Chapter eighteen

2 0 0
                                    

Joseph's POV

Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang mga sinabi ni Dianne kanina. Ibig sabihin, naiinis siya nung mga bata kami dahil sa lagi kong pagbantay sa kanya?

Shit!

Timang ba siya. Ayaw niya pala ng binabantayan siya noong mga bata kami bakit lagi niyang tinatawag ang pangalan ko noon tuwing natatakot siya.

Arte arte ng babaeng yun. Pasalamat siya binantayan ko siya noon. Lagi akong nakabuntot sa kanya. Dahil kung hindi, malamang mukha na siyang ginadgad na kahoy ngayon.

"Joseph!" sigaw ni Dianne. Patakbo akong lumaoit sa kanya. Nanginginig ang mga tuhod niya. "Joseph, may aso." umiiyak na ito dahil sa takot. Nakita ko sa harapan niya ang maitim na asong itim. Galit na galit yun at ano mang oras na gumalaw si Dianne at kakagat ito.

"Hey... Okay! Dianne relax. Don't move okay." tumango lang siya habang unti unti akong lumalapit sa kanya.

Unang hakbang. Okay, don't bark.

Pangalawang hakbang...

Pangatlong hakbang...

Isa nalang at malapit na ako kay Dianne. Panghuling hak-

"Arff..arff.." tahol ng aso. Mas lalong napahagol-gol si Dianne dahil sa gulat.

"Dianne, stay. Don't move." tinitigan ko ang asong nagpapalipat lipat ng tingin sa amin.
"Hey.. C'mon buddy... Sit..sit..okay." pang aamo ko sa aso. Kumurap pa ang aso. Tinanggal ko ang slipper ko at pinakita yun sa aso. "C'mon buddy. Let play okay... One, two, three." ibinato ko ang slipper ko sa malayo at hinabol iyon ng aso. Agad akong lumapit kay Dianne at niyakap siya.

"Natatakot ako." hirap nitong sambit sa ginta ng hagulgol nito.

"Shh. Stop crying okay. Wala na yung aso." pinunasan ko ang mukha nito at inaya na ito pabalik ng mansyon.

Sana hinayaan ko nalang siyang makagat ng aso. Ayaw pala ng binabantayan ee.

"Mommy ninang... Daddy ninong" sigaw niya sa kusina. Hayst! Ang ingay. Muli kong tinakpan ng unan ang tenga ko para hindi na marinig ang pag sisigaw sigaw niya.

"Mommy...Ay! Ah!" bumaba ako ng kama at tinungo ang kusina. Nakayuko akong naglalakad sa hagdan ng makaamoy ako ng amoy sunog na popcorn.

"Dianne!" sigaw ko ng makita itong ginagawang shield ang pantakip ng kaldero. "What are you doing?" naiiritang tanong ko dito. Maya-maya ay lumapit siya sa stove. Malapit na siya ng masilayan kong parang lumalaki ang apoy nito. Ano mang oras ay liliyab iyon. Patakbo akong lumapit sa kanya at hinila palayo ngunit hindi pa kami nakakalayo ng sobra ay lumiyab na nga ito. Dumapa kaming dalawa para hindi maabutan ng apoy pero sadyang natamaan parin ang damit ko ng konte sa laylayan kaya gumulong ako.

"Ano ba kasing ginawa mo Dianne?" tanong ni Mama sa kanya habang nasa sala kami at nilalagyan nila ng gamot ang konteng nasunog sa likod ko. Konte lang naman yun. Wala pang isang mapa.

"I'm trying to get the pan pero tumatalsik po kasi ang popcorn. I just wanna cook merienda for Joseph." sagot nitong umiiyak habang nakayuko.

"You should call yaya to do that." hindi naman galit ang tinig ni Mama sa kanya ngunit di maiwasan ang pag aalala sa kanyang mukha.

"Thanks Joseph." tumayo pa siya para yakapin ako.

Ah! See. May payakap yakap pa siya noon. Putang lupa lang aa. Padabog akong bumaba sa kotse at pinuntahan si Gab sa kubo habang pinapanood ang mga magsasaka.

"Makakabawi na siguro tayo ngayong cropping." bungad nito sa akin.

"That's good to hear." umupo ako sa tabi niya at inalis ang sun glasses ko.

"Di mo pa ba papalabasin si Dianne?" napabuntong hininga ako. Dianne na kanina ang iniisip ko, Dianne nanaman ang usapan pagdating ko dito.

"No. Hayaan mo siyang mabagot sa mansyon." tumawa siya ng mahinahon at napailing.

"You know I miss her." pinag cross ko ang mga braso ko sa aking dibdib.

"Are you courting her?" alam ko ang sagot. Gusto ko lang manggaling sa kanya.

"Yes. I like her. Even before." tumango ako dahil alam ko naman yun. "Pero mas gusto ka niya noon. Time for us?"

"Not really sure. I like her too. I'm sorry." hindi naman basta ganun nalang Gab. I am her man before, I will be her man until now.

"Buntis si Kath diba?" tiningnan ko ito. "Paano siya?"

"Kath is bearing my child. Pero hindi ko siya kayang mahalin Gab."

Ouch!

Napasalampak naman ako sa lupa! At hindi yun mangyayari kong hindi ako sinuntok ni Gab. Gago na to.

"Fuck Gab! What are you doing?" tumayo ako at pinagpag ang damit ko.

"You are a shit man. Binuntis mo pero hindi mo papanagutan. Pre, magpakalalaki ka naman." napadura ako dahil natikman ko ang dugo sa gilid ng bibig ko.

"Gab listen. Yung nangyari sa amin ni Kath, it was unexpected. Isa pa, alam ni Kath yun." napaupo itong muli.

"Joseph, kaibigan ko si Kath. At ayaw kong nakikitang nasasaktan siya."

"I know. Pero Gab, mas lalo ko lang siyang masasaktan pag sinabi kong mahal ko siya kahit hindi naman. Mas unfair yun para sa kanya." napamaywang ako at napapahawak sa bibig ko.

"Be a man pre. Don't do that to Kath. Please." alam kong nasasaktan ito para sa kaibigan niya, pero God! I can't.

"Joseph, si Kath nga pala. Kaibigan ko." pakilala nito sa akin sa isang babae.

"Hai, I'm Joseph." inilahad ko ang kamay ko dito at inabot naman niya iyon.

"Kath."

Nakilala ko siya dahil kay Gab. Pero utang na loob naman, hindi ko siya kailanman na gustuhan. Oo, maganda naman si Kath, may nakaka akit na mata, maputing kutis. Pero si Dianne parin ang lagi kong hinihintay.

"Bago ako mamatay, gusto kong ikasal ka Joseph. Gusto kong magkapamilya ka bago mo makuha ang mana mo sa akin." napabitaw ako sa tinidor sa sinabi ni Dad.

"Dad, I don't wanna get married at this age. Im only 25. I...I can manage the company without a wife. Ano ba namang pabor yan Dad." that's insane... 25 years old magpapakasal. Hindi basta basta nakakapulot ng babae sa kalsada.

"Kath is the girl i want you to marry. She's beautiful and hardworking." nanlaki pa ang mga mata ko. Si Kath? Haha!! Sa pagkaka alam ko, girlfriend na yun Gab ngayon dahil lagi silang nagdedate. Hindi yun normal sa magkaibigan lang.

"Girlfriend yun ni Gab." tumawa naman si Dad.

"Kahit na. Tommorow, I will announce your weeding."

Dad announce that I'm already married to Kath. Nagulat ako sa mga kumalat sa media. Dad will always make his way para maitulak ako sa ayaw kong gawin.

"Where is Dad?" tanong ko kay Tita Mara na umiiyak.

"Nasa loob, malubha na ang lagay niya. Gusto ka niyang makausap." pumasok ako sa loob at nakita ko ang mahina na niyang katawan na nakahiga sa kama.

"Dad, please..." hinawakan ko ang kamay nito.

"Promise me Joseph that you will marry her. Ayaw kong tumanda ka ng walang kasama sa buhay." tumango na lamang ako dahil alam kong nahihirapan na siyang huminga.

"Dad, Please. Wag nang magsalita."

Mabilis akong nagpatakbo ng sasakyan hanggang marating ko ang mansyon. Shit! Nakaka baliw na. Bakit pa kasi pinabayaan ko lang ang gusto ni Dad. Sana hindi na nadamay si Kath dito. Sana, hindi ako naitutulak sa isang bagay na ayaw ko ngayon. Putek!

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon