Chapter nineteen

2 0 0
                                    

Kath's POV

"kath, I'm sorry sa ginawa ni Dad. Alam kong mali na i announce niyang kasal na tayo kahit wala naman tayong relasyon." kausap ko si Joseph at buong tawad na humihingi ng pasensiya sa harapan ko Kasama si Gab.

"Ang totoo niyan, noong binisita ko si Tita Mara sa mansyon niyo, nakita ako ni Don Ban at sinabi sa akin ang tungkol jan." sagot ko naman dito.

"Pumayag ka?" tanong niya at napatango ako.

"Pumayag ako dahil sabi niya, pumayag kana." napahilot pa ito sa sentido niya.

"Kahit wala na si Don Ban, kailangan niyong panindigan ni Kath ang na-announce na sa media. Mapapahiya ang montero at ang companya." suhistyon naman ni Gab.

"Manatili ka nalang sa bahay Kath. Hindi tayo magpapakasal. Tulungan mo nalang akong magpanggap sa harap ng mga tao. Wag kang mag alala, malaya kang gawin lahat ng gusto mo. Tulungan mo lang ako. Gab, alam kong girlfrien-"

"She's my friend Joseph. Magkaibigan lang kami ni Kath." pilit akong napatango sa sinabi ni Gab.

"It's okay Joseph. Tutulungan kita."

Napaangat ako ng tingin ng makita ko ang kotse ni Joseph na pumarada sa garage. Hinintay ko itong pumasok sa loob.

"Anong nangyari sa bibig mo?" kinuha niya ang first aid kit sa side table at inilabas ang laman nun.

"Wala. Nagkainitan lang kami ni Gab." nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nito. Bakit naman umabot pa sa suntukan?

"Bakit? Anong nangyari? Dahil ba sa negosyo?" sunod-sunod kong tanong. Umiling lang siya. "Ako na gagamot."

Kinuha ko sa kanya ang cotton bond na nilagyan niya ng betadine. Humarap ako dito at pinahid ang cotton sa bahagi ng bibig niyang may sugat. Pumikit siya habang ginagamot ko. Tumitig ako sa mga mata niya, ilong na matagos, bibig na manipis at sa adams apple nito. Hindi maiiwasang mapatitig ka nalang sa kanya dahil sa gwapo at perpektong hugis ng mukha. Dahan dahan na napahaplos ang sa kamay ko sa noo niyang may butil ng pawis. Naimulat niya ang mga mata nito.

Lumapit pa ako sa kanya hanggang magtapat ang aming mga mukha. I touch his lips and get myself closer to him. I was about to kiss him ng makarinig ako ng yabag sa hagdag. Napalingon kaming dalawa sa kung sino man yun kaya agad itong lumayo sa akin.

"Dianne." bulalas nito at tumayo.

Dianne's POV

Kanina ko pa sila nakikita mula sa taas. Ginagamot ni Kath ang ano mang sugat nito sa bibig at pinanood lang sila. Hindi ko man maipaliwanag ngunit parang naiinis ako sa ginawa ni Joseph na pumikit pa.

Chansing din tong si Kath ee. Hindi ba to pinagbibigyan ng asawa niya at ganun na lang kong chumansing.

Nanlaki pa ang mata ko ng makita kong malapit na niya itong halikan kaya patakbo akong pumunta sa tapat ng hagdan at padabog na naglakad upang maka agaw ng eksina. Para naman estatwa si Joseph na natayo nang makita ako.

Piling affected, asawa mo naman yan. Kung iisipin para akong kabit dahil nakitulog pa ito sa akin kagabi at hindi nakitabi sa asawa niya.

"Dianne." narinig kong bulalas niya. Lumingon naman ako sa kanila.

"Sorry. Nakaistorbo ata ako, nauuhaw kasi ako ee. Kukuha lang ako ng tubig sa kusina." napayuko akong nagtungo sa kusina at binuksan ang ref. Nakita ng mga mata ko ang pag ayus ni Joseph sa first aid kit bago ito naglakad papunta sa taas.

