Chapter twenty-two

2 0 0
                                    

Dianne's POV

Hindi ako nakatulog sa nangyari noong isang araw. Para akong pusang takot sa mga tao, kung hindi ako nagkukulong sa kwarto ay nakayuko ang naglalakad papunta sa kusina, sala o saang sulok ng bahay na to.

Paano ako makukomportable sa sarili ko kung mula noong umamin ako kay Joseph, lagi nalang siyang nandito. Buti naman sana kung papalabasin ako para makaiwas na.

"Pansin ko lang, ilang araw ka nang parang wala sa sarili." lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig.

"Concern?" tanong ko kay Kath na nasa harapan ko ngayon habang tinitipa ko ang laptop ko dahil gumagawa ako ng bagong book of journal ng MAc.

"Hindi. Gustong-gusto ko nga ee. Walang gulo sa buhay." maarte nitong inabot ang juice niya bago yun ininom.

"Don't start conversation with me, you will regret." hindi ko na ito nilingon at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Walang maniniwala sa sasabihin mo Dianne. Even my husband, JOSEPH." pinandiinan pa nito ang pangalan ni Joseph. Napangisi ako, IDEA play on my mind.

Ting!💡

"Oo nga ee. Hindi ako kayang paniwalaan ng ASAWA MO. Pero Kath, wag ka namang ambisyosa." i close my laptop and put it on the table before i fix myself sitting in sofa.

"Sa ating dalawa, ikaw ang ambisyosa na man aagaw ng asawa, ang tawag sayo kerida." tinaasan ko siya ng kilay at tinawanan ng malulutong.

"Asan na nga ba ang ring ninyo ni joseph? Isinanla mo na ba? Bakit wala kang...suot?" pinaglipat lipat ko pa ang tingin ko sa kanyang daliri at sa kanyang mukha na hindi maipinta amg itsura.

Nanginginig pa itong tiningnan ang mga kamay bago itago iyon sa kanyang likuran.

"Na...natanggal ko lang... Sa c nung nagshower ako." umiwas siya ng tingin sa akin at ipinagpatuloy ang pag inom ng juice.

"Naiwan nung nagshower...ka?haha! C'mon, Kath. Halos araw-araw mo na bang naiiwan sa cr ang pinaka importanteng bagay sa inyong mag asawa na dapat araw-araw mung suot?" umiling iling pa ako bago inumin ang tubig na nakalagay sa lamesa.

"The hell you care." bulalas nito ngunit malakas ata ang tenga ko para marinig yun.

"Dapat mo sigurong itatak sa utak mo Kath na wala ni katiting ang namamagitan sa inyo. Hindi kayo kasal at...baka, malay mo." matalim niya akong tinitigan at nag igting ang bibig ngunit hindi ako nagpatalo sa paraan ng pagtingin niya.

"Anong nangyayari dito?" hindi na ako lumingon sa likuran kong pinanggalingan ng tinig dahil presensya palang amoy na amoy ko na ang old perfume nito.

"May pinag uusapan lang po kami ni Dianne" sagot ni Kath. Napairap ako sa kawalan ng makita si tandang Mara na umuponsa tabi ng anak anakan niya.

"Pinag uusapan namin ang wedding ring nila ni Joseph. Hmmm, bakit nga ba wala TITA?" pinandiinan ko pa ang tita para naman mas kagalang galang at hindi niya isiping binabastos ko nanaman siya.

"Ah... Hindi... Hindi ko alam iha. Hindi pa sila totoong kasal ni Joseph pero pinaplano na nila ito." madilim kong pinaglipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko alam kung saan ako mas maniniwala. Sa sinabi ba nitong hindi niya alam o sa sinabi nitong pinaplano na ang kasal nila. Parang kinurot ang puso ko sa sinabing iyon ng matandang ito at hindi na ako makaisip ng magandang pambara sa kanila.

"Hai Tita, Kath." napalingon ako sa dumating. I rolled my eyes when i saw him. "Dianne, tapos na ba ang pinapagawa ni Joseph, kailangan mareview bukas ee."

"Yeah here. Nai-copy ko na jan lahat." iniabot konsa kanya ang flashdrive.

"Thanks. Ah, can I talk to you in private." tumango naman ako at tiningnan ang dalawang mag tita na naka nag aabang ng pwedeng mangyari. Inaya ko siya sa garden at doon makapg usap.

"I miss you." hinawakan nito ang mga kamay ko at hinalikan ang tuktok nito. "Sorry kung hindi ako nakakabisita ng madalas dito sa mansyon, madami kasi akong ginawa sa opisina nung nakaraang lingo."

"It's okay Gab." pilit ngiti kong sagot.

"How are you here? I've talk to Joseph, pero hindi parin siya nakinig ee."

"Isang desisyon lang si Joseph. Kapag sinabi niya pinapanindigan niya. Pero salamat Gab." tumango naman siya at hinaplos ang aking mukha.

"I hope mahuli na ang taong gumawa nun sa mga kabayo para makalabas ka nadin dito." i just nodded and give my sweet smile.

"I'm okay here, don't worry. And, Gab...thanks kasi nanjan ka." niyakap ko siya bago ako tumayo.

"I need to go. You take care Dianne." tumango ako bago ako nito bigyan ng maliit na halik sa pisngi.

Sinamahan ko na siya hanggang garage bago ito umalis. Pumasok akong muli ng at dumaan sa kusina ng madatnan ko sina Kath at Joseph na masayang binubuklat ang isang party notif brochure.

Bwisit!

Sa dinami dami ng bubungad ito pa. Para namang may tumamang kutsilyo sa dibdib ko at tumigil ang tibok nun nang makita kong nakahawak pa sa likod ni Kath ang mga kamay nito. Dahan-dahan akong naglakad para hindi iyon mag iwan ng ingay.

Palagpas  na ako sa mga ito ng marinig ko ang malakas na sinabi ni Kath.

"What if ito nalang ang para sa wedding?" tanong nito kay Joseph na nagpatigil sa kin sa paglalakad. Hindi ko narinig ang sagot niya ngunit nakita ng gilid ng mata ko ang mga ngiti niya.

"Uiy, Dianne. Anjan kana pala. Umalis na ba si Gab?" humarap ako at tumango sa kanya. "Ah, okay. Gusto ko sanang kausapin din yung kaibigan kong yun ee."

"Tawagan mo. Pabalikin mo." sagot ko sa kanya.

"Hindi na. Next time nalang." muli niyang ibinaling ang tingin nito kay Joseph.

"Bakit ayaw mo? Gusto ko pa sana ee. Parang namiss ko siya agad." seryoso lang akong nakatingin sa kanila ng inaangat ni Joseoh ang kanyang mukha at malalim ang titig nito sa akin.

"Kayo na ba? Parang ang sweet niyo nung nagkakausap kayo sa garden ee." chismosa. Binabantayan mu ba kami habang nag uusap kanina.

"Malapit. Ikaw ang unang makaka alam kapag kami na." mas lalo kong nakita ang paniningkit ng mata ni Joseph. Gusto ko sanang matakot sa mga titig nito pero mas nangingibabaw ang pag kainis na nararamdaman ko ngayon.

"Okay, bagay naman kayo ee. Nakita ko nga na niyakap mo siya. Ang sweet naman. Sana habang nakakulong ka dito dalas dalasan niya ang pag da-"

"Kath stop!" sigaw ni Joseph na siyang nagpatigil sa walang prenong bibig ni Kath. Napailing ako bago umalis sa harapan nilang dalawa. Narinig ko pang nagrereklamo siya ngunit hinayaan ko nalang ang mga ito.

Letche!

Wedding pala aa!

Edi magpakasal ka. Yan ang gusto mo ee. Kahit ako pa ang maid of honor hindi masakit. Oh kaya abay! Tagabantay ng kaldero sa kasal ganun! Taga sayaw ng gabi. Baka sakaling dun ko na makilala ang para sakin. Sasabitan ko pa kayo ng libo libong pera pag nagkataon.

Kasal, kasal... Che! Mukha kang tinapa!

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon