Joseph's POV
Kakauwi lang namin ni Kath galing hospital kanina. Hinanap ko agad si Dianne dahil gusto ko siyang kausapin tungkol sa napag usapan namin kagabi. Kumatok ako sa kwarto niya ngunit hindi siya sumasagot.
Siguro tulog pa.
Pinihit ko ang doorknob at pumasok. Nagulat ako dahil wala siya sa kama. Hinakbang ko ang cr at binuksan, wala parin siya. Nakita kong nakaawang ang closet niya kaya binuksan ko yun.
"Manang! Manang!" sigaw ko at patakbong bumaba sa sala.
"Sir, ano po yun?" tanong ni Manang Lina.
"Call all the maids, including the guards! At the area now!" utos ko. Hindi na nag abala si manang at tinawag ang mga ito. Hinintay ko sila sa harap ng bahay hanggang makarating ang lahat.
"Where is Dianne?" tanong ko sa mga ito. Nagtinginan lamang ang mga katulong habang nakayuko naman ang mga guard.
"Asan si Dianne!" sigaw ko.
"Sir, kasama meron pa po siya kagabi. Nakausap pa nga po niya yung kaibigan niyong dumating ng alas syete." sagot ni kuya eman. Ang guard na naka assign sa gate tuwing gabi.
"Kaibigan kong dumating? Sino?" tanong kong muli. Si Magnus? Si Raff?
"Sir, Trisha Tuvera. Umalis din agad kasi hindi na akyo mahintay." sinuntok ko ang pader na nasa gilid at tiningnan ng masama si kuya eman.
"Sinabi kong wag kang magpapapasok ng sino-sinu dito sa bahay! Wala akong kaibigan na Trisha! Dahil kaibigan yun Dianne!" napayuko si Kuya Eman at nanginginig sa takot.
"Sir, nagpumilit po ee. Sabi niya, kaibigan-"
"That's bullshit! You cannot follow even simple instructions Kuya Eman. Wala sa list na kaibigan ko ang isang Trisha pero pinapasok mo siya. Your fired!" nakita ko ang pag iyak ni Kuya Eman at napapailing na lamang. "Sino pa ang tumulong para makatakas si Dianne? Magsalita kayo kung ayaw niyong masisanteng lahat!"
"Iho anong nangyayari dito?" tanong ni Tita Mara na nasa maindoor.
"Wag kang aalis kuya Eman. Hindi pa tapos ang tungkulin mo." hindi ko na pinansin si Tita Mara na at pumasok sa opisina. Kinuha ko ang cellphone ko bago tinawagan ang private investigator.
"May ipapagawa ako sayo. Hanapin mo kung saan nakatira ang babbeng nag ngangalang Trisha Tuvera. I need an update as soon as possible."
Hahanapin kita Dianne. No one can scape me. Hindi ka makakabalik ng America.
Kumuha ako ng beer sa ref at mag isang uminom. Gustuhin ko man na basagin nanaman ang beer dito ay parang mas masarap inomin ngayon.
Nakainom na ako ng tatlong bote ng biglang may tumawag. Si Magnus.
"What do you need?" tanong ko dito.
"Bro, I heard what happened. How oare you?" napahawak pa akonsa mga mata ko at pinunasan ito.
"She leave again. Hindi nanaman nagpapaalam." magnus just cuckle.
"May rason siya. Hindi mo siya pinaniwalaan. Alam mo ba kung gaano yun kasakit sa babae bro." kinuha ko ang isang bote ng beer at nilunok iyon.
"I know. And, I'm so fucking stupid to let her feel that way." para na akong nahihilo sa kausap tong ai magnus.
"Hang out with raff, pag usapan natin yan?" ito nanaman si Magnus! Hindi na ako sumagot at pinatay ko na ang tawag.
Ilang oras pa akong naghintay at tumawag na din ang investigator.
"Trisha Tuvera, from America. Kakarating lang niya last month at nakacheck in siya ngayon sa Monderva Hotel."
"Thanks." I check the time at mag aalastres na nang madaling araw.
I need some rest para sa may lakas makaharap si Trisha. Hindi ko titigilan ang babaeng yun kung hindi niya ilalabas si Dianne.
Author's POV
Alas singko na nang umaga ng makagising si Joseph. Pagkatapos niyang maligo at magpalit ay hindi na ito nagsayang ng oras para pumunta sa Monderva hotel. Tinungo niya agad ang kwartong kinaruruonan ng Trisha Tuvera.
Kumatok aiya ng tatlong beses ngunit hindi parin yun bumubukas. Tila nainip siya sa paghihintay at balak na nitong sipain ang pintuan nang bigla iyong bumukas.
"Zia naman ang aga a-" napatigil ito sa pagsasalita ng mapagtantong isang lalaki nasa harap niya. Kilala nito si Joseph sa pangalan at larawan lamang. Ngunit sa pagkakataong ito, ang larawan at ang lalaking kaharap niya ay tila iisa.
"Where is Dianne?" tanong sa kanya ng lalaki. Hindi na siya sumagot at minadaling isara ang pinto ngunit maagap itong pinigilan ni Joseph. "Where is Dianne!?"
Malayang nakapasok si Joseph sa loob kaya ito napapa atras hanggang mapatigil nalang siya dahil sa pader na bumangga sa kanyang likod.
"Hindi ko kilala ang sinasabi mo." madidiin naman na sagot ni Trisha.
"Ninakaw mo si Dianne sa bahay ko at sasabihin mong hindi mo alam?" nanlilisok ang mga mata ni Joseph na tiningnan ang babae.
"Ninakaw at pinalaya, magkaiba yun!" gustuhin man ni Trisha na tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa takot nito sa pwede niyang gawin kapag nahawakan siya nito.
"Wala kang pinalaya! Dahil mas lalo mo lang inilagay sa panganib ang buhay ni Dianne. Kapag may nangyaring masama sa kanya, hinding-hindi ako magdadalawang isip na ipa good job ka kahit kaibigan ka niya." parang kinilabutan si Trisha sa mga sinabi nito. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakakarinig ng pagbabanta.
"Panginib? Mas panganib ang aabutin ni Dianne sayo." naningkit ang mga mata ni Joseph at na pahawak ito sa baba niya bago tingnan ng pataas at pababa.
"Ang unang araw na pagkikita nyo ni Dianne sa bar, may isang lalaki kang sinayaw sa dance floor. Baliw na baliw yung lalaking yun sayo ee. Ano kaya kung sasabihin ko kay Raff na yung babaeng iniwan siya pagkatapos ng gabing pagsaluhan nila sa kama, nandito ngayon sa harap ko. Matindi pa naman magalit ang isang yun." naalala ni Trisha ang gabing yun.
Nung gabing naghiwalay sila ni Dianne ay sinundan rin niya ang lalaki at naibigay ang kalulwa nito. Parang nabuhusan si Trisha ng tubig sa narinig nito at nakaramdam ng hiya.
"Paano mo kilala ang lalaking yun? Paano mo nalaman ang lahat ng yan?" sunod-sunod na tanong nito.
"Raff is my trusted friend, ang bar kong saan kayo nag hahang out ni Dianne ay kay Magnus. Tingin mo? Ang bar na yun ay tinaniman ng cctv. Kaya kahit saang bahagi ng bar na yun, kitang-kita kayo." napatawa pa ng malakas si Joseph na tila nanggagalaiti na sa inis ang kausap.
"Bwisit!" bulong ni Trisha sa kawalan.
"Raff always remember that night and he is fucking crazy searching for a girl who is hiding inside this room." napamaywang si Joseph sa kinatatayuan niya at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa.
"What are you doing?" hindi na nakapgpigil si Trisha at tinakbo ang base na nasa gilid at inato yun sa kanya ngunit mailap naman na nakailag ang lalaki.
"Calling my friend." sagot nito at ipinakita pa ang number ni Raff na naka dial na.
"Wait, no! Joseph... Sasabihin ko na kung nasaan si Dianne. Just... Cancel that... Please." naiiyak na si Trisha at halos namalangin na siya na kainin ito ng sahig na kinatatayuan niya.
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...