MO69。

52 14 3
                                    


ROSÈ

"Huy.. are you okay, Rosè?" napaharap naman ako kay Lisa na nagtatanong sa akin.

Mabilis naman akong tumango, "Oo naman. Bakit naman kasi hindi?"

"Para kasing may inisiip ka." natatawa niyang sabi.

"Wala ah. Naiinip na kasi ako." sabi ko at nakita ko lang naman na napatango lang siya.

Pero hindi. Naalala ko pa din si Kuya Chanyeol. Bakit ba kasi mas lalo ko lang siyang inaalala? Kaya mas lalo lang masakit sa akin. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Hindi ko na maintidihan kung ano 'to.

Tapos ang bilis din ng tibok ng puso ko kapag naaalala ko siya.

Gusto ko na ba siya?

Mabilis naman akong napailing at huminga ng malalim. Hindi ko siya gusto. Hindi. Kuya ko nalang yun. Siguro di lang talaga ako nasasanay na ganyan siya sa akin kaya ko 'to nararamdaman. Ganon.

Pero kinuha ko yung phone ko.. tsaka ko tinignan kung online siya. Tsaka halos nabigo ako ng nakita kong online siya. Pero.. bakit di niya pa din ako kinakausap? Busy pa din ba siya?

Ang sakit talaga yung likezone. Di naman sa OA, pero di kasi siya ganon sa akin.

Ano pang problema niya? Iniiwasan niya ba ako? Pero.. bakit ba ganyan siya?

- - -

my handsome kuya ❤
active now

my cute ssaeng ❤:
kuya :( chat ka naman ohh | deleted.

my cute ssaeng ❤:
busy ka pa din hanggang ngayon? | deleted.

my cute ssaeng ❤:
iniiwasan mo ba ako? bakit ganyan ka sa akin? | deleted.

my cute ssaeng ❤:
mukhang nagbago ka na yata, kuya :( di ako sanay | deleted.

my cute ssaeng ❤:
please.. let's talk. yung parang dati lang | deleted.

my cute ssaeng ❤:
miss na kita kuya :( | deleted

my cute ssaeng ❤:
ang sakit kasi kuya HAHAHAHA | deleted.

my handsome kuya ❤:
bakit kahit iniiwasan kita, bakit parang mas lalo lang lumalala 'tong nararamdaman ko para sa'yo? | deleted.

my handsome kuya ❤:
gusto ko na ding makipag-usap sayo, pero hindi pwede. | deleted.

my handsome kuya ❤:
you have yugyeom for now | deleted.

my handsome kuya ❤:
damn chaeyoung, i love you so much | deleted.

my handsome kuya ❤:
mas lalo lang masakit sa akin | deleted.

my handsome kuya ❤:
kung di lang ako torpe | deleted.

my handsome kuya ❤:
please, ako nalang. | deleted.

- - -

met | chanroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon