Chapter thirty

1 0 0
                                    

Iniwan ko si Tita Mara sa hospital para bantayan si Kath. Umuwi muna ako ng mansyon para tingnan si Dianne. Pauwi na ako ng maalala ko ang sinabi ni Kath at Tita Mara kanina.

"Hindi ako makapaniwala na kayang gawin to ni Dianne sakin. Alam niyang buntis ako, pero hindi parin siya nagdalawang isip na ilagay ako sa alanganin. Pababa na ako ng hagdan pero hindi ko akalain na madulas pala yun." kwento ni Kath habang walang tigil sa pag iyak.

"Dianne won't do that. Siya pa nga ang nagdala sayo dito sa hospital diba?" deoensa ko ngunit umiling lamang siya.

"Hindi ka naniniwala dahil wala ka ng mangyari ang lahat Joseph. Nakita ko siya kusina kaya dapat bababa ako para itanong sa kanya kung anong ginagawa niya pero nadulas ako sa hagdan. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng mansyon nang mangyari ang lahat." napatayo ako napasabunot sa aking buhok.

"Why would she do that?" muli kong tanong dahil alam kong hindi kayang gawin ni Dianne ang sinasabi nito. Maaring si Dianne ang may gawa sa sunog sa hacienda, sa mga kabayo pero hindi ang oumatay ng nabubuong bata sa sinapupunan ni Kath.

"At sino sa tingin mo ang pwedeng gumawa nun sa mansyon, maglagay ng mantica sa hagdan para madulas ako. Ang mga katulong ba Joseph? Si Tita Mara? Ang mga guard? Ilang taon na ang mga tauhan sa bahay pero hindi ko sila nakitaan ng masama, maliban nalang mula nung dumating si Dianne."  palakad-lakad ako sa buong kwarto at napapasipa sa kawalan.

May bahagi ng utak at puso ko na nagsasabing maaaring siya nga ang gumawa nun pero may parte parin sakin sa sinasabing hindi niya yun magagawa.

"Joseph, makinig ka sa akin." napatigil ako ng hilain ako ni Tita Mara sa sofang nasa gilid ng kwaeto malapit sa kama ni Kath.
"Nakikita ko sa mata mo ang nararamdaman mo kay Dianne. Alam kong mahal mo siya dahil lagi mong ikwenukwento sa amin ng Daddy mo kung gaano mo siya kamahal. Mula nung magsama kami ng Daddy mo, wala ka nang ibang sinabi sakin kundi ang nararamdaman mo kay Dianne... Pero iho, wag mong hayaang mabulag ka ng pagmamahal mo sa kanya. Ilang taon din siyang nawala at madaming nagbago sa loob ng maraming taon na yun. Maaaring ang pagkakakilala mo sa kanya noon ay iba na ngayon." para akong tinubuan ng napakaraming tinik sa puso na marinig ito mula kay Tita Mara.

May she is right. Siya na ang tumayong nanay ko nung umalis sila ni Mama at kitang kita nga naman ang pagbabago ni Dianne mula nung dumating siya. Kaya rin siguro pinagbabantaan ngayon ang buhay niya dahil mismo sa kagagawan niya.

"Hindi ako nagsalita Joseph. Kung paano ka magalit sa kanya dahil mahal mo siya, kung paano mo siya parusahan dahil mahal mo siya. Alam kong magkatabi kayo matulog pero hindi ako nagsalita dahil alam ko naman na siya ang mahal mo. Siya ang mahal mo at wala akong karapatan na magalit dahil anak lang naman ang merun tayo!" para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Kath.

"Alam ko naman na wala tayong relasyon, nagpapanggap lang na mag asawa at walang halaga sayo. Pero sana kahit ngayon lang Joseph, ipaglaban mo naman ang pagkamatay ng anak natin. Kahit yun lang para sakin." nakita ko ang paghikbi nito bago niyakap ang sarili habang hawak ang pinagsusuntok ang dibdib.

"Kath, stop. I'm sorry... Pero maniwala ka, mahalaga ka sa akin lalong-lalo na sana ang magiging anak natin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung malaman kong buntis ka at ako ang ama. Patawarin mo ako." hinawakan ko ang kamay niya para tigilan ito sa pananakit niya sa kanyang katawan bago siya yakapin.

"Kung itinurin mong mahalaga sayo ang baby, ipaglaban monang pagkamatay niya Joseph. Baka sakaling maniwala pa ako sayo."

Pinagbuksan ako ng gate at ipinarada ang kotse sa harap ng mansyon. Hindi na ako nag abalang ipark yun sa garahe. Binuksan ko ang maindoor ng bahay at nakita ko Dianne na nakaupo sa sofa habang yakap-yakap ang mga tuhod niya at nakayuko. Lumaoit ako ngunit narinig ko ang mahihinang paghikbi nito kaya napatigil ako.

How can I hurt this girl kung makita palang siyang ganito ay nasasaktan na ako. Marinig ko lang ang iyak niya ay para akong nanghihina at gusto nalamang yakapin siya. Tumayo ako sa harapan niya kaya siya napatingala ng maramdaman ang presensya ko.

"Joseph..." bulong nito ngunit tama lang na marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"She's not fine. She's blaming you." mariin siyang napapikit at muling bumagsak ang mga luha sa pisngi nito. Nanginginig ang mga kamay ko dahil gustong punasan ang mga luhang yun ngunit pinipigilan ko.

"Hindi ako. Wala akong kasalanan, maniwala ka... Hindi ko alam ang binibintang niya." napapailing lamang ito habang tumatagaktak parin ang mga luha niya.

"Who else do you think can do this to Kath. Sinadya ang paglalagay ng mantica jan sa hagdan para madulas siya. Sinong gagawa nun dito sa loob ng mansyon? Mga katulong? Si Tita Mara?" nagsalubong ang dalawang kilay nito tiningnan ako ng matalim.

"Hindi ka naniniwala sakin?" tanong nito. Ako din ay hindi ko alam ang sagot ngunit napailing lamang ako. "Akala ko mahal mo ako."

"Hindi dahil mahal kita ay maniniwala na ako sayo Dianne. Mahal kita pero sa lahat ng nangyayari hindi ko na alam kung kaya ko pang maniwala sayo." napayuko ako at mahinahon na nakikipag usap sa kanya. Ayaw kong maki pag away dito dahil oras na masaktan ko siya, alam kong hindi nanaman kakayanin ng puso kong makita yun at susuyuin ko nanaman ito.

"Kung mahal mo ako, hindi ka mahihirapang paniwalaan at magtiwala sa akin. Pero ngayon, naiintindihan ko na Joseph. Ginagamit mo ang pangako ng nakaraan para sabihing mahal mo ako." sinundan ko lamang ito ng tingin habang papalayo siya sakin.

"Nahihirapan ako dahil mahal kita Dianne. Nahihirapan akong paniwalaan ang lahat ng sinabi nila dahil mahal kita at sobrang sakit nun para sa akin." napatigil ito at lumingon muli sa akin.

"Kung mahal mo ako, maniniwala ka sa akin at magtitiwala ka."

"Kung mahal mo ako, hindi mo ako papahirapan na maniwala sayo. Sabihin mo nalang ang totoo." wala na akong magawa kundi pakawalan ang luha na kanina pa gustong malaglag sa aking mata.

"Wala.akong.kasalanan." madidin nitong sabi bago muling tumalikod at naglakad papunta sa kanyang kwarto.

Pabagsak akong umupo sa sofa at napapikit. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung sinong papaniwalaan ko sa mga nangyayari.

Dianne! Sigaw ng utak ko bago sinubukang matulog.

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon