Chapter Six

1 0 0
                                    

Kath's POV

I saw them last night. Pero hindi ako gumawa ng gulo at nanahimik lang ako. Maybe Joseph is just drunk. At sa tingin ko wala na yun sa kanya. Pilit ko pa rin itong pinakitunguhan at hindi sinasabi ang nakita ko.

"Hey, you okay?" napatigil ako sa pag-iisip ng kabigin ni Joseph ang aking kamay.

"Ah, yes. Ayus lang. Sasamahan pa ba kita papunta sa companya mamaya?" tanong ko. Hindi kalayuan ang Manila dito sa hacienda. Pero baka kailangan nito ng tulong.

"No, I'm fine. Isang meeting lang pupuntahan ko doon. Kailangan kong makipagdeal sa isang client." paliwanag nito habang kumakain.

"Alam mo Joseph. Dapat sa mga ganyang bagay, ginagalingan mo. Alam mo naman ang Dad mo nung nabubuhay pa siya, isang client deal agad." paalala naman ni Tita Mara na kaharap namin ngayun na kumakain.

"Yes Tita. Alam mo naman si Dad, matinik na business man." tumawa pa ito ng maalala ang ama.

"Definitely matinik and someone na ginagamit ang utak. Right Joseph?" napaangat pa kaming lahat ng makita kung sino ang dumating at preskong umupo sa tabi ni Tita Mara.

"Dianne, ang aga." sita naman nito sa kanya. Tiningnan ko sa mga mata si Dianne at sinalubong naman niya iyon. Hah! For real, wala akong nakikitang pagkairita sa kanya matapos makipag halikan sa asawa ko kagabi.

"Oo, utak ang ginagamit ni Daddy Ban. Hindi katawan." sabat ko na siyang ikinataas ng kilay niya.

"Are you preferring to yourself?" natatawa pang sagot nito. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor at kung wala lang ibang tao dito ibinato ko na ito sa kanya.

"No, naiisip ko lang yung ibang mga tao jan." pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Stop. Kumain na tayo at nang makapunta na tayo sa ating mga kanya kanyang lakad." pang awat ni Tita Mara.

"You will come with me in Manila." napatigil pa ako sa pagsubo ng kanin kung kanino niya iyon sinabi. Akala ko ba ayos lang siyang mag isa, ngayon aayain niya itong demonyong babaeng to?

"Akala ko ba okay lang sayo na-"

"Kath, she need to learn more for business. She's part of the company soon." tumango naman ako sa paliwanag nito. Learn for business o sadyang gusto mo lang? Matalim kong tiningnan si Dianne na parang nang iinis pa. How i wish na sana hindi nalang ito nakauwi. At paano nga ba ito nakauwi? Bwisit!

Dianne's POV

Wala akong balak samahan tong lalaking to ee. Pero tingnan ko lang itsura ng asawa niya kanina sobrang naiinis na. Paano pa kaya kung landiin ko na at bawiin si Joseph sa kanya. Di pakamatay na yun. Pero alam ko namang di na yun mangyayari. 10 years na ang lumipas at alam kong marami nang nagbago doon. Bata palang kami sa mga ala alang iyon. Baka nakalimutan na din niya ang mga bagay-bagay.

"Mr. Bartly is a big client. I need your cooperation to make him say Yes." papasok na kami sa isang restaurant at umupo sa reserve table.

"What if I use my charm para mapadali nalang ang gusto mo?" tanong ko dito habang hinihintay ito. Nagkasalubong naman ang mga kilay niya.

"Say that once again Dianne at hindi ako hindi ako magdadalawang isip na gahasain ka sa harap ng mga tao." parang bolang lumundag naman ang puso ko sa sinabi nito. Hindi ko alam kung bakit napaka manyakis at brutal nitong magsalita. Napalingon pa ako sa paligid namin kung may nakarinig ba sa sinabi nito.

"Alam mong nagbibiro lang ako pero napaka brutal mo naman atang magsalita!" tila wala pa itong naririnig sa sinasabi ko at abalang binabasa ang menu ng restaurant. "Hello, wala ka bang naririnig?"

"Anjan na siya." tumayo ito at sinalubong ang paparating na matanda. Tumayo narin ako at nakipagkamay sa kanya.

"Have a sit Mr. Bartly." anyaya nito. Umupo naman ito kasama ang secretary niya.

"This is Dianne, she's also the owner of MAc." ngumiti naman ako kasabay ng pagkislap ng aking mata. Hinapit ni Joseph ang bewang ko papalapit sa kanya. "Wag kang magpapacute sa matandang yan." bulong nito. Napairap ako sa kawalan.

"So, Mr. Bartly. We are here to offer you the good service of our company. MA company is one of the biggest company in Asia when it comes to agriculture. At kung saamin kayo oorder ng manggos para sa gagawin niyong manggo caffe, you won't regret. Saktong presyo para sa inyo. Kikita ka pa. At sigurado akong hindi niyo pagsisisihan na lumapit kayo sa amin." nakita ko pa ang pag ngiti ni Joseph sa gilid ng mata ko habang kausap ang client.

"I trust Mr. Ban and he became my friend a year ago. So, why would i say No for his company." sagot nito habang nakangiti.

"So, it's a yes?" i give him my best smile. Kikindatan ko pa sana ito pero may pumisil sa tagiliran ko. Tiningnan ko ito ng masama.

"Yes. It's a yes. Give me the contract at ng mapirmahan ko na." agad na kinuha ni Joseph ang folder sa bag nito at ibinigay kay Mr. Bartly.

Hay! Tapos na din. Pauwi na kami ng Hacienda. Habang nasa biyahe ay hindi ko ito pinapansin. Nasa tabi ko siya at halatang sinusulyapan ang nilalaro ko sa cellphone.

"Hindi ka ba titigil sa kaka pindot ng cellphone mo jan?" sita nito sa akin. Hindi ko lang ito pinansin at hinayaan itong mabagot. Napahikab pa ako dahil pakiramdam ko ano mang oras ay pipikit na ang mga mata ko.

"Will you stop playing. Inaantok kana." inagaw nito ang cellphone ko at inilagay iyon sa kanyang bag. Aangal pa sana ako ngunit wala na akong lakas para makipag away.

Dumikit ito sa akin at kinuha ang ulo ko habang isinandal ito sa balikat niya.

"Take a rest. Gigisingin nalang kita pag naka rating na tayo." sabi pa nito. Inalis ko naman ito ngunit sadya atang makulit ang lalaking to at kinuha ulit yun para isandal sa balikat niya.

"Thanks." sambit ko. Parang natanggal lahat ng pagod ko sa ginawa nito at tanging naa alala ko nalang ay nakangiti akong nakatulog sa balikat niya. It was just like before 10 years ago na lagi akong nakakatulog kapag kasama ko siya.

Your vote and comment are really appreciated 😍😘

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon