Gab's POV
She's still pretty and gorgeous. No doubt if man like me want to steal her heart. Alam kong una palang si Joseph na nag mamay-ari ng puso niya ngunit hindi ako susuko lalo ngayon at nandito siya.
"Hindi ko alam na may maganda na palang restaurant dito sa bayan." halata sa mukha nito ang pagkagulat at paninibago.
"10 years kang nawala. Expect changes Dianne." sagot ko dito habang pinaghila siya ng upuan.
"Well, the town of Maderva change a lot better. Ito palang ang unang labas ko mula nung umuwi ako. Salamat." tinawag ko ang waitress at omurder ng pagkain at isang bote ng wine.
"Masaya akong ako ang unang nag imbita sayong lumabas." sagot ko dito na siyang ikinairap niya. Mataray ee.
"You forced me. Wala akong choice." natawa ako sa dahil sa ginawa nitong pag taas ng kilay niya.
"Alam kong gusto mo rin naman. Tsaka wag mo nga akong pinagtataasan ng kilay. Daig mo pa ang make-up ni maleficent ee." she pouted and its cute. Ano pa ba ang nagagawa ng babaing to.
"So, why do you wanna go out with me?" napangiti ako sa tanong nito. Kinuha pa nito ang wine at ininom baga ako titigan.
"Hindi pa ba obvious? Nililigawan kita." namilog akong mga mata nito at agad na nilonok ang wine.
"Ang presko mo rin no? Nililigawan? Pumayag ba akong ligawan mo?" bakit ba kahit may konting pagkainis na sa mukha nito ay hindi mo pa rin maiiwasan ang tumitig sa mga mata niya.
"Hindi ko naman hinihingi ang approval mo. Whether you like it or not gagawin ko." kinuha ko ang wine at naglagay sa baso ko bago ipinagpatuloy ang pagkain.
"You're unbelievable." umiling-iling ito art halata ang pinipigilang ngiti sa mga labi niya.
"I like you. Bata pa lang tayo alam mo na yan. May konting tampo lang dahil si Joseph ang lagi mong nakikita noon." napabuga ako ng maliit na hangin at tiningnan ito sa mata.
"He is married now. At... Wala na akong paki alam dun. Hindi ko... Ayaw kong pag-usa-"
"Ah, yes. Sorry. Para sa atin ang gabing to. Bakit nga kasi naisipan kong pag usapan yun..." yumuko lang ito at nilaro ang pagkain na nasa pinggan niya. "Hindi mo ba gusto ang food. Pwede kang mag or-"
"It's good. Masarap nga ee. You know what in America, ganito ang lagi kong hinahanap na pagkain. Iba ang steak nila doon kumpara dito." tumango ako bilang pag sang ayun sa sinabi nito.
"Next time, sa bar tayo. May ipinatayo si Magnus dito last year, isa sa mga kaibigan ni Joseph. Kung gusto mo." nakakita ako excitement sa mga mata nito at unti-unting napangiti.
"Really? May bar na rin. I can't wait to go Gab. I'll be waiting that next time." itinuloy na namin ang pagkain at nagkwentohan. Ilang minuto pa ang lumipas at napag desisyonan na naming umuwi. Ihinatid ko ito sa mansiyon.
"Goodnight Gab. Thanks for dinner." nasa tapat na kami ng gate at pinagbuksan iyon ng guard nila. "Pasok na ako. Ingat ka sa pag-uwi." tumalikod na ito at papasok na ngunit pinigilan ko siya.
"Good night lang?" tanong ko dito. Nagsalubong naman ang kilay niya at nagtatanong ang mga mata. "You know i don't accept goodnight without kiss." namilog ang mga mata nito at pinanliitan ako ng mga magaganda niyang mata.
"Dianne!" napalingon kaming sabay nito sa pinanggalingan ng boses na yun. Inalis nito ang mga kamay kong nakahawak sa kanyang braso at napangiting tiningnan ako sa mata. Ilang saglit pa ay dahan-dahan siyang lumapit at binigyan ng maliit na halik sa pisngi.
"Goodnight." ulit nito bago tuluyang pumasok ng gate. Sinulyapan ko si Joseph na nakapamulsa habang matalim na nakatingin sa papasok na si Dianne. Sinundan ko lang ito ng tingin habang naglalakad at sa unti-unting pagsarado ng malaking gate ng mansiyon.
Dianne's POV
Hindi ko ito tinapunan ng tingin habang papasok ng mansiyon. Problema ng Joseph na to? Daig pa ang tatay kung bantayan ang anak. Binuksan ko ang pinto at pumasok nang tuluyan sa mansiyon. Ramdam kong sinundan ako nito mula sa likuran ngunit deretso akong naglakad patungong hagdan.
"Explain!" sigaw ni Joseph. Napahinto ako at nagsimulang manginig ang tuhod ko. Ngayon ko lang ata siya narinig sumigaw. Kahit nanginginig ang tuhod ko ay pinilit kong lingunin ito at sinalubong galit nitong tingin.
"Explain for what?" mahinahon yun at pilit kinalma ang sarili ko.
"It's already 10 pm. Uuwi ka ng ganito kagabi? Gawain ba yan ng isang babae?" matitigas nitong tanong. Napapikit ako lumanghap ng hangin sa kawalan bago ito tiningnan muli.
"Nagdinner kami ni Gab. A date? Hindi namin namalayan ang oras sa sarap ng kwentohan. Happy?" hindi ito nagsalita at tumango lang siya. "Wag kang umasta na parang Daddy kita. Wala na si Daddy ninong. Siya lang ang pwedeng magalit sa gagawin ko. Wag kang paki alam sakin."
"Dianne, you're still inside my house at may karapatan akong magalit sa mga maling nakikita kong ginagawa ng mga tao sa pamamahay ko." mahinahon yun ngunit alam kong galit na galit na ito at nakikita ko yun sa mga mata niya.
"Pamamahay mo na may karapatan ako. Oo, ninang at ninong ko lang ang mga magulang mo. Itinurin nila akong anak. Si Daddy ninong hindi ako pinagalitan kaylan man, Si Mommy ninang lagi akong iniintindi. Kaya wala kang karapan magalit sa akin dahil hindi pa nila ako pinapagalitan." lumapit ito sa akin at hinawakan ang dalawang braso ng mga kamay niya. Madiin ang pagkakahawak nun kaya nasasaktan ako.
"Ibahin mo ako kay Dad, at kung gusto mong gawin ang mga bagay na gusto mo umuwi ka ng America at tumira doon kasama ang Mama ninang mung kasama mong umalis." mahinang bulong yun sa tenga ko ngunit ramdam ko ang galit niya. Yumuko ako at napapikit dahil hindi ko na kayang salubungin ang mga mata nito.
"Nasasaktan ako." napgpumiglas ako ngunit hindi ko maiwaksi ang mga kamay niya. "Joseph..."
"Isa pa Dianne." bulong nito sa tenga ko. Naramdaman ko ang init ng hininga nito na siyang nagpatayo ng mga balahibo ko. Ano ba tong nangyayari sakin? Tuwing lumalapit to ay nawawalan ako ng lakas. Marahas akong binitawan nito at napaatras ako. Hinaplos ko ang braso ko dahil sa sakit na dala ng pagkakahwak nito.
Matalim akong tinitigan nito bago umalis sa harap ko unaunang umakyat sa taas. Dahan-dahan akong napa atras hanggang maramdaman ng paa ko ang hagdan ar napaupo. Gusto kung umiyak. Gusto kong mag-wala. Ngunit wala akong maramdaman. Isa lang ang nasa isip ko ngayon kundi ang makuha ang kagustuham at nais ko bago bumalik ng America. Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi maaari. Hindi ngayon...
Your vote and comment are really appreciated 😍😘
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...