Chapter eight

3 0 0
                                    

Dianne's POV

Nagising ako dahil sa maliliit ingay mula sa baba. Nag unat pa ako ng katawan bago pumasok ng cr at nag ayus ng sarili. Dumaan ako sa salamin at tiningnan ang suot ko. Okay, di naman ganun kapangit ang pajama at simpleng t-shirt. Nagsuklay  at ipinusod ang buhok. Nasa hagdan na ako ng makita ko ang mga tao sa sala na nakaupo.

Shit!

Anong ginagawa ng mga magsasakang yan dito? Nakita ko si Joseph na nakatayo sa harapan nila at napahilot sa kanyang sentido.

"What's happening? Kaaga-aga napapasugod ang mga buhay lupa dito?" tanong ko habang lumapit sa kanila. Tiningnan naman ako ni Joseph ng madilim.

Wow aa! Galit again?

Di pa ba matapos tapos ang galit nito sa akin noong isang gabi?

"Anong ginawa mo?" napatawa ako ng malakas sa tanong niya.

"Anong ginawa ko? o Anong sinasabi mo?" i put my hands on my waist at taas noo itong tiningnan. Hinablot nito ang pulsuan ako, hinatak sa opisina niya at nang makapasok kami sa loob ay padabog nitong isinara ang pinto at pahagis akong pinaupo sa sofa.

"How dare you Dianne! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo. How desperate you are to get your heritance from Dad at nagawa mo pang sunugin ang maisan!" para akong napaso sa sigaw nito at nabibingi sa bintang. Ako? Desperada? Oo na, di ako na ang tanga para sunugin ang kabuhayan ng maraming tao at ang source of income ng companya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi ako tanga at mas lalong hindi ko ginawa ang binibintang mo." sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw nito na palakad lakad sa harapan ko.

"Nakita nila ang kotse mo doon kagabi bago nangyari ang sunog. Ngayon sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa mo doon." tumigil ito at muli akong hinarap. Yumuko ito at inilagay ang dalawang kamay sa headboard ng sofa sa tapat ng ulo ko dahilan para hindi ako makatayo. Hindi ko makagalaw sa ginawa nitong pagcorner sakin sa sofa.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Dianne." bulong nito. Pilit kong sinalubong ang mga mata niya dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha.

"Wala. akong. ginagawa." word by word yun aa dahil konting galaw ko lang, sigurado akong magdidikit na ang aming mukha kaya nahihirapan akong magsalita.

"Paano ako maniniwala?" muling niyang tanong. Tumitig lang ako sa kanyang mga mata at dinama ang mga hininga nitong tumatama sa aking ilong. Gusto kong pumikit at langhapin yun dahil sa bango ngunit mas nanaig ang galit ko dito. "Sumagot ka Dianne." hindi ako makahinga at bumilis pa ang tibok ng puso hanggang maramdaman ko ang palabas na luha sa aking mga mata. Kung titigan lamang ito ay natatalo na ako kaya dahan dahan akong pumikit. May malamig na dumaloy sa mga pisngi ko ngunit sa lamig na yun ay isang mainit at malambot na labi ang dumampi sa aking bibig.

Gustuhin ko mang itulak siya ngunit wala akong lakas. Gising man ang diwa ko ay tila tulog naman ang pagkatao. Walang gumagalaw at parang tumigil ang galaw ng mundo.

Pinapakiramdaman namin ang isa't-isa hanggang sa hawakan ikulong nito ang mga pisngi ko mga palad niya. His lips start to move deeper but i don't response, my mind says no but my mouth betrayed and automatically open to let his tongue in. It's like we are both thirsty and hungry begging for food.

Nakakapanghina at nakakawala ng sistema sa isip. Sinabayan ko ang bawat galaw ng kanyang dila sa loob and groan when he bite my lower lips.

Mabibigat ang aking paghinga nang pakawalan ako nito sa mga labi niya. Napayuko na rin ako dahil sa hiya. Hiya dahil sa pagtugon ko sa mga halik niya. Ramdam kong nakatitig parin ang mga mata nito sa akin at pinunasan pa ng isa nitong hinlalaki ang kabilang pisngi ko.

"I'm sorry." mahinang sabi niya at tumayo bago lumabas ng opisina. Napahiga ako sa sofa at tinakpan ng mga palad ang sariling mukha.
Dianne!

Dianne!

Dianne!

Paulit-ulit kong sambit sa sarili ko. Ano bang nangyayari sakin? Bakit pagdating dito ang hina ko at hindi na gumagana ang utak ko. Sinapa ko ang paanan ng sofa, paulit-ulit hanggang sa magsawa ako. Bumangon at lumabas ako ng opisina nang matanaw kung nakaupo na ito sa living area.

"I'm sorry."  paulit-ulit yun na bumubulong sa tenga ko. Ano nga ba ang hiningi nito ng tawad kanina? Ang ginawa nitong paghila sa kanya o ang paghalik niyang walang hiya!

Bumaba ako at pumunta sa kusina.
Malas nga naman dahil nadatnan ko pa ang matandang Mara na gumagawa ng sariling kape. Hinarap ko siya at binigyan ng napakaganda at maaliwalas na morning look. Pero nagsuplada pa ata at inirapan lang ako. Aba, lumalaban...

"Sino kaya ang nagpasunog sa maisan? Napakawalang hiya." natahimik ako sa sinabi nito. "Kapag nalaman ko kung sino yun, hindi ako magda-"

"Hindi ako magdadalawang isip na bunutan ng mata. Alam mo, ang tanda mo na para mangi alam pa sa business ng mga Montero. Isa pa, wala ka namang naitutulong kaya itikom mo ang bibig mo kung ayaw mong laslasin ko ng kutsilyo!" parang natakot naman ito ng kunin ko ang kutsilyo at ilaro iyon sa mga kamay ko. Nanlaki pa ang mga mata niya at gusto kong matawa sa itsura niya. Kulang nalang ang maihi.

"Dianne! Anong ginagawa mo?" para akong istatwa sa kinatayuan ko at lumapit si Joseph para kunin ang kutsilyo sa mga kamay ko. Ibinalik niya iyon sa lalagyan.

"Hindi ko alam na kaya mong pumatay. Nakakatakot kana Dianne." mangiyak ngiyak nitong bulalas. Nilapitan ito ni Joseph at niyakap. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bigat nun. Okay! Kasalanan mo naman talaga Dianne. Ikaw ba naman ang takutin ng kutsilyo. Pero hindi naman ako papatay.

Relax.

"This is not funny anymore Dianne! Papatayin mo ba si Tita Mara dahil sa walang kwentang bagay na rason... I am not going to tolerate your attitude specially inside my house. Ubos na ang pasensiya ko sayo."

Dalawang hakbang niya akong nilapitan at mahigpit na hinawakan nito ang aking kamay bago ako hilain papunta sa taas. Binuksan nito ang kwarto niya ihinagis ako sa kama.

Shit!

Buti nalang malambot ee. Pumaibabaw siya sa akin at madiin na pinisil ng isa niyang kamay ang aking magkabilang panga habang itinutulak siya ngunit nandidilim ang mga mata nito at hindi matinag.

"Hindi ka lalabas ng kwartong ito, hindi ka kakain. Wala kang gagawin dito. If you were a spoiled and pampered brat in America, not here Dianne. Wag sa'kin." marahas pa akong binitawan nito bago tumayo at lumabas ng kwarto. Dali-dali akong bumangon para habulin siya ngunit na lock na yun, pilit kong binubuksan at paulit-ulit na pinihit ang siradura ng pinto.

"Joseph ano ba! Palabasin mo ako. Kapag nakalabas ako dito, sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay ng matandang yan at ang buhay ng asawa mo!" nagsusumigaw ako at pinagpapalo ang pinto ng malalakas kahit na ramdam ko parin ang sakit na naiwan sa panga ko. "Ahhhh!!!" huling sigaw ko bago sumuko. Isang tadyak pa ang natanggap ng pintuan bago ako bumalik ng kama at pasalampang humiga.

Bwisit! Drama queen ng matandang yun aa.

Your vote and comment are really appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon