Chapter thirty-four

1 0 0
                                    

Dianne's POV

Katatapos ko lang kumain at naligo. Wala naman akong balak lumabas ngayon dahil wala rin akong alam puntahan.

Mall?

Museum?

No. Wala rin akong balak bumili ng phone ngayon, baka ma-trace lang ang number ko. Nanood ako ng Tv nang biglang biglang may nagdoorbell.

Ang aga naman ata ni Zia.

Napatayo ako para pagbuksan ang pinto ngunit si Trisha naman ang bumungad sa akin na tila kagigising lang ang itsura dahil naka pajama pa ito.

"Trisha, ang aga mo aa. Di ka pa naliligo bago pumunta dito, wag mung sabihin na makikiligo ka!" napatahimik ako dahil wala akong nakikitang reaksyon sa kanyang mukha na dati-dati naman ay hindi siya ganito. "May problema ka ba?"

"Dianne sorry." nangilid ang mga luha nito sa mata at bumagsak iyon sa kanyang pisngi. Napakunit ako ng noo at biglang kinabahan sa sinabi nito. Napaangat ako ng tingin nang maaninag ng mata ko ang tila anino sa likuran ni Trisha. Napa atras na lamang ako dahil hindi ko na maisasara ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" lakas loob kong tanong bago nilingon si Trisha na umiiyak dahil hawak siya ng isang lalaki.

"Iuwi mo na siya. Natawagan ko na, wag mong hahayaang makatakas siya hangga't wala pa Raff." utos ni Joseph sa lalaking nakahawak kay Trisha.

"No, sabi mo hindi mo tatawagan yun! Joseph, nangako ka!!" sigaw ni Trisha habang nagpupumiglas sa lalaki.

"He's not going to hurt you. Gusto ka lang niyang makausap." sagot lamang ni Joseph. Magsasalita palang ulit si Trisha ng ilabas na siya ng lalaki sa pinto. Naguguluhan ako sa nangyayari at sinasabi ni Trisha ngunut mas nangingibabaw ang kaba at takot na makaharap ko ngayon si Joseph.

Ganun na ba kadali na ang lahat! Wala pang isang araw na tumakas siya pero nahanap nanaman ako. Jusko, eh hindi pa nga ako nakakapag-isip o nakakapagpahinga ng maayos. Magsisimula palang naman akong damhin ang kalayaan.

"For a second time Dianne." sabi nito ngunit walang emosyon na makikita sa kanyang mata. Hindi ko tuloy malaman kung galit ba ito o hindi.

"Umalis ka nalang. Pabayaan mo na ako dito." para akong napapagod na makipag diskusyon dito at gusto ko nalamang mawala sa harapan niya.

"Umalis ka nang walang paalam. Tumakas ka nanaman na hindi nag-iisip." umatras ang mga paa ko ng makita ko ang paggalaw nito papalapit sa akin.

"Inisip ko ang pagtakas ko. Dahil malinaw na sakin ang lahat Joseph. Kaya kung protektahan ang sarili ko sa mga nagbabanta sa akin. Wala ka nang dapat ipag alala kapag may nangyari saking masama. Bantayan mo nalang si Kath, baka sakaling baby mo na ulit ang idadala niya pag nabuntis siya." pader! Pader na ang nasa likod ko. Ilang hakbang na lang ay makakalapit na ito sa akin.

"Alam mo?" napahinto siya ng ilang metro mula sa kinatatayuan ko. "Alam mo!" sigaw niya. Lakas loob akong tumayo ng tuwid at taas noo na tiningala siya.

"Simula pa lang alam ko na ang totoo. Narinig kong nag uusap sila ni Gab noon sa mansyon."

"Ako ang ama ng batang yan Kath, bakit mo ipapaako kay Joseph ang batang yan?" tanong ni Gab noon na halos mapasabunot na sa buhok at napasuntok sa pader. Medyo malayo ako sa kinaruruonan nila ngunit tama lang ang destansiya para malinaw na marinig ang usapan nila.

"Anong gusto mo? Magsama tayo? No way Joseph! Nililigawan mo na si Dianne, kaya ituloy mo na. Itutuloy ko nalang ang pagiging asawa kay Joseph." gusto ko sanang magpakita sa kanila noong araw na yun ngunit nanatili akong tahimik at pinakinggan lang ang usapan nilang dalawa.

"Kath, alam mong malalaman at malalaman din ang totoo. Mahal mo naman ako diba? Bakit kailangan mo pang gamitin ang anak ko, magsama nalang tayo." paki usap naman ni Gab.

"Dati yun, nung hindi pa kami nagpanggap ni Joseph. Tska lasing lang ako nung may mangyari sa atin Gab. Kaya tama na. Pasagutin mo nalang ang Dianne na yun at ayain mong magpakasal para wala nang panira sa buhay namin ni Joseph." napangisi na lamang ako at iniwan ang dalawa. Sapat na ang narinig ko para maloko nila.

"Alam mo ang lahat pero hindi mo sinabi sakin! Bakit?" nag echo pa sa loob ng kwarto ang sigaw nito kaya napapikit ako.

"Paano ko sasabihin kung wala kang tiwala sa akin? Joseph, kitang kita ko kung paano ka maniwala sa kanya. Yung sayo na merun ka nung marinig mong magkaka anak kana sa kanya. Kaya hiyaan kita, hiyaan-"

"Hiyaan mo akong magmukhang tanga sa kagagawan ni Kath at Gab. Kung hindi ko pa sila nadinig sa hospital, hindi ko pa malalaman ang lahat. Hinanap kita para magpaliwanag. Pero alam mo din pala ang kalokohang ito." gumalaw nanaman ang mga paa nito at palapit ng palapit sa akin. Hindi ako nagsalita at napapalingon sa paligid na pwede kong takbohan. Ngunit bago pa ako makatakbo sa kanan ay nacorner na ako ng dalawa nitong kamay.

"Hindi kita pinagmukhang tanga dahil hindi ka din naman maniniwala." andito nananam siya at sobrang lapit niya. Ang lakas ko ay unti-unti nanamang natatabunan ng panghihina.

"Dapat pinaniwalaan kita, dapat nagtiwala ako sayo. Dapat hindi ako nagdadalawang isip na paniwalaan ka. I'm sorry." hindi na ako nagprotesta sa mga luhang nalaglag mula saking mata. Sa isang sorry ay tila nawawala nanaman ang sakit.

Hindi na ako nagsalita. Hinawakan nito ang baba ko at mahinahon na iniangat para magtama ang aming mga mata. Nagtama ang aming mga ilong dahil sa sobrang lapit nito at naamoy ko na ang hangin na lumalabas sa bibig niya.

Napalunok ako ng dalawang beses at naramdaman ang balat ng bibig nito sa itaas ng labi ko. Ilang sigundo pa akong naghintay at pumikit, umaasang hahalik na siya ngunit nabigo ako. Para akong tanga na kumapit sa batok niya at hinila na ito para halikan siya.

Napangiti ito ng sa gitna ng paghalik ko sa kanyan na mas lalo kong ikinainis kaya kinagat ko ang ibabang labi nito.

"You're wild." sabi nito ngunit hindi parin gumagalaw ang mga labi niya.

"You're teasing me." tugon ko naman dito sa gitna ng pahalik ko sa kanya.

"I...love... You..." paputol putol nitong sabi dahil hindi ko tinigilan ang labi nito ngunit napatigil ako ng mapag dugtong ang mga yun. Napayuko nalamang ako ng maramdaman ang kamay niyang gumapang sa baywang ko at mas lalong idikit sa pader ang aking likuran. Napahugot pa ako ng hangin ng dumikit sa lower abdomen ko gitnang bahagi nito.

He move closer to me while his hands move inside my shirt. Halos tawagin ko na lahat ng santo sa paligid ko ng maramdaman ko ang maiinit na labi nito sa aking leeg. Nilalagyan ng marka ang bawat dadaan ng labi niya. To my neck, going to my jawline till' he reach my lips.

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon