Authors POV:
Nag-aayus ang lahat sa kanyang pagdating. Ito ang pinakahihintay ng Hacienda Montero. Isa-isang abala ang lahat ng mga trabador. Isang handaan para sa lahat. Sa harap ng mansiyon, tila isa itong fiesta sa ginawang desenyo.
"Tita Mara, tumawag na po ba siya?" tanong ni Joseph na hindi maipaliwanag kung kinakabahan o nasisiyahan sa pagdating ng kanyang kapatid.
Ilang taon din silang hindi sila nagkita nito. Mahigit sampong taon na mula noong huli niya itong nakalaro at nakasama. Labing-apat na taon siya noong iniwan siya ng kanyang ina kasama ang kapatid nito.
"Malapit na daw sila Iho. Papasok na sila ng hacienda." tinapik pa ng Tita Mara nito ang kanyang likod. "Wag kang kabahan. Kapatid mo yun. Alam kung excited na din siya para makita ka."
Ngumiti ito at napabuntong hininga. Ilang sandali pa silang naghintay. Dumarami na din ang kanilang bisita. Abala ito sa pakikipagkamay sa mga bisitang galing ng Manila nang may puting Van na huminto sa harap ng mansiyon. Napatigil ang lahat at hinintay iyon na magbukas.
Isang babaeng maputi at katamtamang tangkad, masasabi mong hindi ito mataba dahil nakakaakit ang ganda at pagkahubog ng katawan ng bumaba dito. Naka-shades ang babae at unti-unting inalis yun habang umapak sa lupa. Walang ngiti sa kanyang labi na makikita habang naglalakad ito papunta sa kinaruruonan ni Joseph kasama si Clara. Isa sa mga sumundo sa kanya sa airport na katiwala ng hacienda.
"Sir Joseph, andito na po siya." napakurap naman ito. Kanina pa pala ito nakatitig sa babaeng kaharap niya ngayon.
"Sige Clara. Salamat." sagot nito at muling hinarap ang babae.
"Thanks for the warm welcome party Joseph. Pero pagod ako at kailangan ko nang magpahinga." napakunot naman ang noo ni Joseph sa sinabi nito.
"Your welcome my dearest sister. Pero Dianne, para sayo ang party na ito. Harapin mo muna ang mga bisita kahit isang oras lang. Hinin-"
"Hindi ko hiningi ang pa-party Joseph. Pakiabot nalang sa mga magsasakang yan at sa mga bisitang galing Manila ang pasasalamat ko sa pagpunta nila dito." utos nito sa kanya. Napanganga pa ang lalaki sa pakikitungo nito. Matalim pa siya nitong tiningnan ngunit iniparan lamang siya ng dalaga. "Clara, get my things at the car. I need some rest. Ipasok mu nalang sa kwarto ko." tumango na lamang si Clara dito.
Naglakad na ito papasok ng mansiyon. Naiwang tulala si Joseph at nag aalangan na sinulyapan ang mga reaksyon ng bisita.
"Hon, hayaan mu na ang kapatid mo. Baka pagod lang talaga. Tayo nalang ang aasikaso sa mga bisita niya." tumango si Joseph bilang pag-sang ayun sa sinabi ng kanyang ni Kath na nasa likod nito.
"Let's go. Baka mainip sila." hinawakan nito ang kamay ni Kath at pumunta na sa stage at sinimulan na ang pag anunsiyo na pwede nang kumain ang lahat at magsaya. Humingi na rin ito ng pasensiya sa hindi pagharap ng kanyang kapatid.
===========
Please comment and vote. Thanks 😘❤Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...