Author's POV
Palakad-lakad si Dianne sa kwarto niya habang hawak nito ang isang bote ng wine. Para siyang mababalik na maghapong nakatitig lang sa mga walls ng kwarto niya. Ilang saglit pa ay lumabas siya ng kwarto nito at maingat na naglakad papunta sa opisina ni Joseph. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pintuan at sinilip kung may tao duon. Napangiti pa siya ng makitang walang ilaw na nakabulas kaya agad siyang pumasok bago niya kinapa ang switch ng light. Ikinalat nito ang paningin sa buong paligid at hill toe itong naglakad papunta sa table, ngiting-ngiti siya ng mabuksan nito ang drawer ng table at nakita ang hinahanap.
Agad niya itong kinuha at ibinulsa bago isara yun at tumakbong lumabas. Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto niya at kinuha ang cellphone nito sa bulsa.
"Thanks God, i got it!" bulong nito at hinalikhalikan pa bago nito i-on. Pagkabukas nun ay madami agad siyang na receive na message galing sa mga friends niya. Isa na doon si Trisha. Hinanap niya ang number ng kaibigan at tinawagan ito.
"Trisha, I need you help." hinihinaan ko ang boses ko para hindi marinig ng kanino man. Naglakad ako para ilock ang pinto bago pumasok sa cr.
"Frenny! Impokreta ka, hindi kita matawagan, ni hindi kita makitang online at sagutin ang mga text ko. Alam mong hindi ako pwedeng pumunta ng mansyon niyo. Ano bang nangyayari sayo?" halata sa boses nito ang panic at pag aalala. "Nakidnap ka ba? May ginawa ba sila sayo? Dianne suma-"
"Trisha please."
"Nag aalala na ako-"
"Makinig ka nga muna. Im fine okay! Kailangan ko lang ang tulong mo. Hindi ako pinapalabas ngayon sa mansyon, I'm so damn bored here and I wanna go out to hang. Listen, pumunta ka sa likod at antayin mo ako doon magdala ka ng tali okay. Please..."
"Okay, okay... I'll help you. Papunta na." nagbihis ito at maingat na pumunta sa likod ng bahay. Nakita niya ang guard na palakad lakad kaya naman nag tago muna siya sa medyo may kalakihang puno doon. Nang makita nitong bumalik na sa guard house ang guard ay tinawagan niyang muli si Trisha.
"Hey, asan kana? Anjan kana ba?"
"Yes, andito na ako. Asan kaba? Saan banda? Sa laki ng bakod niyo kulang pa ang tatlong malalaking tao ang pataong-patong para maka akyat." sagot sa kabilang linya.
"Andito ako ngayon sa may puno ng mahogany, iisang mahogany lang tong nasa likod. Nakita mo ba?" tumingala si Dianne sa malaking pader na nasa harap nito.
"Oo, aakyat ka ba jan?"
"No. Walang sanga to baliw ka ba? Yung tali?" hinihingal na ito kahit wala pa itong nagagawa.
"Andito. A...anong gagawin ko dito?"
"Ihagis mo! Dalian mo. Mahalaba yan diba?" jusko, wag kang papalpak Trisha, bulong nito sa isip niya.
"Oo, sobrang haba. Kasing haba ng ano niya ng..."
"Trisha wala akong oras sa libog mo. Ihagis mo pagtapos isabit mo sa likod ng kotse. Hilahin mo pag ramdam mo nang mabigat okay."
"Okay." hinintay niyang maihagis ni Trisha ang tali ngunit halos 20 minutes na itong naghintay. Itinali niya ang baywang nito para maka akyat ang pader. Naramdaman niya na parang hinihila ng paunti unti ang tali kaya sinundan niya lang ito sa pag apak ng pader. Gets? Okay...
"Trisha, ihinto mo na ang kotse." huminto naman ang kaibigan nito kaya tinanggal na nito ang tali sa baywang at itinali iyon sa bakal. Maya-maya ay nakababa rin si Dianne dahil sa para itong nag zip line sa tali. Hahaha!
"Ang galing mo." bungad ni Trisha at nilayakap pa ang kaibigan.
"Hindi, ang galing mo Trisha kaya tara na." tinapik pa nito ang balikat niya bago sumakay sa front sit. "Tara na, baka may makakita sa atin."
Trisha start the engine and drove faster hanggang makalabas sila ng hacienda. Binuksan pa ni Dianne ang windshield ng kotse at nilanghap ang hangin.
"Whooo! I'm free tonight." sigaw nito.
Huminto sila ng kaibigan niya sa bar ng bayan at nagpakasaya sa pagtakas ng gabi. Parang ilang taon itong hindi uminom ng alak dahil halos apat na bote na ang beer nainom nito. Trisha take her on the dance floor and dance 'till she feel someone touch her butt. Nilingon niya kung sino yun, Eww! sigaw ng utak niya. Gwapo naman ito pero mukha siyang addict sa paraan ng pagnigiti niya.
Hinawakan nito ng madiin ang kamay ng lalaki at kwinelyo sa gitna ng dance floor dahilan para mapatigil ang mga tao doon at magpagilid.
"You nympho!" madiin niyang sabi sa ngunit napangisi lamang ito at ginamit pa ang isang kamay para haplosin ang kanyang mukha.
"Exciting baby." ginamit rin nito ang isang kamay para tanggalin ang kamay ng lalaki sa kanyang mukha.
Nandidiri ako sayo aa.
Naglalaban ang kanilang mga kamay at unti-unti nang mabitawan ito ni Dianne. Napatingin siya sa ibaba ng lalaki at tumama ang mata sa pagitan ng hita nito...
One...
Two...
Three. Pak!
Sinipa nito ang nasa gitna sa hita ng lalaki bago sinuntok ang kanyang mukha upang mapaatras ito.
"Hooo! Best friend ko yan." sigaw ni Trisha sa gilid habang nagtatalon. Naglakad si Dianne paalis ng biglang siyang hinatak ng lalaki.
"Matapang ka aa." bulong nito at inilagay ang isang braso sa leeg ni Dianne. Mahigpit niyang iniipit ang leeg ng dalaga gamit ang braso kaya tila hindi makahinga. "Hindi isang babaeng kagaya mo ang magpapahiya sa akin, sayang maganda ka pa naman."
Pinalandas pa nito ang mga daliri niya sa kanyang braso. Dinig na dinig nito ang tawanan ng mga lalaki at hiyawan ng mga babae sa paligid niya.
"Tulungan niya!" sigaw ni Trisha. Tatakbo na ito para tulungan ang kaibigan ng bigla nalang may isang lalaking mahigpit na humawak sa kanyang kamay. "Tama na!" sigaw pa nito.
"Tulungan niyo siya."
"Tumawag kayo ng security."
"Si Charles yan, mahirap kalaban."
"Sige Charles, sampulan mo ang babaeng nangpahiya sayo."
Pilit na tinatanggal ni Dianne ang braso ng lalaki sa kanyang leeg ngunit hindi niya ito magawa dahil mas malakas parin naman ito sa kanya.
"Walang hiya ka. Kung hindi mo ako binastus hindi ka mapapahiya." nahihirapan man itong magsalita ay kanya paring ginawa. Alam nitong mali na ipahiya niya ang lalaki ngunit mas mali na bastusin siya nito.
"Walang babae ang umaayaw kay Charles Heran, naiintindihan mo." mas dumiin pa ang mga braso nito sa kanya at naghihimpit na ito sa sakit dahil hindi na rin makahinga.
"Tama na, mapapatay mo siya!" sigaw ng isang babae.
"Dianne... Help!" sigaw pa muli ni Trisha.
Sinubukan niyang sikuin ito pero tumawa lang si Charles at hinawakan ang iisang kamay niya ang mga kamay ni Dianne.
Bwisit!
Tagaktak na ang mga pawis ng dalaga ngunit hindi niya iyon inintindi. Maya-maya ay lumuwang din ang braso nito sa leeg niya at sinamantala niya iyon para makahugot ng malalim na hininga.
"Bibitawan kita kung sasama ka sa akin." bulong nito sa tenga niya na mas lalong nagpainit ng kanyang dugo.
"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang guard na pumasok ngunit tinapik lang ng isa sa mga ni Charles ang likod nito bago kindatan.
"Away mag-asawa lang. Hayaan mo na." sagot nito sa guard.
"No, She's hurting my friend." sigaw naman ni Trisha.
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...