Author's POV
Hindi na nakapag paalam si Dianne kay Zia dahil hindi na niya ito nakita. Nasa biyahe lamang ang mga ito na tahimik hanggang makarating sila ng mansyon. Ipinakuha na lamang ni Joseph ang mga gamit ni Dianne sa mga katulong. Pagpasok nila ay nakita niya si Mara na nakaupo sa sofa.
"Dianne, iha... Salamat sa diyos naka uwi ka." sinalubong pa siya ni Mara at akmang yayakapin ng itulak niya ito kaya napaatras ng konte ang matanda.
"Dianne." saway ni Joseph ngunit hindi niya iyon pinansan at deretsong umakyat na ito ng kwarto niya.
"I'm sorry Tita, pagod lang siguro yun sa biyahe." paghingi ng paumanhin ni Joseph.
"Oo, naiintindihan ko." sagot naman dito ni Mara.
"Tita, aalis po muna ako at pupunta ng opisina. Baka gabi na po ako uuwi." tumango naman ang matanda sa kanya bago ito lumabas at umalis.
Ilang oras mula nung makaalis si Joseph ay pinaki alaman ni Dianne ang laptop nito sa opisina niya. Nagsend siya ng location kay Trisha at Zia. May isend din siyang files sa mga ito at video. Nagmessage pa siya sa group chat nilang tatlong magkakaibigan.
"May email ako sa inyo please take care of that. Paki bigay sa mga pulis. Need you help."
Wala man siyang nahintay na reply ng mga ito dahil hindi sila online ay napilitan itong isara ang laptop ni Joseph bago bumaba at pumunta ng sala.
"So nagbalik na pala ang salot." napairap lang ako sa kawalan at hinayaan si Kath.
"Kath!" suyaw naman ni Mara dito.
"Oh, sorry." maarteng sabi ni Kath.
"Alam niyo kayong mag tita, hindi ko alam kong saang sulok kayo ng mundo napulot ni Joseph." napatuya pa si Dianne para sana iwasan ang mga ito.
"Dianne, wag ka namang magsalita ng ganya." taas kilay niyang hinarap si Mara.
"Ang arte mong matanda ka, pwede ba. I switch of mu nalang yang bait baitan attitude mo sa akin sa dahil ang totoo, mas demonyo ka pa sakin." tumawa si Mara ng malakas habang pumapalakpak naman si Kath sa kanya.
Dianne's POV
Akala ata ng matandng ito hindi ko siya papatulan.
"Matalinong bata. Pero mas mautak ako sayo sayo." inirapan ko lang ang matandang ito ngunit biglang may pumalo sa batok ko ng isang matigas na bagay. Dahan dahan akong natumba at nakita ko ang isang lalaking may hawak na baril. Bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay nakita ko ang tumatawang mukha ni Kath at tandang Mara.
Nagising ako dahil may sumampal sa akin. Napamulat ako ng mata at masakit na itinaas ang ulo ko dahil sa pagpalo kanina sa aking batok. Gusto kong gumalaw ngunit narealize kung nakatali pala ang mga kamay at paa ko sa isang bangko.
Ikinalat ko ang mata ko ng makita ko si Joseph na nasa harap ko at nakatali rin ang kamay at paa sa isang bangko kagaya ko.
"Dianne. Are you okay?" tanong nito kaya napatango lamang ako. "We will get out of here okay."
"Kung makakalabas pa kayo ng buhay dito sa mansyon nato." pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Mara.
"Hoy tanda! Lumaban ka nga ng patas. Wag mo akong itatali dito dahil kaya kitang ingudngud sa pader pag ako ang nakalaya dito!" aigaw ko sa kanya. Hayop ee.
"Kung gusto niyo pang mabuhay! Permahan niyong dalawa ito." ipinakita nito ang isang band paper na may sulat. Testament? Nagsasabing ibinibigay na namin ang hacienda, mansyon at companya sa kanya.
"No Tita. Please, don't do this." pag mamakaawa ni Joseph.
"My dear Joseph. Pasensiya ka na kung napaikot kita sa mga palad ko. Ngunit ang tagal ko nang nagtitiis dito." hininagis pa nito ang papel na hawak niya sa mesa.
"Ikaw ang pumatay kay Tito Ninong, ikaw ang nagpasunog sa maisan, ikaw ang nagpapatay ng mga kabayo." pumalakpak naman ang isang babae at lalaki na nasa likuran nito.
"Magaling ka nga Dianne." nakangising si Kath.
"Pasalamat kayo at hindi napuruhan ang sunog ng maisan niyo at patay ng mga kabayo niyo." napatawa ako ng malakas at mapang insultong ttumingin sa matandan.
"Kung gaano ka laki ng ulo mo, ganun naman kaliit ang utak mo!" lumapit ito sa akin at sinampal ako.
"Stop! Fuck you!! Don't you dare to touch her! Fuck!" sigaw naman ni Joseph na pinipilit makawala sa tali.
"Nakita kitang pumunta noon sa maisan at sinunog mo yun, malas mo nga lang dahil may video nanakuhanan kita. Pagkaalis mo, inutusan ko si Cj na gisingin ang mga magsasaka para maagapan yun. Putang ina mo at ginamit mo pa ang sasakyan ko!" isa pang sampal ang natanggap ko mula dito ng senyasan nito ang isang lalaki sa gilid na may baril. Napalinga pa ako sa paligid, ang dami pala nila.
"Matapang ka Dianne. Ubod ka ng tapang pero ubod ka ng kitid ng utak." kumuha ito ng wine sa likod niya at ininom yun.
"Ang mga kabayo. Palpak ang tauhan mong sunod-sunuran sayo." tiningnan ko ang lalaking sa kabila malapit sa pinto. Si Gab..
"Habang nilalagyan ni Gab ng lason ang mga inumin ng kabayo, pinapalitan ko. Kaya kita tinawagan ko si Gab para si Cj ang magtuloy ng ginagawa ko." yumuko lang si Gab nang tignan ito ni Mara ng matalim."Isa kang uod!" sigaw nito at lumapit sa akin bago hilain ang buhok ko.
"That's bullshit! Stop!" sigaw ni Joseph kaya tignan siya ni Mara at may naglarong ngiti sa mga labi nito.
"How can you save your princess right now Joseph?" tanong nito at nilapitan sya para paglaruan ang mukha nito. "Paano kaya kung ipagahasa ko sa harap mo ang babaeng ayaw na ayaw mong hinahawakan ng iba?"
"Fuck you. Bakit mo pinatay ang Daddy ko! Bakit?" bulong nito kay mara ngunit tama lang para marinig yun.
"Dahil isa siyang sakim! Kinuha niya ng negosyo ng mga magulang ko. Kinuha niya ang mga ari-arian namin nang dahil lang sa utang. Dahil sa Tatay mo, namatay ang mga magulang ko. Na depress ang Daddy ko nagpakalasing hanggang mabangga ang kotseng sinasakyan niya. At ang mommy ko, nag suicide dahil sa kagagawan ng Daddy mo. Kaya wala akong choice kundi akitin ang Daddy mo." naglakad lakad si Mara habang umiinom ng wine. "Ako ang dahilan kong bakit naghiwalay ang Mommy at Daddy mo Joseph. Alam yan ni Dianne dahil siya ang nakakita sa amin kasama ang mommy mo noong nasa parking lot kami at masayang naghahalikan." tama ang sinabi nito, nakita ko at ni Mommy Ninang ang lahat kaya nag desisyon noon na umalis si Mommy Ninang at mangibang bansa.
Sinubukan naming isama noon si Joseph pero pinagbantaan lamang ni Daddy ninong si Mommy Ninang. Panatag ang loob ni Mommy ninang na iwan noon si Joseph dahil alam niyang mahal na mahal siya ni Daddy Ninong.
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...