Dianne's POV
Lumabas ako sa kusina at pumunta sa garage. Nakita ko ang guard na nagbabantay doon.
"Ma'am, gising pa pala kayo. Nakita niyo po ba ang bisita ni sir Joseph?" tanong nito.
"Oo ee, Si Trisha. Ay, kuya patulong naman na ayusin yung wi-fi doon sa harap. Parang di gumagana ee." well, pinutol ko lang naman ang isang wire nun.
"sige po ma'am." nauna nang naglakad ang guard at nakita ko namang palabas na nang kusina sina Trisha at manang dala ang maleta ko. "Ano pong sira Ma'am?" tanong nito.
"Paki tingnan naman kuya, hindi ko ma search ee." ibinaba nun ang stand ng signal wifi at nakita ang naputol na wire.
"Ma'am, naputol yung wire. Makhang mahihirapan po tayong ayusin." napakamot pa ako sa aking ulo.
"Dianne, matagal pa ba si Joseph?" tanong ni Trisha sa maindoor. Kinindatan ko naman ito.
"Parang oo ee. Baka bukas pa uwi nun, nasa ospital kasi." kunwari ay sagot ko.
"Ganun ba? Pupunta nalang ako sa bayan, mahahanap ng hotel, balik nalang ako bukas. Aalis na ako." kinindatan ko naman si Manang.
"Ah, samahan ko nalang si Rico jan Ma'am. Ihatid mo nasa garage ang bisita." sagot naman ni Manang.
"Kuya, paki sabi nalang kay manang pag ayus na para katukin nalang ako sa kwarto pagkatapos." paalam ko sa guard.
"Sige Ma'am kung kaya." sagot nito.
Nguniti pa ako kay manang at kinindatan lamang ako. Dali dali kong hinila si Trisha papasok ng bahay at dumaan sa kusina bago tinungo ang garage."Yumuko ka sa passenger sit. Tented naman, di ka makikita jan." sinunod ko naman si Trisha. Pagkarating namin sa gate at hinarang siya ng guard.
"Ma'am, hindi niyo na po ba hihintayin si sir Joseph?" tanong nito.
"Naku, hindi na. Kasi naman ang tagal. Sa bayan nalang muna ako." tumango lang ang gyard bago pinaharurot ni Trisha ang sasakyan. Nang makalagpas kami sa hacienda at lumipat ako sa frontsit para doon umupo.
"Thanks Trisha." napahinga pa ako ng malalim nang tinatahak na namin ang daan papuntang manila.
"It's okay Dianne. Ano na ang balak mo ngayon?" tanong nito.
"Sa hotel muna ako ni Zia, doon muna ako magsstay." tumago lamang si Trisha. Zia is one of my friends from America and she own one of the hotel in Manila.
Tahimik lamang ako sa habang nasa biyahe. Maging si Trisha na maingay ay hindi nagsasalita. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa hotel at nagcheck in. Tinawagan din ni Trisha si Zia kaya sabay-sabay naming tinungo ang room ko. Pagkapasok palang namin doon ay pasalampa kami ni Trisha na umupo sa sofa sa mini living area.
"This is for special guest. Kompleto dito, may kitchen your room and living area. Dito ako tumatambay kapag naiinip ako sa bahay." nakangiting sabi ni Zia.
"Thanks Zia." sagot ko at hinawakan ang kamay niya.
"You can stay here how long as you want." napatawa naman kami ni Trisha. Namiss ko ang dalawang to ee.
"Baka naman malugi ka niyan Zia. Pagbayarin mo naman si Diane." pagbibiro naman ni Trisha na ngayon ay buhay nanaman ang kaingayan.
"Of course, business is business." natatawang sagot ni Zia.
"Sige na nga. Sa kalye nalang ako matutulog." they both laugh when I pouted.
"Let's have a drink para sa success ng pagkakataks ni Trisha sayo Dianne." tumayo si Zia at tinungo ang ref sa maliit na kusina. Bumalik itong may dalang wine at tatlong wineglass.
"So, celebrating and time to tell us what happened Dianne." nilagyan ni Zia ang aming mga glass at nagbigay ng isang shot.
"Cheers." sabi naman ni Trisha.
"Hindi niya ako mahal. Siguro mahal lang niya ang nakaraan at pilit na pinanghahawakan pero... Ang totoo, baka nga si Kath ang mahal niya." tahimik lamang ang mga nito habang nakikinig sa akin. Kinuha ko ang wine glass ko at lumunok ng konte doon.
"Kath? What if he find out the truth about Kath?" tanong ni Trisha.
"I don't know. Pero diba, kung talagang mahal niya ako hindi siya magdadalawang isip na paniwalaan ako." gusto ko nang maiyak dahil bumabalik nanaman yung sakit.
"Ikaw na din ang nagsabi Dianne, yung sumog sa maisan, pag patay ng kabayo. Maybe thats the reason why he was between love and believe." naikwekwento ko at alam nila ang lahat ng ginagawa ko at nangyayari sa akin kaya marami silang alam sa pagkatao ko.
"Nahulog si Kath sa hagdan, itinakbo ko soya sa ospital. Nawala ang baby niya, pero hindi ko akalain na ako ang pagbibintangan niyang naglagay ng matika sa hagdan para mahulog siya." tumulo na ang luha ko sa sakit ng nararamdaman ko.
"Oh my God. At inisip talaga ni Joseph na kasalanan mo yun? Naniwala siya sa sinabi ni Kath?" nanggigigil na sabi ni
Trisha."That's really hard to Joseph. Lalo na kung hindi niya alam ang totoo tungkol sa Kath na yan." kalmado naman sabi ni Zia.
"Wala akong balak sabihin kay Joseph. Isa pa sila lang naman ang pinapaniwalaan nila. Wala na akong paki alam sa mana-mana. Babalik na ako ng America! Bahala na siya sa buhay niya!" naglagay pa ako ng wine sa baso ko at ininom iyon.
"Dianne, pagtatawanan ka nila pagdika lumaban. Ipaglaban mo kung anong sayo." itinaas pa ni Trisha ang baso niya bago siya uminom.
"I don't know. Hindi ko alam kung paano. Nasimulan ko na pero nahihirapan akong ituloy. Lalo na ngayon, wala naman sa plano ko ang idamay ang baby ni Kath. Akala ko nga hindi yun magiging problema ee. Pero tingnan mo!" napakamot nalang akonsa batok ko bago ininom ang natitirang wine sa baso.
"You can't just run away Dianne. Bumalik ka because you have your purpose. Sinimulan mo, tapusin mo. Tutulungan ka naman namin ee. Okay!" napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Zia. Alam ko naman na hindi nila ako papabayaan ee.
"C'mon, mag isip isip ka muna. Pwede mong ituloy ang plano kahit hindi ka bumalik ng mansyon. Ipakita mo kay Joseph na karapatan mo pa rin makuha ang heritance na ibinigay ng ng Daddy ninong mo." tama naman si Trisha ee. Pwede kung gawin ang plano ko kahit wala sa mansyon. Pero mas nababantayan ko ang bawat galaw nila doon. Pwede akong gumalaw ng hindi nila napapansin.
"Your right Trisha. Pero hindi lang ito tungkol sa heritance. Madaming rason kung bakit kailangan nasa mansyon ako. Mas magaan ang trabaho." napapikit ako at sumandal sa backrest ng sofa.
"Dianne, mababantayan mo ang galaw nila pero bantay sarado ka naman kay Joseph." ayan nanaman si Trisha.
"Baka si Joseph ang babantayan!" nagtawanan pa ang dalawa at sabay akong tiningnan.
"Alam niyo, gabi na. Inaantok na ako. Magsilayas na kayo. Ubos na ang wine." naglakad na ako papunta sa bed ko.
"Okay. Kung may kailangan ka Dianne, no need to go out. Just call the given number, connected yan sa front desk. Sila na ang bahala dahil may mini store kami sa likod." bilin pa ni Zia bago sila lumabas na Trisha.
"Okay." sagot ko bago tuluyang dinalaw ng ipinikit ang mata.
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...