Dianne's POV
Wala naman talaga akong balak makipag usap sa mga bisista kahapon. Sino ba naman ang magtiya-tiyagang makipag usap sa mga magsasakang iyon. Hays! Here I am. Buhay probinsiyana. Kailangan ko pang magtiis para maisakatuparan ang plano ko bago bumalik ng America.
Naligo na ako bago pumunta sa kusina. Naabutan ko naman ang mga ito na kumakain na. Wow! Ang saya naman nila. One big happy family. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang ngiti ng mga ito pag ako ang sumira ng umaga nila.
Napansin ko ang babaeng nasa bandang kaliwa ng dinning table at nakahawak sa kamay ni Joseph. Hmmm. Baka nga iyon ang asawa niya. Di naman maganda. Paano niya to nagustuhan? Mas maganda pa ang alaga kong isda sa aquarium.
Lumapit ako sa mga ito. Napansin naman ata ng matandang Mara na ito ang pagdating ko.
"Iha, gising kana pala. Kanina ka pa ginigising ni Yaya minda. Lika na at kumain." anyaya nito. Napalingon naman ang mag asawa sa gawi ko at siyang ngiti ko ng pilit.
"Kahit hindi mo ako yayain kumain, talagang kakain ako at uupo jan sa inuupuan mo." turo ko sa kanya. Nakaupo kasi ito sa dulo ng dinning table kung saan alam kung madalas upuan noon ni Daddy ninong kapag kumakain kami. Hello, she's not a queen here.
"Dianne!" suway naman ni Jospeh na matalim ang tingin sa akin.
"Why? Ayaw mo? Ayaw niyo? Edi jan nalang ako sa upuan ng babaeng yan." turo ko naman sa babaeng katabi niya. "I guess, siya yung asawa mo right?"
"Ay, nako... Sige. Dito ka nalang Dianne." tumayo ang matandang Mara at umupo sa kabilang upuan sa mesa. Napatawa pa ako ng lihim sa itsura nilang tatlo. Well! The evil has come.
Umupo na ako at binigyan naman ako ng pinggan ng isang katulong. Tahimik lang akong kumakain at pasulyap sulyap silang pinagmamasdan.
"Dianne, pupunta ka sa maisan mamaya para bisitahin ang mga nasaka doon. Sisimulan mong maglibot pagkatapos." napatigil ako sa pagsubo ng pagkain sa sinabi ni Joseph.
"Don't tell me what to do Joseph. I am here to get what I need. Gagawin ko kung ano ang gusto ko." sagot ko na siya namang ikinabagsak ng tinidor na hawak niya.
"Hindi mo gugustuhin pag ako na ang nagalit sayo Dianne." tinaasan ko siya ng kilay.
"And you don't want If I pay you back and get revenge." nakita ko ang galit nitong mga mata na nakatitig sa akin. Sinalubong ko ang tingin niyang iyon.
"Stop, Hon. Kumain na tayo. Wag kayung mag away dito." pang aagaw ng atensiyon ng asawa niya sa nag iinit na palitan namin ng salita ni Joseph.
"Listen to your wife Joseph. Nasa hapagkainan nga naman tayo." pang pipikon pa dito at umiwas na ng tingin habang itinuloy ang pagkain.
"I lost my appetite Kath. Sumunod ka nalang sa garden pagkatapos mung kumain." hinalikan pa nito sa noo ang asawa bago padabog na umalis. So, Kath pala ang pangalan niya.
"So, Kath..." agaw ko ng pansin habang siya ay kumakain. Tiningnan naman ako nito kasabay ng pagtingin ni Tandang Mara. "Paano kayo nagkakilala ni Joseph?" ngumiti siya. Eww! Nakikichismis lang ako. Wag kang feeling maging close tayo.
"Ah, sa Company sa Manila. Secretary niya ako. 6 years na kami, 2 years ago lang yung kasal namin. Sayang nga di ka nakapunta-"
"Secretary? So, you are no one?" mapang-asar kong tanong dito habang nakita ko ang gulat sa mata ni Tandang Mara na tumingin sa akin.
