Chapter twenty-four

3 0 0
                                    

Joseph's POV

Nagtataka ako dahil bukas ang ilaw ng opisina ko kaya pumasok ako at inikot ang paningin sa loob. Wala namang tao. Lumapit ako sa table ko para icheck ang mga files doon dahil pakiramdam ko ay may pumasok at kinuha doon.

I open the drawer box of the table and realize that Dianne's phone was not there. Nataranta akong tumakbo sa kwarto niya ttiningnan kong anduon siya. Laking gulat ko nang makita kong parang hindi pa nagagalaw ang kama nito dahil hindi man lang nakusot. Tinungo ko ang cr, I dont care kung naliligo siya pero wala parin siya.

I check the window of but it was all close. I run outside and all the guards. Dumating naman ang apat na guard ng mansyon.

"Where is Dianne?" galit kong tanong sa mga ito.

"Sir, wala naman pong lumalabas kanina. At nandyan po sa garahe ang sasakyan niya." sahot naman ng isa.

"Sir, may nakita po kaming tali sa likod. Sa tapat ng mahogany, mukhang doon po siya dumaan." sigaw ng paparating na isang guard. Pumasok ako sa loob para kunin ang susi ng kotse ko ng makita ko sina Kath at Tita Mara na kagagaling lang sa kanilang kwarto. Nagising ata ito sa sigaw at ingay ko.

"Joseph, what's happen?" hindi ko na sinagot si Tita at dinampot ang susi sa ibabaw ng maliit na kabinet.

"Joseph, gabi na!" sigaw naman ni Kath. Parang may mali akong nararamdaman at hindi ko maipaliwanang yun kaya hindi na ako nag abalang sagutin ang mga ito.

"Kayung dalawa, kunin niyo ang isang sasakyan, samahan niyo ako." turo ko sa dalawang guard. Sumunod naman ang mga ito kaya dali-dali kong pinatakbo ang aking sasakyan. Bahala na kung makahabol ang dalawang guard, bagal ee. Ilang minuto lang ang pagpapatakbo ko ng marating ko ang bar dito sa bayan. Ito lang ang alam kong pupuntahan ng babaeng yun dahil mahilig mag hang out sa gabi.

Pagkapasok ko ay nagtataka ako kung bakit parang walang ingay at walang guard sa entrance. Minadali kong makapasok ng marinig ko ang mga parang bubuyog na mga tao pero walang music na maririnig. Para silang may pinapanood sa dance floor kaya hinawi ako ang mga tao na nakaharang sa dadaanan ko.

Bullshit!

Sigaw ng utak ko ng makita si Dianne at ang isang lalaking nakahawak sa kanya. Hindi ko maaninag kung sino ito dahil nakatalikod ang lalaki.

"No, she's hurting my friend!" sigaw ng isang babaeng nasa gilid. Wala na akong oinalampas na oras at mabilis na hinakbang ang gitna ng dance floor at sinuntok ang pagmumukha ng lalaki.

Napabitaw ito kay Dianne kaya hinawakan ko ang kwelyo ng damit nito at muling sinuntok ang kanyang  pagmumukha. Hinagis ko siya ng malakas hanggang tumama ito sa isang table. Napasalampa siya doon at pinaharap ko siya sa akin. Ginawaran ko ito ng mga suntok sa mukha at hindi ko na mabilang kung ilang beses yun.

Nandidilim ang paningin ko lalo na nung makita ko kung sino ang lalaking nanakit babaeng mahal ko. Si Charles heran, ang lalaking nakalaban niya sa car race noong college siya. Parang naghalo-halo ang galit ko at sa kanya ko na naibuhos. Sa ginawang pagtakas ni Dianne, sa panghahawak sa kanya, at sa ginawang panloloko ng lalaking ito noong dinaya niya ang paligsahan ng car race noon.

"Wag na wag mung susubukang hawakan ang akin Charles. Papatayin kita." isang suntok pa sana sa mukha nito ng magsalita siya.

"Joseph Montero... Isang haciendero at business man na mahina sa car racer." napangiti ako ng mapait bago naiyukon ng husto ang mga kamao at  mahigpit na hinawakan ang kwelyo ng damit nito.

"Isang suntok na lang, sisiguraduhin kong matutulog ka na." bulong ko. Susuntok na ako ngunit biglang may humawak sa aking braso.

Dianne's POV

Nakagulat ako ng biglang may humila sa lalaking nasa likuran ko at bigla nalang akong may narinig na mga boteng nabasag mula sa likuran. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Joseph na pinagsusuntok ang lalaki sa ibabaw ng mesa.

May dalawang lalaki akong nakita na susugurin din si Joseph para ipagtanggol ang lalaking nagngangalang Charles ngunit biglang dumating ang dalawang guard na pamilyar at tinutukan ng baril ang mga ito kaya malaya parin siyang na binugbog ang lalaki.

Nakita kong sobrang nanghihina na ang lalaki at natatakot akong lumapit sa kanila. Kahit nanginginig ang tuhod ko at naririnig ko ang mga boses na nagsisigawan sa paligid ay unti-unti kong hinawakan ang mga kamao ni Joseph nang makita kong sobrang higpit ang pagkakayukom nun para isuntok muli sa lalaki.

"Joseph, ma-pa...mapapatay mo... siya." basag na ang boses ko dahil hindi ko na din namamalayan ang pagbagsak ng mga luha sa aking mata. Tumayo si Joseph at nakita ko ang lalaking basag ang bibig, dumudugo ang ilong, namamagang mata at ang pisngi nitong halos punong-puno ng dugo.

Lumapit ako sa lalaki dahil gusto kong magsory at akayin siya para dalhin sa hospital ngunit mabilis akong hinila ni Joseph. Madilim pa itong nakipagtitigan sa lalaki bago ako tuluyang hilain nito palabas ng bar sumunod ang dalawang guard.

"Pasok!" sigaw nito ng mabuksan niya ang front sit ng kotse niya. Ayaw kong tumingin sa mga mata niya dahil sa takot at kaba kaya sumunod nalang ako sa sinabi nito.

Mabilis din siyang pumasok at pinaandar ang kotse niya bago patakbuhin yun ng mabilis. Hindi ko na alam kong anong mararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Natatakot ako sa pwede niyang gawin.

Kinakabahan sa pagpapatakbo niya.

Naninikip ang dibdib sa sakit na makita siyang galit.

At nakakadurog dahil hindi siya umiimik.

Tahimik lang ako at napayuko habang nalalaglag ang mga luha, ayaw kong tingnan ang daan dahil sa sobrang takot ng mga overtake niya. May narinig pa akong mahabang busina ng bus na sunod-sunod ngunit hindi parin natinag ang mabilis na patakbo niya. Sinubukan kong magsalita at sabihin sa kanyang bagalan niya pero ayaw lumabas sa bibig ko ang gusto kong sabihin.

Ang daming mga pumapasok sa utak ko na parang nakakahilo dala na rin siguro ng mga nainom ko. Gusto kong ipikit ang.mga mata ko ngunit hindi ko magawa dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagbagsak na kahit ilang beses kong punasan yun ay hindi parin tumitigil.

Nakakabinging katahimikan at puro busina lang ng sasakyan ang naririnig ko. Hanggang maramdaman ko nalng ang paghinto ng sasakyan.

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon