Joseph's POV
Napasuntok ako sa pader. Hindi ko na talaga alam kong anong gagawin ko sa babaeng yun. Ang laki ng pinagbago. Hindi na siya ang Dianne na kilala ko. Hindi na siya ang babaeng minahal ko. Akala ko pagbumalik ito magiging madali lang ang lahat. Maibabalik ang dating ako at siya gaya ng pagkabata. Pinili kong wag magalit kahit iniwan nila kami ni Dad ngunit hindi parin sapat. She become an evil. A beautiful evil rather.
"Iho..." napasabunot nalang ako sa sarili ko bago nilingon si Tita Mara.
"I'm sorry sa nagawa ni Dianne Tita." paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Tumango lang naman ito at inakay ako paupo sa bench malapit sa garden.
"Nakikita ko kay Dianne ang kulang kung bakit siya nagkakaganyan." yumuko lang ako habang pinapakinggan ito. "Marahil may galit siyang itinatanim sa amin."
"Tita, may galit man siya wala akong pakialam. Sampung taon silang nawala si Mama at kayo ang nanjan sa panahong yun. Kaya wala siyang karapatan na saktan o takutin kayo sa gusto niyang paraan." hinaplos nito ang likod ko at pilit na kinakalma ang sitwasyon.
"Hindi mo siya kailangan parusahan. Nabigla lang siguro ako at naiyak kanina. Hindi pa siya nag umagahan at malapit na ang tanghalian. Alam kung nagugutom na yun." binalingan ko si Tita ng tingin. Alam kong mabait ito at mapagpatawad. Alam kong kahit anong gawin ni Dianne sa kanya ay kaya niya itong patawarin.
"No, hayaan mo siyang magutom at magtanda. Just for now Tita. Hayaan niyo muna ako sa desisyon ko." tumango naman siya ngunit hindi kumbinsido ang kanyang mga mata.
Pumunta kami ni Kath sa rantio para kamustahin ang mga kabayo. Tinulungan ko siyang bumaba sa sinakyan nito. Pumasok kami sa bahay ng mga nanganganak na kabayo at nakita namin si Gab. Agad naman itong tumayo at may nakita akong pagkagulat sa mga mata niya ngunit agad din iyong nawala.
"Anjan pala kayo. Nasa bente ata ang nanganganak ngayon ee. Kailangan bantayan." lumapit ito sa amin. Napangiti naman si Kath na sinalubong ito at nakipagbeso.
"Salamat sa pag aalaga pre." ngumiti lang ito bilang sagot sa sinabi ko bago kami naglakad palabas.
"Paano na pala ang maisan? Makakaya kaya ng budget ang mga natirang hindi nasunog?" tanong nito. Napatigil ako sa paglalakad ng maisip kung sino ang may gawa nun.
"Bawi nalang tayo sa prutas kapag walang makikitang income doon." sagot ko.
"Nakausap mo na ba si Dianne tungkol jan Hon?" tanong ni Kath.
"Hindi pa." lumapit ito at niyakap ako sa baywang. "Nag away pa sila ni Tita Mara kanina."
"Sabi nila si Dianne daw ang sumunog sa maisan." napatitig ako kay Gab. Paano ako hindi maniniwala na kaya niyang gawin yun kung yung nakita ko palang na eksena sa kusina kanina ay maaaring kaya nga niya.
"Oo daw ee. Nakita daw nila ang kotse niya malapit sa kubo bago mangyari ang sunog." tinapik ako ni Gab sa balikat.
"Dianne won't do that." napailing ako, pwedeng hindi ka maniniwala dahil kabutihan ang pinapakita niya sayo.
"How sure you are Gab? Hindi na namin alam kung kelan kami pinakitunguhan ni Dianne sa mansiyon ng hindi nagagalit." depensa naman ni Kath na halos sumakit na ang ulo kakaisip.
"Kath, kaibigan ko si Dianne mula pagkabata. Joseph alam mo yan." nagsalubong ang mga kilay ko dahil hindi ko alam kung si Dianne ba talaga ang nakikita namin. Maaaring hindi alam ni Gab ang pagbabago nito dahil hindi niya nakikita ang mga galaw ni Dianne sa mansyon.
"Joseph! May ipapakilala ako sayo." busy ako sa pagbabasa ng libro ng marinig ko si Mama mula sa likuran. Nilingon ko siya at nakita ko ang isang batang babae na nakahawak sa mga kamay niya.
"Anak, halika." sabi naman ni Dad at kinuha ako sa kinauupuan ko.
"She is Dianne Develino. Kapatid mo." napaluhod pa si Mama at Daddy para pantayan kami ng babaeng kaharap ko ngayon.
"Hi, I'm Dianne." inilahad nito ang kamay niya ngunit hindi ko yun kinuha.
"Ma, you are not pregnant before." sagot ko at tiningnan si Mama.
"Joseph, anak siya ng kaibigan ni Mama. Kaya lang nagkasakit si Mama niya tapos namatay. Kawawa naman siya kung walang mag aalaga sa kanya right?" paliwanag ni Dad.
"Wala po ba siyang Daddy?" tanong kong muli. Alam kong masyado pang maaga sa 8 years old na kagaya ko para magtanong tanong ngunit kahit di ko sabihin, ramdam ko ang saya sa puso kong makilala ito.
"Meron. Kaso nasa malayong lugar at hindi na rin namin mahanap. Kaya pwede bang sa atin nalang siya tumira?" ngumiti ako at niyakap si Mama.
"Yes Mama. I'll be a good man to her. I will treat her like a princess, kasi Daddy treat you like a his Queen ee." tumawa naman sila ng marinig iyon mula sa akin.
"I'm Joseph. And from now on, i'll be your body guard. Don't call me kuya okay. I'm not too old for that."
"Why don't you want me to call you kuya. I'm only six ee. Daddy ninong told me, your 2 years older than me. So i should call you kuya." Dianne pouted. It's make her cute.
"No! That's ew." sigaw ko naman dito. "I don't want to have a sister, i want a princess. Get it!" panakaw halik pa ako sa pisngi nito bago tumakbo paakyat ng kwarto. Ayaw ko nga ng kuya ee. Narinig ko nalang nagtawanan si Mama at Daddy sa baba.
"Hon, you okay?" napakurap ako ng kalabitin ako ni Kath at napatigil sa pag-iisip.
"Ah yeah. Sorry." napakamot pa ako ng batok ko ng bumalik ang sistema ng aking pag-iisip.
"Ako nalang ang kakausap kay Dianne kapag nagkita kami. Sigurado akong makikinig siya." napakagat ako sa ibabang labi ko. Si Dianne? Makikinig sa kanya? Kelan pa siya nakinig sayo? Mga bata nga tayo ayaw ka niyang maka- shit! Oo nga pala. Noon yun. Nagdedate na nga pala sila ngayon.
"Thanks Gab. Alam mo, bagay kayo ni Dianne. Kung ikaw lang naman pala ang nakakapag-usap sa kanya ng maayos. I guess you guys are fit-"
"Ah, Kath. Punta nalang tayo sa mga magsasaka. Kausapin natin sila. Baka nag aalala ang mga yun sa kabuhayan nila." may parte ata sa isip ko na naiinis pag usapan ngayon si Dianne. Not now! Masyadong mainit ang ulo ko sa kanya.
"Sure... Sige Gab. Just take care hanna for me aa. Magandang kabayo yan." tumango naman si Gab.
Tiningnan ko kung anong oras na at pasado alas tress na ng hapon.
Bwisit!
Hindi pa yun nagbreakfast at nag lunch. Para naman akong hinahatak ng konsensiya kong bumalik ng mansyon para pakainin siya. Ngunit mas nangingibabaw parin ang pride ko at pag kainis dito.
Your vote and comment are really appreciated 😍😘
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanficSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...