"Ninang niya ako Dianne." sambit niya. Napangiti ako ng mapait.
"Yeah. Ninang kanya. Saan ka nga ba galing Tita Mara? Base on my source, pinulot ka lang din ni Dad dito sa Hacienda." well, that's harsh. Di ko mapigilan ee. "Sorry. Baka sabihin din naman ninyong ampun lang ako. Di naman yun bago. Dianne Delevina isang ampun ng Montero. Happy rigt?"
"Kapatid at anak parin ang turin sayo ni Daddy Ban at Joseph." nakangiting usisa ni Kath. Trying to comfort? Tumayo lang ako at pinag taasan siya ng kilay.
"I don't need friendly words or anything." inirapan ko ito bago tinalikuran. No way! A secretary? So, He's been inlove to her secretary? Pathetic Joseph! Pathetic!
Nag-ayus ako at pinaandar ang sasakyan para pumunta na sa maisan. Gusto ko naman talagang pumunta dito ee. Yun nga lang naunahan ako kanina ni Joseph kaya nainis yung tenga ko na parang inuutusan ako. Pagdating ko doon, abala ang mga magsasaka sa pag-aani. Sobrang init. Halos pasado 10 am na pero yung sikat ng araw parang alas dose na ng tanghali. Nagpark ako sa silong ng malaking mangga sa tapat ng medyo may kalakihang kubo. Bumaba ako at may nakita akong isang babaeng matandan na nagpapahinga. Napagod siguro. Pumasok ako sa kubo at napatayo naman ito sa gulat.
"Pasensiya na po Ma'am, babalik na ako. Nagpahinga lang po ako sag-"
"Tawagin mu muna ang mga kasamahan mo. Masyado nang mainit ang sikat ng araw." ngumiti pa ito sa sinabi ko at dali-daling sumigaw para tawagin ang mga kasamahan. Maya maya ay dumating ang mga itong nakayuko na tila natatakot.
"Bat parang takot kayo? Relax! Hindi ako kumakain ng mga madudumi at halos maligo na sa pawis." mas lalo pang napayuko ang mga ito at nagbubulong-bulungan. "Itong kasama niyo kasi dito, nagpapahinga. Samantalang kayo, nagtratrabaho." tiningnan pa nila ang kasama nilang nagtawag sa kanila ng madilim.
"Ma'am, pasensiya na." sagot ng isang dalaga. "Matanda na kasi si mama at hinahayaan lang namin siya kapag nagpapahinga saglit."
"Kung matanda kana ate, wag ka nang magtrabaho at doon ka nalang sa bahay niyo. Kesa nandito ka, pahinga hinga, sayang naman ipapasahod ko." kinuha ko ang shade na nakasabit sa damit ko at isinuot iyon bago umupo sa bangko.
"Kailangan ko po kasi ng pera maam para makapag aral ang dalawa kong malili-" pinutol ko ito sa pagsasalita at hindi na pinansin ang excuses niya.
"Kung tatayo lang kayong lahat jan habang nakayuko at hindi uupo, mauubos ang 15 minutes break at aalsa parin kayong pagod ang paa." sumilay ang pagkagulat sa kanilang mga mata at tumango tango habang unti-unting umupo sa mga upuan dito sa kubo. Pinagmamasdan ko lang sila habang pinapaypay ng kanilang mga sumbrero ang kanilang sariling mukha.
Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang takbo ng oras sa aking relo. Napangiti ako dahil malapit nang matapos ang 15 min. break na ibinigay ko.
"Mga kasama, tara na." sigaw ng isang lalaking may katandaan. Hinayaan ko lang naman ang mga ito at pailing iling nalang na tinitingnan sila habang nagsisialisan na para ipagpautloy ang pag-ani.
Umuwi ako sa mansiyon at nagpaluto sa kusinera ng madaming pagkain. Ipinahatid ko yun sa driver para ibigay sa mga magsasaka.
========
Please vote and comment ❤😍Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...