Joseph's POV
Hindi ko namalayan na nakatulog akong nakaupo habang nakasandal sa ref. Nagising lang ako ng maramdaman ko ang ulo na nakasandal sa aking balikat at mga kamay na nakayakap sa aking braso.
Parang may kirot akong naramdaman sa aking puso ng makita ko ang kanyang mga matang nakapikit ngunit nangibabaw ang saya dahil nandito siya ngayon sa tabi ko at natutulog.
"Mmm." halinghing niya at muli kong nakita ang paglandas ng mga luha sa kanyang pisngi. Naalala ko nanaman ang nagawa ko kanina lamang sa kanya dahil sa sobrang galit. Pumikit ako at humugot ng hangin sa kawalan bago ilibot ang mata sa loob ng opisina ko. Tila naging isa itong junk shop sa dami ng bote at gamit na nagkalat sa sahig. Dagdag mo pa ang amoy na amoy na simoy ng alak.
Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ni Dianne sa braso ko at binuhat siya para dalhin sa kwarto para doon patulugin. Inilapag ko siya sa kama at tinakpan ng kumot ang katawan.
Pumunta ako sa cr para magshower, pagbalik ko ay umupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang magandang natutulog sa aking harapan. May nakita akong pawis na namumuo sa kanyang noo kaya kumuha ako ng bimpo at binasa iyon ng malamig na tubig bago ipunas sa kanyang mukha at kamay.
Kumuha ako ng sando at boxer sa closet. Napahinga pa ako ng malalim habang dahan-dahan na tinatanggal ang zipper ng kanyang dress sa likod. Unti-unti kong ibinaba yun hanggang tuluyan kong matanggal.
Shit!
Napalunok ako ng dalawang beses at napatitig sa katawan nito. Mula sa kanyang maamong mukha, collar bone, hanggang mapatitig nalang ako sa dibdib niyang natatakpan ng kanyang bra. Napakurap ako ngunit hindi nakaligtas ang flat nitong tiyan sa mga mata ko hanggang sa masulyapan ko nasa pagitan ng hita niya.
Fuck!
Bago pa ako matukso ay tinakpan ko na iyon ng kumot at lumayo sa kanya. Kinuha ko ang remote ng aircon at nilakasan pa iyon dahil pinagpapawisan ako. Lumabas ako ng kwarto habang palakad lakad sa harap ng pintuan nito.
"Sir." napatitig pa ako sa taong nagsalita sa harapan ko. Si Manang Lina pala, isa sa mga katulong na kachikahan ni Tita Mara. "Ayos ka lang po?"
"Manag, bat gising ka pa?" tanong ko dito at umiwas ng tingin sa kanya.
"Hindi na kasi ako makatulog Sir ee." sagot niya. Tinitigan ko lang muli si Manang Lina. "Sir?"
"Manang, si...Si Dianne?" nanlaki naman ang mata nito kaya napayuko ako.
"Ano pong nangyari kay Mam?" nagtatakang tanong niya.
"Nasa kwarto. Pa...patulong naman po kasi..." nahihirapan akong sabihin at nahihiya ako kay Manang.
"Sir? Anong nangyari kay Maam?" magkasalubong na ang kilay nito sa pagtatanong.
"Paki...pakibihisan po siya sa loob. Use my clothes na nasa bed." umiwas na ako ng tingin dito dahil napatawa pa siya ng mahina. Napa talikod nalang ako kay Manang Lina bago ito pumasok sa loob ng kwarto. Hindi ako mapakali dahil laging sumasagi sa isip ko ang katawan ni Dianne sa isip ko tuwing pumipikit ako. Ilang minuto lang ang lumipas at lumabas na si Manang Lina.
"Sir, wag mo kasing buksan kung hindi mo kakainin." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at tumatawang bumaba ng hagdan. Napailing nalang ako at napangiti habang pumasok sa loob ng kwarto.
Umupo akong muli sa gilid ng kama at hinaplos ang kanyang pisngi. Yumuko ako at ginawaran siya ng halik sa noo. Napatitig ako sa kanyang labi bago dinampihan yun ng mainit na halik. Inayos ko ang pagkakahiga nito at tumabi sa kanya. Kinuha ko ang isang kamay nito at inilagay iyon sa tiyan ko habang ipinatong ko naman ang ulo nito sa aking dibdib. Hinalikan ko lang ang buhok nito habang sinusuklay iyon gamit ang aking daliri.
"Good night Dianne." bulong ko bago pumikit.
"I'm sorry." napadilat akong muli ng marinig yun. Hindi man yun malakas ay panigurado akong hindi yun guni-guni lang. Im sorry paulit-ulit yang bumulong sa tenga ko hanggang maramdaman ko ang paggalaw niya. Ang kamay nitong nakalagay sa tiyan ko ay naglakbay papunta sa aking baywang at yumakap ito ng mahigpit habang mas lalo pa nitong isiniksik ang ulo sa aking dibdib.
Napangiti ako at mahigpit na yumakap sa kanya. Alam kong hindi kami nagkakaintindihan sa mga nangyayari ngayon, pero hindi ko hahayaang mawala siya ulit. Hindi ako papayag na aalis pa siyang muli at iiwan ako ng walang paalam.
I'm sorry kung nasaktan kita kanina. Hindi ko dapat yun ginawa pero hindi ako nakapagpigil lalo na kung iniisip kong binastos ka at si Charles pa ang gumawa sayo nun. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sayong masama.
"Back off Mr. Montero. Wala ka namang alam sa pagdridrive ee. Matatalo rin kita." hindi ko na pinatulan si Charles sa kayabangan nito dahil malapit nang mag start ang competition. "Eh bumalik ka na lang kaya sa hacienda niyo. Kasama ang mga magsasakang mababaho." pinanliitan ko lang siya ng mga mata habang nagtawanan naman ang mga kaibigan niya.
"Hoy Charles, ang yabang mo naman! Wala ka pa namang panama sa Joseph namin aa. Kelan ka ba nagchampion? Puro ka naman second placer." kantyaw naman ni Magnus. Isa sa mga sub ko.
"Wag kang mayabang Charles, di pa tapos ang laban. Buti sana kung nanalo ka ni minsan." pasunod naman ni Raff kaya nagtawanan ang mga kasamahan ko.
"Wag din masyadong mayabang Raff. Hindi mo pa alam kong anong mangyayari. Baka magtaka nalang kayo na 30 seconds na, hindi pa umaandar yang pangit niyong sport car." nag apir pa sila ng mga kasamahan niya bago muling nagtawanan.
"Haha, baka mabulok sa buong oras ng competition yang sasakyan niyo mamaya. Diba pre?" sagot naman ni Dion. Isa sa mga kasama niya.
"Well, then.. Goodluck losers!" sigaw ulit ni Raff sa kanila.
"Raff, tama na. Wag mu na patulan." awat ko sa kasama ko dahil tila nag iinit ang palitan ng sagot.
"Ow! Ang sweet naman ni Mr. Montero, the back to back defending car race champion. Tingnan natin kung magchampion ka pa ngayon." napaligon ako at tiningnan siya ng madilim. Baka pag hindi ako makapagpigil ay masusuntok ko to ng wala sa oras.
"Ayaw namin ng gulo Charles. Better shut up." tinaasan lamang ako nito ng kilay bago tinawanan.
"Hindi ka mananalo ngayon Mr. Montero. Wala nga yung lucky charm mo ee. Si Dianne diba? Hahaha! Bro, iniwan ka na ng babaeng mahal mo at nangako sayo na hihintayin ka, umalis na para maghanap ng iba!" hindi na ako nagdalawang isip na suntukin ito at napasalampa sa sahig. Tutuluyan ko na sana ngunit hinawakan ako ni Raff at Magnus.
"Pre, tama na. Baka may makakita hindi na tayo makakapaglaro." tinanggal ko ang kamay ni Raff na nakahawak sa braso ko at pumasok na nang kotse.
Ilang minuto pa ang lumipas at sinimulan na namin ang competition. Pumunta na kami sa Starting Line habang binabarurot ang aking aming mga sasakyan.
One...
Two...
Three...
Go...
30 minutes for 2,000 kilometer. Nasa 10 minutes palang kami at nag change tire. Paulit-ulit kong pinindot ang starter ng kotse pero ayaw nang magstart. We try to check the damage pero natagalan kami bago yun makita. 5 minutes na ang lumipas bago namin yun naayos.
1,500 kilometer and consume 25 minutes. Hindi na ako aabot. 1,800 kilometer palang ay ubos na ang oras ko.
Alam kung sinabutahe ang sasakyan ko dahil tuwang tuwa pa si Charles. Not bad to be the 5th placer. Sayang lang dahil last na laro na iyon ng University game.
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...