Dianne's POV
Gabi na pero hindi parin ako makatulog. Ayaw ko nang umiyak, nakakasawa na. Humiga ako ng kama at ipinatong ang isang braso sa aking noo. Hindi ko alam kong ilang minuto na akong nakatitig sa kisame.
Gusto ko sanang tawagan si Trisha para kahit may makausap man lang ngunit wala akong cellphone dahil basag na yun at tanging sim card nalang ang ibinalik ng mga katulong.
Tumayo ako at binuksan ang kwarto ko. Sinulyapan ko kung nasa sala parin ba si Joseph pero wala na ito. Bumaba ako at nagpunta sa garden. Nadatnan ko naman doon ang matandang katulong na nagpapahangin.
"Ay, ma'am. Kayo pala yan. Bat di pa kayo natutulog?" tanong nito ng makita akong paparating.
"Hindi po ako makatulog ee. Si Joseph po ba, tulog na?" tanong ko sa kanya pero umiling lamang siya.
"Umalis din po si Sir ee. May dalang bag, baka gamit po ni Ma'am Kath. Uuwi na daw kasi ata bukas kaya pinalinis niya ang kwarto ni Ma'am." basta ang katulong na to alam lahat.
"Manang, may cellphone ka po ba?" tila nagulat naman ito sa tanong ko.
"Merun Ma'am. Pinangtatawag ko sa anak ko sa probinsya. Bakit po?" napangiti naman ako.
"Pahiram naman po oh. Makikisalpak lang ng sim." nagpaawa effect pa talaga ako sa matanda para kaawaan niya ako.
"Ay, oo mga no. Binasag pala ni Sir yung cellphone mo." humagikgik pa ito na parang nang iinis. "pero sige na nga ma'am. Dahil ako ang kauna unahang katulong dito sa mansyon na nakausap ka, ipapahiram ko sayo. Kaya lang hindi touch screen ee. Okay lang po ba?"
"Wala pong problema." iniaabot nito ang phone niya at inilagay ko ang sim card ko.
"Manang, demonyo po ba ako sa paningin niyo?" tanong ko dito habang hinahanap ang number ni Trisha.
"Hindi naman ee. Alam ko naman pong may puso kayo. Yung ipinaluto niyong napakarami para sa magsasaka, kayo lang po unang gumawa nun para sa kanila. Si Madam Mara at Mam Kath, hindi ko pa namalayan na ginawa nila ang ganun." natuwa naman ako sa sinabi nito at least man lang, may nakakapansin din pala sa ginagawa ko.
"Naku manang, tatawagan ko lang po to aa. Sandali lang." I dialed Trisha's number at nagring naman ito. Nang sagutin na niya ito ay lumayo ako ng konte sa matanda.
"Trish..." pangalan palang nito ay naiiyak na ako dahil gusto kong magsumbong.
"Alla, Dianne umiiyak ka ba? Ikaw aa, di ko nanaman na contact mula nung iligtas ka ni Joseph sa bar..." nuhahagikgik pa siya sa kabilang linya.
"Trish, sunduin mo naman ako dito please." hindi ko na mapigilan ang parang bata na magsumbong dito.
"Dianne, bantay sarado ka jan. Tingin mo mailalabas kita. At tska, ano bang nangyayari sayo?" sumeryoso naman ito. Kapag ganitong paraan ako makipag usap kay Trisha ay alam niyang may nangyayari sa akin at seryosong usapan ito.
"Ipapaliwanag ko nalang ang lahat pag nagkita tayo. Trisha, please...nakiki usap ako." napahikbi na ako at tinatakpan ang bibig para hindi marinig yun ng katulong.
"Okay, relax. I'll find a way. Ilalabas kita jan ora mismo. Just pack your things and wait my signal." hindi na ako nagpaalam at binaba ko ang cellphone. Lumapit ako sa katulong at ibinalik iyon.
"Ma'am. Narinig ko ang usapan niyo." nanlaki nanaman ang mga mata kong tiningnan ito.
"Manang, ilan ba ang tenga mo?" pabiro kong tanong dito.
"Tinanong ako ni sir Joseph kung may alam ba kami sa nangyari kay Ma'am Kath, pero sabi namin kapapasok mu palang galing sa gym niya nung mahulog siya sa hagdan." marahil alam na din ng matandang to na pinagbibintangan ako.
"Aalis ako manang, paki usap wag kang mag sumbong kay Joseph. Alam kong kachikahan mo si matandang Mara pero paki usap, wag kang magsusumbong." hinawaka ko ang kamay nito para makumbinsi muli sa hinihiling ko.
"Tutulungan kita Ma'am." hindi ko akalain na mapapagaan ang loob ko sa katulong na ito.
"Wag na po. Baka masesante kayo pag nalaman ni Joseph na tinulungan niyo ako." umiling lamang ito.
"Tutulong ako, sa paraang itikom ko ang bibig ko." tumango ako at dali daling umakyat ng kwarto para kunin ang ilang gamit ko. Hindi ako masyadong nag ingay dahil baka magising ang ibang katulong. Tinulungan pa ako ng matandang katulong na maibaba sa sala ang isang maleta ko.
Trisha's POV
Pumunta ako sa mansyon nina Dianne. Ilang beses pa akong nanalangin kay Lord bago isasakatuparan ang nasa isip ko. Nasa tapat na ako ng kanilang malaking gate at bumukas iyon ngunit hinarang ako ng isang guard.
"Ano po yun Ma'am?" tanong nito.
"Ah, I'm Joseph's friend. Can I visit him? Galing pa kasi ng Manila." sagot ko dito.
"Sandali lang po Ma'am. Ano po bang pangalan niyo?" tanong nito bago inilabas ang I-pad.
"Trisha Tuvera." sagot ko. Ilang segundo din itong nag scan sa ipad niya bago ako tiningnan. Andaming arte!
"Pasensiya na Ma'am. Wala pong nakalagay na bisita si Sir ngayong araw ee. Tska, wala rin pong Trisha Tuvera na allowed pumasok sa mansyon." what? Ganito ba talaga kahirap pumasok dito. Kailangan ata talagang umakyat uli ni Dianne sa pader.
"Ow...I'm his new friend. Actually, I just called him lately ee then he give me his adress, sabi niya pwede daw ako." I used my paawa effect and landi gesture para makumbinsi ito.
"Sandali lang po. Tatawagan ko lang si Sir Joseph." what? Oh no! Dianne, bat di mo sinabing ganito sa mansyon niyo. I dina dial na ng guard ang phone nito.
"Manung guard, wait... Naiihi na ako ee. Mukha ba akong hindi kakaibiganin si Joseph. Please, kapag sumabog tong pantig ko bahala kayo. Please..ah!" pahawak hawak pa ako sa tiyan ko at pangiwi ngiwi ang bibig.
"Sige, sige... Ipark mo nalang po sa garage ang kotse mo, pasamahan nalang kita Rico." pinapasok na ako nito at itinuro sakin ang garage. Paglabas ko nang kotse ay may sumusunod na isang guard. Pinapasok ako sa likod ng bahay, sa kitchen ang bumungad sakin at tinuro ang cr.
"Saan ko aantayin si Joseph?" tanong ko sa guard.
"Doon nalang po sa living room. Mukhang tulog na ang mga katulong." sagot nito.
"Thanks, sige kayo ko na dito." sagot ko at umalis na ang guard.
Dali-dali akong pumasok sa sala, hotel ata tong napasukan ko. Bat ang ganda ng sala.
"Trisha." pabulong yun ngunit rinig na rinig ko. Nakita ko si Dianne na nakatayo malapit sa malaking Tv.
"Dianne, anjan ka pala." tumakbo ako para yumakap sa kanya.
"Paano ka nakapasok?" nagtatakang tanong nito.
"My way. Dalian na natin. Nagbabantay ang isang guard sa garage at yung isa sa gate, paano yan?" aligaga akong napalinga linga dahil aa panic.
"Okay, ako bahala sa guard. Kakausapin ko ang guard, ilagay niyo ni manang tong maleta ko sa kotse mo. Si manang na ang bahala para makasakay ako okay." tumango ako at sinimulan na namin ang plano.
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...