawa niyang tanong sa akin.

Natawa nalang din ako, "Oo! Kayo naman kasi ni Sehun! Mga baliw!"

"Anoba! OA mo! Atleast nagawa niyo na yung dare. Wala na kayong problema." natatawa niyang sambit sa akin kaya nakitawa nalang ako. Tsaka pinagpatuloy nalang naming dalawa ang pagkain namin.

Pero habang kumakain, nagsalita si Lisa, "Ah Lisa.. tagal mo ng hindi kinekwento sa akin yung kuya-kuyahan mo. Nag-uusap pa ba kayo?" tanong niya sa akin.

Tsaka nang dahil doon, napatigil ako sa pagkain. Tsaka naaalala ko na naman si Kuya. Unting unti naman bumilis ang tibok ng puso ko. Iniisip ko ngayon, kelan niya kaya ako kakausapin? Di na siya nagchat sa akin. Miss ko na talagang kausap si Kuya. :(

Huminga ako ng malalim, "Sa totoo niyan Lisa, kagabi di kami nagchat.. kasi sabi niya.. wag ko daw siya kulitin kasi busy daw siya." malumbay na sambit ko sa kanya.

"Tsaka Lisa, inaamin ko.. nalulungkot ako. Kasi alam mo? Parang naging malamig sa akin si Kuya Chanyeol. Nakakapanibago talaga. Hindi ako nasasanay na ganon siya." sabi ko sa kanya.

Tsaka nakita ko lang naman na nabibigla siya, "Ha? Talaga? Totoo? Cold siya?" tanong niya.

Tumango ako, "Oo Lisa. Tapos aaminin ko ha? Parang iiyak talaga ako kagabi, hindi ko nga alam kung bakit. Parang iiyak ako dahil ganun siya sa akin." natatawa kong sambit habang kumakain ng fishball.

"Bakit ganon? Anong ibigsabihin na parang iiyak ka?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi ko nga alam. Basta ang alam ko masakit sakin na cold siya sa akin. Pero naiintidihan ko naman. Busy naman siya ano pang magagawa ko?" sabi ko at huminga ako ng malalim.

"Kakausapin ka din nun. Ikaw pa. Baka nastress lang sa ginagawa niya. You know? Matanda na?" natatawang sambit niya sa akin. Tsaka natawa lang naman ako doon.

"Kagabi, parang mabaliw ako kakaisip kung kelan niya ako kakausapin ulit. Hindi na nga yata ako makatulog kagabi. Di ako nakatulog ng maayos dahil di ko alam, gumugulo sa isipan ko si Kuya Chanyeol." napapailing na sambit ko habang uminom ng buko juice.

Natawa lamang ng mahina si Lisa, "Aminin mo nga Rosè, miss mo ba?"

Napatango ako, "Oo naman.. magkakaganito ba ako kung hindi ko siya miss." natatawa kong sagot. Hays. Busy pa kaya hanggang ngayon si Kuya?

"Pero Rosè, sigurado ka bang hindi gusto yang nararamdaman mo para sa kanya?" napaharap naman ako sa tanong ni Lisa tsaka mukha naman akong natahimik.

Gusto? Ano? Gusto ko si Kuya? Hmmp! Hindi ah!

Natawa naman ako ng mahina, "Gusto? Hindi ah! Paano mo naman nasabi?" natatawa kong tanong ko sa kanya.

"Wow, Sè.. sa ngayon pa lang nga baliw na baliw ka na kung di ka niya kinakausap. Are you sure na di talaga gusto yan? You're acting weird when it comes to him."

* dug dug dug dug dug dug *

Natigilan naman ako doon. Weird na ba talaga ako? Napapansin ko din. Ibang iba yung nararamdaman ko pagdating sa kanya. Yung tibok ng puso ko at tsaka lagi siyang pumapasok sa utak ko. Pero gusto? Hindi ko maintidihan. Hindi ko maisabi kung ano 'to.

Hanggang Kuya lang. Ganon.

Napailing naman ako, "Sure 'no. Ganito lang siguro ako dahil nasasanay ako na lagi kaming nagkakausap at ang korni niya sa akin. Tsaka close na din kami kahit internet friends lang kami." nakangiting sambit ko.

Pero mas lalo lumawak ang ngiti ko nung naalala ko siya, "Tsaka.. Kuya lang ang tingin ko sa kanya Lisa 'no. Tsaka alam kong donssaeng lang din ang tingin niya sa akin."

- - -

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon