Chapter Five

1 0 0
                                    

Joseph's POV

Kasalukuyan kaming naghahanda ng pagkain sa kusina kasama si Kath ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto mula sa sala. Nilingon ko kung sino yun at nakita ko si Dianne na parang wala sa sarili habang nakayuko papuntang hagdag. Aapak na ito sa unang baintang ng hagdanan ngunit tinawag ko siya dahilan para magising sa kung ano man ang iniisip nito.

"Bat parang wala ka sa sarili mo?" tanong ko. Lumingon naman siya ng tila gulat ngunit nawala din ang reaksyon ng kanyang mukha ng makita si Kath sa gilid ko.

"C'mon. Nagsumbong na ba yang asawa mo kaya tinatawag mo ako? Wala akong panahon jan." sagot nito.

"Nakakahiya ang ginawa mo sa harap ng mga trabador." kinalma ko ang sarili dahil alam kong hindi ito magpapatalo.

"Ako pa ang nakakahiya? Bakit di mo sabihin yan sa asawa mong masyadong pasipsip." itinuro pa ng mga daliri niya si Kath na nakayuko kaya nilapitan ko ito at inakbayan.

"Dianne pwede ba. Simula dumating ka dito wala ka nang ibang ginawa kundi manira ng araw. Pati si Tita Mara di mo nererespeto." galit ako pero sinusubukan kong kumalma dahil nakikita ko nanaman ang nagpupumigil niyang galit.

"Bakit ko naman rerespetuhin ang matandang yun Joseph? Hindi ako uto-uto. At yang asawa mong iiyak-iyak jan sa braso mo..." lumapit ito sa amin at akmang sasabunutan si Kath ngunit tinabig ko ang kamay niya at naitulak ko siya. Napaupo ito sa sahig ngunit agad din nakatayo.

"I'm sorry... Dianne..." nagngitngit ang kanyang mga ngipin at tiningnan ako ng matalim.

"Ito ang tatandaan mo Kath, wag na wag ka nang hihiwalay jan sa awasa mo at magpapakita sa akin kung ayaw mong makalbo. You will pay for this!" banta pa niya at tuluyan nang umakyat sa kwarto. Tiningnan ko si Kath na namumula na ang mga mata dahil sa luhang bumabagsak sa kanyang pisngi.

"You okay?" tanong ko at tumango lang ito. "Let's go. Kakausapin ko nalang siya mamaya"

"No, ah... Wag na Hon. Baka mas lalo lang magalit yun. Hayaan muna siya." ngumiti nalang ako dito bilang pagsang-ayon kayat hinila ko na ito pabalik ng kusina.

Dianne's POV

Ang kapal ng mukha ng babaeng yun na iiyak-iyak sa harap ni Joseph. Nagpapaawa ba yun? Hindi ako makatulog at pagulong gulong lang ako sa kama. Halos mag aalas dose na ng gabi pero hindi ko parin matulugan ang ginawa ni Joseph na maitulak ako kanina. Napahaplos pa ako sa pwet ko dahil yun ang unang bumagsak kanina. Medyo masakit ang pagkakabagsak ee.

Pinakiramdaman ko ang buong paligid ng mansiyon kong may ingay pa sa labas. Ngunit tila wala na kaya lumabas ako at dahan-dahan na bumaba para kumain na din. Napahawak naman ako sa aking dibdib ng wala akong taong madatnan doon. Pero pagbukas ko palang ng ref ay may naramdaman na akong tao na nakatayo sa lirukan ko. Binitawan ko ang adobong nakalagay sa tupperware at muling binalik yun sa ref bago isara at hirap ito.

"You're hungry? Bakit mo binalik?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Umiling na lang ako at umupo sa stole bar.

"Binabantayan mo ba lahat ng galaw ko?" tanong ko at walang ganang tiningnan siya.

"Kanina pa ako sa sala." itinuro pa nito ang sala gamit ang nguso niya. Nilingon ko doon at may nakita akong mga can ng beer.

"Okay. Matutulog nalang ako ulit." tatayo na ako ngunit hinila nito ang kamay ko at pilit muling pinaupo.

"Stay. Di ka pa kumakain." utos nito. Sinundan ko ng tingin ang galaw niya at kinuhang muli ang tupperware na may lamang adobo at inilagay yun sa harap ko. Kumuha ng kanin at tubig. "Eat." muli nitong utos ngunit tinitigan ko lang siyang umupo sa harap ko.

"Hindi na." sagot ko dito. Tumayo na ako ngunit muli siyang nagsalita.

"Matutulog ka ngayon sa labas." nagulat ako dito at pinanliitan ko siya ng mata.

"You can't do that." matigas kong sabi ngunit wala siyang sinayang na paliwanag. Nakita kong kinuha niya ang kanyang cellphone. "No, okay! Fine... Kakain na nga sabi ko ee."

"Hinahayaan kita sa lahat ng ginagawa mo Dianne. Pero wag ako ang sinusuway mo." umupo ako at mahigpit na kinuha ang kutsara ang tinidor. Sinimulan ko na ang pagkain at hindi na siya pinansin.

Nakayuko lang ako dahil nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig ng kanyang namumulang mata dahil sa rin siguro sa nainom nitong beer. Matapos kong kumain ay dali-dali akong tumayo ngunit pinigilan nanaman ako nito.

"Who do you think will fix this?" tukoy nito sa pinagkainan ko.

"Mga katulong. Ayusin nalang nila bukas." mataray kong sagot.

"Ayusin mo at hugasan mo." mahina ngunit mautos nitong sabi.

"What? Ako? Wash the plate? No way Joseph." umiling iling pa ako at ngumiti ng mapait.

"I can call the guard now. Hindi ako ang bubuhat sayo palabas kundi sila." padabog kong kinuha ang mga pinagkainan ko at dinala sa lababo. Di ba ako tatantanan ng lalaking to.

"You know what! Daig mo pa noon si Daddy ninong kung utusan ako. Si Daddy ninong nagagalit lang. Ikaw, papatulugin mo ako sa labas? God Joseph. That's insane. You can't do that. Tapos ngayon pinaghuhugas mo pa ako ng plato. How dare you! Sana di nalang ako bumaba." nagsasalita ako at nagrereklamo habang nag huhugas. Patapos na ako ng mapansin kong hindi ito nagsasalita kayat nilingon ko siya.

"You're sexy." pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa ilang minuto kong nakatalikod at naghuhugas ganun din pala katagal ito na katitig sa likod ko. Ang worst, sa pang upo ko.

"Manyak!" bulyaw ko sa kanya at hininagis ang natitirang tubig sa mga kamay ko sa kanyang mukha. Sasampalin ko pa sa ito ngunit hinila niya ako at napaupo sa kandungan nito. Kinabahan ako sa hawak niya sa bewang ko. Hindi ko alam ngunit ang mga titig niya ay tila napatigil ang sistema ng utak ko upang itulak siya.

Mas lalo pa akong nanlamig ng tumitig ito sa dibdib ko. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya sa aking bewang kaya napabuntong hininga ako. Tumaas ang tingin nito hanggang magtama ang aming mga mata. Hindi ako makagalaw. Gusto kong tumayo ngunit pinipigilan ako ng mga binti ko sa panginginig. Unti-unti nitong nilapit ang kanyang mukha hanggang sa kusa na ako napapikit at naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kanyang malalambot na labi. Walang gumagalaw at nanatili lang na magkadikit ang aming labi. Gumalaw ang kamay nito at kinulong ang aking mukha sa mga palad niya. Doon ko nalang ito naitulak at patakbong umakyat  sa kwarto.

Hawak-hawak ko ang aking dibdib dahil sa sobrang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba. Ilang beses pa akong huminga ng malalim na parang napagod sa pagtakbo ng ilang metro.

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na natulog habang hawak ang aking labi.

Your vote and comment are really appreciated 😍😘

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon