Chapter twenty-nine

1 0 0
                                    

Dianne's POV

Three days after what happened to me and Joseph pero hindi ko siya pinapansin, kapag dumadating siya ay nagkukunwari akongntulog o kaya naliligo sa cr. Minsan naman ay nag busy busy'han sa pagbabasa ng libro.

Naiinis ako dahil kasama niya si Kath pamuntang companya at umuwi sila ng 10 pm!

10 pm!!

Ano yun? Nag dinner muna o nag dinner date? Dont me.

Pumunta ako sa likod ng bahay at pumasok  sa gym ni Joseph, pinaki alaman ko ang mga exercise materials niya. Nagpakapawis na lamang ako doon ng mmahigit isang oras. Ang yabang ee! Body fit pala aa, eh sexy naman ako. Andaya mo nga niya ee, pinag samantalahan niya ang sexy kong katawan nong natutulog ako.

Manyak! Pero gusto mo naman Dianne.

Inayos ko na ang mga ginamit ko at nagpahangin muna ng ilang sandali dahil sa sobrang pawis. Kinuha ko ang bimpo at naglakad habang nagpupunas papuntang kusina.

"Ouch-" napatigil ako nang makabangga ng braso si Tandang Mara. "Sorry."

"A...ayus lang iha." sagot nito. Napatingin naman ako sa dala nito kaya nangunot ang aking noo ng makita yun.

"What's that?" pairap kong tanong sa kanya.

"Ah, itatapon ko. Wala na kasing laman ee." naglakad na ito papalayo kaya napakibit balikat na lamang ako.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref at nakita ko ang malamig na tubig doon kaya kinuha ko at uminom.

"Ma'am, nagpagawa po si sir Joseph kanina ng pizza. Gusto niyo pong tikman? Nakakain na po kasi sila Madam Mara, ikaw nalang ang hindi." napangiti naman ako sa katulong bago ito tinanguhan. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang pinakamatandang katulong dito sa mansyon at laging ka chikahan ni Tandang Mara.

Maya-maya ay inilapag nito ang plato na may pizza sa harap ko. Umupo ako para tikman iyon. Nakapangalawang kagat na ako ng mamalayan kong hindi pala ito umalis at nakatitig lamang sa akin habang kumakain.

"May problema po ba?" kunot noo kong tanong sa katulong.

"Pangalawang titig ko na sa mukha niyo Ma'am, ang ganda ganda niyo talaga." puri nito na para pang naiinlove. Tomboy ba ang matandang katulong na to?

"Sa...salamat po." pilit ngiti kong pasasalamat dito.

"Alam mo ba Ma'am noong isang gabi, nakita ko si sir Joseph sa tapat ng kwarto niyo. Palakad-lakad nga ee, noong katatapos niyong mag away. Hindi nga ako makatulog noon dahil naistorbo ang rest time ko." nanlaki ang mga mata kong tiningnan ito at tinaasan ng kilay.

"Sinisisi mo ba ako sa pag istorbo ko nang tulog mo, PO?" pinandiinan ko ang salitang  PO para naman may konting paggalang.

"Nako hindi po ma'am. Si sir Joseph po kasi, parang hindi siya mapakali noon kaya nilapitan ko siya. Nagulat nga ako ng papasukin niya ako sa kwarto niya ee. Sabi niya bibihisan daw kita, pero kaya pala hindi mapakali si sir, natanggal na niya ang dress mo. Sabi ko nga sa kanya bago umalis, wag niyang bubuksan kong hindi niya kakaini-"

Napa-ubo pa ako sa sinabi nito na para bang may bumara sa lalamunan ko kaya napainom ako ng maraming tubig.

"Umalis kana. Salamat po sa kwento." nagmadali naman itong umalis sa harap ko at nagtungo sa likuran ng bahay.

Sarap kutasan ni manang ee. Dami-daming kwento. Tinapos ko na ang pagkain sa pizza at nilagay sa lababo ang pinggan.

"Ah...ah.. Help." nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Kath at nagsisigaw. Tumakbo akong pumunta sa pinanggalingan ng tinig niya at nakita ko siya sa dulo ng hagdan na nakahandusay.

"Kath, what happe-" napatakip pa ako sa bibig ko nang makita ang kamay niyang nangingig at may dugong pumatak. "God..." bulalas ko hanggang makita ko nalang ang mga paa kong lumapit at inalalayan ang likod niya.

"Dianne, tulunga-" naiiyak nitong sabi kaya inalo ko ang kanyang likod para pakalmahin.

"Guard! Guard!"  malakas kong sigaw. Maya-maya pa ay dumating na sila. Wala pa akong sinasabi ay binuhat na nila si Kath bago dalhin sa Van. Sumama na ako para alalayan si Kath sa loob.

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa hospital, nasa loob siya ngayon ng isang kwarto habang inoobserba ng Doctor. Hindi naman kami iniwan ng dalawang guard at sinamahan akong maghintay.

Palakad lakad ako sa hallway at hindi mapakali sa pag aantay. Ilang minuto ang lumipas ng magbukas ang pinto ng kwarto niya at niluwa nun ang Doctor.

"Relative po kayo ng patient?" tanong nito kaya tumango ako. "Masyado atang mataas ang hagdan na kinahulugan ng pasyente at madaming dugo ang lumabas mula sa kanya. I'm sorry Ma'am, the mother survive but the child was not. Pasensiya na po."

Nanginginig akong napa-upo sa silyang nasa gilid habang hindi ko na namamlayan ang paglandas ng luha ko sa aking pisngi. Hindi ko maiwasang malungkot at mag alala sa kalagayan ni Kath ngayon. Pinatawagan ko si Joseph sa guard. Nauna akong pumasok sa loob para tingnan siya. Hindi pa man ito nagigising ngunit paglapit ko sa kam niya ay nakita kong gumalaw ang kanyang ulo habang dahan-dahan na iminulat ang mata.

"Dianne..." bulong nito. Napayuko ako dahil ayaw kong makita niya ang pag iyak ko. Ayaw kong ako ang magsabi sa kanya na wala na ang baby nito. "Kamusta ang baby ko?" tanong nito bago napaupo sa kama at kinapa kapa ang tiyan.

Hindi ko siya sinagot dahil umuurong ang dila ko at pinipigilan ang mga luhang dumadaloy sa sa aking pisngi.

"No!" sigaw niya na siyang dumagondong sa buong kwarto. Tingnan ko siya at napailing-iling lamang ang ulo nito habang umiiyak. "No... Hindi pwede, sabihin mong hindi yan totoo Dianne. Sabihin mo!"

Napahikbi nalang ako at napayakap sa sarili. Gustohin ko mang lapitan siya para yakapin ay tila hindi na kayang gumalaw ng paa ko.

"Dianne... Kath?" napalingon ako kay Joseph na kararating lamang. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Napabitaw din siya agad ng makita si Kath sa kama na umiiyak. Naglakad siya para lapitan si Kath.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito! Walang hiya ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" sigaw ni Kath sa gitna ng pag iyak habang itinuturo ako.

Dahan-dahan akong nilingon ni Joseph at magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin. Umiling ako dahil tila nag tatanong ang mga mata niya.

"Pagsisisihan mo to Dianne. Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa anak ko!" napalingon ako kay Kath na halos hindi na makahinga sa kaka-iyak. Nilapitan siya ni Joseph at niyakap ito ng mahigpit habang pinupunasan ang mga luhang bumabagsak sa pisngi ni Kath.

Nasapo ko ang dibdib ko dahil parang naninikip ito at hindi makahinga. Paatras akong naglakad hanggang tumama sa likod ko ang pinto ng kwarto kaya binuksan ko iyon para lumabas. Tagaktak ang luha ko at paulit-ulit akong napapabuntong-hininga. Naglakad lamang ako ng deretso at hindi alam kong saan ang tinutungo ng mga paa ko. Parang wala ako sa sariling nakarating sa harap ng hospital.

Ibinagsak ko ang aking sarili sa isang sulok habang patuloy na umiiyak. Napayakap ako sa mga tuhod ko at pintong doon ang ulo ko para maitago ang mukha sa lahat ng mga dumadaan.

Bakit parang kasalanan ko?

Bakit kong paano niya ako tingnan kanina ay kasalanan ko ang nangyari kay Kath?

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon