Dianne's POV
Tumawa si Joseph sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa? Pinagtatawanan ako dahil para akong kabit nito.
"You like me right?" tanong nito habang nakangiti. Inis kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko at umayos ng upo. I cleared my throat.
"No."
"Pero ayaw mong maging kabit."
"Sino may gusto nun?"
"Hindi ka kailanman naging kabit sa paningin ko..Kath and I." itinaas nito ang kanang kamay niya at tiningnan ko ang bawat daliri nito. Walang singsing na nakalagay doon. "We are not married."
"But she always called you hon." napapailing ako at hindi makapaniwala.
"She used to say that because we are pretending infront of others. Gusto kasi ni Dad na ikasal muna ako sakanya bago siya mawala. Pero umayaw ako, kaso na broadcast na ni Dad na kasal na kami. Issue is become the topic of Media. Kaya nagpanggap nalang kami. Even infront of the farmers." napasandal ako sa headrest ng sasakyan at napabunting hininga.
"Pero ikaw ba talaga ang ama ng dinadala niya?"
"I don't know. But I'm drunk when we slept together. Wala akong maalala sa nangyari." para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan ko. May gusto akong sabihin pero bakit parang ayaw lumabas sa bibig ko.
"Kaya pala yung nasa last will ni Daddy ninong dapat mag asawa ako bago makuha ang mana ko." wala naman sana sa isip ko ang sabihin yun ngunit wala na akong masabi.
"Is that really the reason why you came here?"
"Sa tingin mo?" yumuko ako. Hindi ko alam kung yun lang ba ang tingin nito sa akin.
"No. Alam kong hindi importante sayo ang pera, lupa o ano pa man. I know you Dianne." tumingin ako sa labas at ibinaba ang bintana ng kotse.
"Paano kung hindi na ako yung Dianne na kilala mo? 10 years Joseph. Sa sampung taon madaming nagbabago. Madaming nangyayari."
"Pero hindi ang nararamdaman ko para sayo. Yun lang ang sigurado kong hindi nagbago." He leaned his head on the headrest and started to close his eyes. "Umalis kayo ni Mama ng walang paalam. Hindi mo alam kung gaano ako nalungkot Dianne. Praying everday that one time, you will knock at door of my bed. Ilang taon akong umasa na makakasabay ulit kitang pumasok sa school, makakasabay magmerienda at gumawa ng assignments."
Nakapikit lang siya habang may luhang lumalandas sa bahagi ng kanyang pisngi. Gusto kong punasan ang mga luhang yun pero nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko maigalaw. I can't help but to stare at him.
"We promise to each other before Dianne. Yun ang pinanghawakan ko, kaya noong bumalik ka ang saya ko. But I was wrong, because Dianne infront of me right now is different."
Valentine's day. Uso ang JS prom. He is already fourth year highschool and I'm third year. He is my first and last dance of that night. Pero akala ko sa 5 hours na celebration ng JS prom namin, dun na matatapos ang lahat. Nakauwi na kami ng mansyon ngunit hinila niya ako papunta sa garden. Narinig ko ang tugtog na napakasarap sa tenga. Nakita ko ang garden na punong-puno ng red balloons at mga petals ng roses na nagkalat sa bermuda grass. Kinuha nito ang isang fresh redrose sa table at ibinigay iyon sa akin.
"Can I have this special dance again?" tanong nito habang iniaabot ang bulaklak. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa pagkakataong iyon. Tumango ako at inabot ang redrose.
Humawak ang dalawang kamay niya sa baywang ko at inilagay ang mga kamay ko sa leeg nito. Sumasayaw kami ng sandaling iyon na para bang nasa himpapawid. Labis akong kinikilig ng ilapit niya ang kanyang mukha sa tenga ko at maramdaman ang mainit na hangin na nagmumula sa kanyang bibig.
"Did I tell you that you're really beautiful tonight?" para may kuryenteng dumaloy sa bawat ugat ng katawan ko sa sinabi nito ngunit pilit akong umiling sa tanong niya.