"Nang iinis ka ba talaga?" narinig kong wika ni Kath na nakasandal sa poste papunta sa kusina.

"Bakit? Naiinis ka?" inilapag ko ang baso sa mesa at itinungkod ang isang braso ko sa upuan.

"Nabwibwisit na ako sa ka epalan mo. Masyado kang papansin." nanlaki ang mga mata ko dito.

Papansin?

"Papansin? Nagpapatawa ka ba? Bakit naman ako magpapansin sayo. Eh ako nga tong laging napapansin ang pagkakamali. Ipikit mo yang mata mo para di mo ako makita." naggigigil ako aa. Baka hindi ako makapagtimpi.

"May gusto ka ba sa asawa ko?" oo. Ay este! Noon. Ngayon wala na.

"Baka naman asawa mo ang nagkakagusto sa akin. Remember, kababata ko siya. Ang sweet nga nun noong bata ee." ngumiti ako ng nakakainsulto at itinaas ang isang kilay.

"Ang landi mo." niyukom pa niya at kamao nito ngunit pinanliitan ko lamang siya ng mata. Ako? Malandi.

"Sigurado ka bang ako? Baka ikaw?" tumawa siya ng malakas habang pumapalakpak.

"Puro ka salita Dianne. Nagpapanggap na malakas pero ang totoo, ang hina mo. Ni hindi mo nga magawang paikutin si Joseph sa mga kamay mo." napakurap ako ng dalawang beses at ibinaling ang tingin sa baso ng may lamang tubig.

"Dahil hindi ako kagaya mo. Anghel pagkaharap si Joseph. Iiyak para mayakap."

"Asawa niya ako, normal lang kung yayakapin ko siya. Hindi kagaya mo aakitin siya at uupo sa kandungan niya at hahalikan." tunitig ako sa mga mata niyang galit na galit. Naalala ko ang sinasabi nito. Noong halikan ako ni Joseph mismo dito sa kusina. Nakita pala niya yun.

"Hindi ko kasalanang maakit ang asawa mo at mas lalong hindi ko kasalanan kung mas maganda ako sayo. Give your husband a hard time in bed para naman magustuhan ka niya." lumapit ito at sinampal ako ng malakas. Tinawanan ko lang siya at agad na kinuha ang basong nasa lamesa bago ibuhos yun sa ulo niya.

"Hayop ka!" sigaw niya habang kinakapa ang ulo niyang basang basa.

"Mataas na uri ng hayop Kath. Pero ikaw, daig mo pa ang aso. Kaya itanong mo sa sarili mo kung sigurado ka bang kay Joseph ang dinadala mong yan?" nakita ko ang panlaki ng mata nito at paghugot ng hangin dahil nahihirapan na siyang huminga.

Wag ako ang actingan mo dahil kahit anong gawin mo, hindi ako maaawa sa kagaya mo. Bumuka ng bibig niya ngunit wala ni isang salita ang lumalabas doon. Napahawak pa ito sa gilid ng table para mapigilan ang pagbagsak sa sahig. Nanginginig pa ang mga tuhod niya. Naglakad ako at nilampasan lamang siya.

"Anong... Anong sinasabi... Mo?" nahihirapan siyang magsalita, pagkarinig nun ay napatigil ako sa paglalakad.

"Alam mo kung ano ang sinasabi ko Kath. Wag mo lang isasagad ang pasensya ko sayo."

Umiiyak siyang iniwan ko sa kusina at alam kong nag aalala siya. Kawawa naman kung ma stress siya sa sinabi ko. Ginalit niya ako ee, sino ba naman ang hindi mauubusan ng pasensiya. Ayaw kong magsalita pero sinagad niya ako. Pasalamat nalang siya at wala akong sinasabi sa asawa niya.

Ah! Bwisit...

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon