ROSÈ
Nakarating naman kami agad nina Lisa sa gym at naabutan naman namin na nakahiga pa din yung dalawa sa bleachers. Jusko. Nakakaawa talaga sila ngayon. Dali dali naman kaming lumapit doon ni Lisa sa kanila.
"Uy Sehun, Yugyeom." tawag sa kanila ni Lisa. Tsaka nakita naman namin na dahan dahan silang napaupo. Parang napipilitan lang nga sila eh. Hay nako. Ikaw ba naman. Todohin mo yung pagsayaw mo.
Tsaka ko lang naman ipinagmasdan si Lisa na tumabi kay Sehun. Binuksan niya yung tubig para kay Sehun tsaka niya naman yun tinanggap. Tapos nakita kong may kinuha din siyang towel at nakita kong pinupunasan niya ang pawis ni Sehun sa mukha at sa katawan niya.
Nilipat ko naman ang tingin ko kay Yugyeom. Tsaka hindi ko alam, napatabi nalang din ako sa kanya. Nakikita ko namang nabibigla siya sa akin pero ningitian ko lang siya.
"Eto oh. Kain ka na tsaka uminom ka ng maraming tubig para mawala yang pagod mo." nakangiting sambit ko sa kanya at binigay ko sa kanya yung binili kong pagkain at tubig na para sa kanya. Tsaka niya naman yun tinanggap.
He smiled to me, "Binili mo 'to sa akin?"
Napatango ako, "Oo naman."
"Talaga? Thank you crush ha." natatawa niyang sambit at pabiro ko lang naman siyang hinampas sa kanyang balikat. Nagsisimula na naman siya sa crush thingy na yan eh. Pero ang cute lang 'non.
"Oo nalang." natatawa kong sambit.
Tsaka ko lang naman siyang pinagmasdan na umiinom ng tubig. Hays, di na talaga ako nagtataka sa sarili ko kung bakit crush ko si Yugyeom. Gwapo na, ang bait pa.
Napapansin niya naman ako na nakatingin sa kanya at napatingin naman siya sa akin. Pero maya maya lang din ay ningitian niya ako at ganon nalang din ako sa kanya.
"Kumain ka na." nakangiti kong sambit sa kanya.
"Sige. Teka.. magpupunas muna ako ng pawis ko." natatawa niyang sambit at nakita kong may kinuha siyang towel sa kanyang bag. Tsaka sa susunod, nakikita kong pinupunasan niya na ang pawis niya.
Pero maya maya, hindi ko alam na dahan dahan kong inagaw sa kanya ang hawak niyang towel at mukhang nabigla naman siya sa ginawa ko. Pero ningitian ko lang siya. Tsaka medyo ako lumapit sa kanya at pinunasan ko yung pawis niya sa mukha mula sa katawan niya. Tsaka maya maya din ay tapos ko na siyang punasan at nilagay ko sa gilid ang towel. Pagkatapos ay ningitian ko lang siya at inabot ko na yung pagkain na binil ko para sa kanya.
"Kain ka na Yugyeom.. gutom ka na eh." nakangiting sambit ko sa kanya.
"Thank you." nakangiting sabi niya sa akin at tinanggap niya naman yung binibigay kong pagkain.
Tsaka naman siya nagsimulang kumain. Tsaka ko lang naman siya pinagmamasdan habang kumain. Yaaahhh! Ang cute niyang kumain. Nakakalambot sa puso ko. Hehehe!
"Kaya ko naman ang sarili ko Rosè at dapat ako nalang ang nagpunas ng pawis at sana ako nalang ang bumili neto. Pero.. ang bait mo. Salamat sa'yo ha." nakangiting sambit niya sa akin habang kumakain.
Natawa naman ako ng mahina, "Nako wala yun 'no. Friends kaya tayo." natatawa kong sambit at ganon din siya. "Sige. Ubusin mo yang pagkain ha. May practice na naman kayo mamaya. Pagudin ka uli. Tsaka pagkatapos, inom ka ng maraming tubig."
"Concern ha. Thank you crush." natatawa niyang sambit at natawa nalang ako sa kanya. Tsaka nalang ako huminga ng malalim.
"Ehem ehem."
Napaharap naman ako sa dalawang magjowa na 'to tsaka nakangiti sila ng nakakaasar sa akin. Ano na naman nakita ng dalawang 'to?
"Ano na naman kayo dyan?" tanong ko sa kanila.
"Ayiiieeeeee!" Lisa.
"Parang girlfriend ka lang ni Yugyeom Sè ah!" sambit ni Sehun habang kumakain.
Natawa naman ako, "Ha! Umayos nga kayo dyang dalawa! Eh parang ganun lang nga eh!" pasigaw kong sambit sa kanila at ningisihan lang nila ako.
Napailing nalang ako kina Lisa at Sehun at nilipat ko nalang lamang ang tingin ko kay Yugyeom na kumakain kayo. Ningitian niya lang ako at tsaka ningitian ko nalang din siya pabalik. Ang cute niya talaga mga people. >.< Nakakagigil!
"Yeom, appreciate mo effort ni Sè ha? Ngayon lang namin siyang nakitang ganyan ni Lisa." natatawang sambit ni Sehun.
"Tumigil ka nga dyan!" saway ko kay Sehun.
Natawa naman si Yugyeom, "Oo naman bro 'no, basta si crush." nakangiti niyang sambit at kinindatan ako ni Yugyeom kaya bigla naman akong kinilig dito.
"Ayyyiiiieeeeeeee!" asar nina Lisa at Sehun sa akin. Ang kulit nila.
"Nako kayo talaga. Umayos nga kayo dyan." natatawa kong saway kina Lisa tsaka nilipat ko ang tingin ko kay Yugyeom. "Tsaka ikaw dyan, umayos ka nga din dyan. Kumain ka na."
"Opo crush." natatawang sambit ni Yugyeom at ipinagpatuloy niya nalang yung pagkain niya.
"Dahil maya maya pa ang practice, may icchat muna ako." dinig kong sambit na natatawa ni Sehun.
"Sino yan ha? Chix mo? Good." parang naiinis na sambit ni Lisa at natawa lang naman kaming tatlo dito nina Sehun at Yugyeom. Possessive kasi siya eh. Hahaha!
"Baliw! Hindi ah. Basta kilala mo na yun. Slow mo!" natatawang sambit ni Sehun sa kanya.
"Ay, sorry. Oo, oo. Kilala ko na yan!" natatawang sambit ni Lisa.
"Teka.. sino ba yan?" tanong kong natatawa sa kanila. Tsaka sa tinanong ko yun, nagkatinginan naman silang dalawa at tsaka parang bigla silang natahimik. Eh? Anong meron?
"Ha? Yun? Long time friend ko lang yun. Di'ba Lisa?" natatawang tanong ni Sehun sa kanya.
Mabilis namang napatango tango si Lisa, "Oo. Oo yun nga."
Napatango tango naman ako, "Ahh.. ganon pala." sabi kong natatawa.
"Ang weird niyong dalawa ngayon." natatawang sambit ni Yugyeom habang kumakain. Oo. Pansin ko nga din 'tong dalawa na 'to. Simula nung gugulatin ko sana sila.
"Ha! Hindi ha! Mas weird kayo ni Sè. Makapag-asta kayo dyan parang may label ha." natatawang sambit ni Sehun. Tsaka lang naman siya binatukan ng mahina sa balikat ni Yugyeom at natatawa lang naman ako.
"Pinagsasabi mo! Baliw ka!" angal ko.
"Eh totoo naman eh!" Sehun.
"Ganun lang talaga basta friends." natatawang sambit ni Yugyeom.
"Sige. Kunwari maniwala kami ni Sehun na friends lang kayo ni Yugyeom. Di'ba?" natatawang tanong ni Lisa sa kanya.
"Oo nga." Sehun na natatawa.
Huminga naman ako ng malalim. Eh friends lang naman kami ni Yugyeom eh. Ano pa ba?
"Ewan ko sa inyo."
Nagulat naman ako ng sabay kaming sinabi yun ni Yugyeom at ganon din siya sa akin. Tsaka grabe naman makatawa 'tong sina Lisa at Sehun. Kaya natawa nalang din kami ni Yugyeom. Ewan ko nga kung bakit sabay naming sinabi yun. Eh 'tong dalawa naman kasi. Baka coincidence lang naman.
- - -
BINABASA MO ANG
met | chanrose
Fanfiction❝ omg! ang gwapo mo chanyeol! ma-add ka nga! ❞ 多 MET // chanrose fanfic ♡ exopink story #3 | completed ➳ @doieruto <3