"Youre beautiful tonight but your perfectly beautiful everyday Dianne." hindi ko alam ngunit parang may sariling isip ang aking mga paa at kusang mas lumapit pa sa kanya hanggang magdikit ang aming mga katawan. "Alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ang nararamdaman ko sayo, but i promise to wait you. Dahil kapag college kana, liligawan kita. I love you Dianne."Lumayo ako ng konte dito at tinitigan ang mga mata niya. Kulang nalang atang mapunit ang labi ko sa sobrang ngiti dala ng kilig na nararamdaman ko. "Promise? Hindi ka maghahanap ng iba?" tanong ko.
"I promise. Can you promise me the same?" iniangat niya ang kanyang kamay at hinawi ang mga buhok na sumasagi sa aking pisngi bago ikawit iyon sa likod ng aking tenga.
"Pangako, hindi ako titingin sa iba at hihintayin kita." niyakap niya ako ng mahigpit at binigyan ng halik sa noo.
"Dahil akala ko kinalimutan mo na ang pangakong yun. Noong nalaman ko ang balitang ikinasal kana, sobra akong nasaktan at nagalit sa sarili ko kung bakit iniwan kita. Bumalik ako para saktan ka, pero mas lalo pala akong nasasaktan tuwing nakikita kitang nagagalit sa akin. At sa tuwing lumalapit ka, nawawala ako sa sarili ko at nakakalimutan kong may asawa kana. Joseph, magkaka anak na kayo ni Kath." hindi ko mapigilan ang paghikbi ko ngayon. Pinilipilit ng sarili na wag umiyak pero ang hirap pagdating sa usapang nararamdaman sa lalaking kasama ko ngayon.
"Mali ba na mahalin kita at tama na panindigan si Kath? Dianne, maninindigan ako bilang ama sa magiging anak namin, pero hindi ko kayang manindigan kung sasabihin mong dapat mahalin ko din siya." pinaandar nitong muli ang sasakyan at mabilis na pinatakbo. Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi at pilit na itinuon ang tingin sa labas habang pinapanood ang bawat dinadaanan namin. "Dianne, sabihin mo kung dapat bang kalimutan ko nalang ang pangako natin sa isat isa."
"Tama na. Wag na natin pag usapan ang lahat. Magkakaroon kayo ng pamilya ni Kath, maghahanap nalang ako ng mapapangasawa para makuha ang dapat sakin." mas lalo pang bumilis ang pagpatakbo nito na ikinabahala ko.
"Sino? Si Gab o yung kerwin kanina? No fucking way Dianne. Hindi ka magpapakasal sa kung sinong lalaki." napakapit ako ng mahigpit sa sitbelt ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito.
"Joseph, slow down. Magpapakamatay ka ba? At sinong gusto mong pakasalan ko? Ikaw? C'mon Joseph, grow up! Magkaka anak kana at magiging pamilya kayo ni Kath." tiningnan ko siya ng masama dahil sa sobrang kaba. Kulang nalang ata ang lumipad tong kotse sa bilis.
"Grow up? So anong tingin mo sa pangako natin noon? Laro-laro lang ba yun Dianne? Sa pagkaka alam ko may isip na ang 15 yrs old." nang iinsulto ba to? Sinasabi ba niyang wala akong utak noon 15 ako.
"No! Hindi ko kinakalimutan yun Joseph, pero tingnan mo naman ang sitwasyon ngayon." pinilit kong isara ang bintana ng kotse na binuksan ko kanina dahil parang matatanggal ang buhok ko sa tama ng hangin.
"Mahal mo ba ako?" nagulat ako sa tanong nito kaya hindi na lamang ako sumugot nagbabakasakaling bagalan niya ang pagpapatakbo. "Sagutin mo ako." God, akala ko babagal na pero bakit mas bumilis pa. "Dianne sagutin mo ako." kinabahan ako lalo at hindi na mapakali sa upuan ko. Nag oovertake na siya sa mga sasakyan at muntik pa naming mabangga ang nasa kabilang linya. "Dianne."
"Oo! ...Oo na. Mahal na mahal kita." napayuko ako at napa iyak nalang muli dahil sa tinagal tagal ng panahon ay nasabi ko rin ang nararamdaman ko. "Hindi naman yun nawala kahit kailan Joseph." maya-maya ay pabagal ng pabagal ang takbo ng kotse hanggang sa huminto na lang uli ito. Nagbusina pa ito ng dalawang beses kaya napatingala ako. Nasa tapat na kami ng gate sa mansyon!
"Atleast now, i know." sabi nito bago ipinasok ang kotse niya sa garage at nakangising bumaba.
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...