Dianne's POV
Nagising ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking tiyan. Minulat ko ang mga mata ko. Napalingon ako sa mukhang nakasubsob sa leeg ko. Bumuga pa ako ng hangin bago hinaplos ang ulo nito. Para siyang bata habang natutulog. Dahan-dahan kong tinggal ang mga braso nito at unti-unting bumaba ng kama. Tiningnan ko ang oras sa dingding, nanlaki ang mga mata ko dahil 10 am na. Ganun na ba kasarap matulog sa tabi nito. Sa pagkaka alala ko 8 pm kami natulog kagabi aa.
Napasampal nalang ako sa aking noo at pumunta ng cr para maghilamos at umayos ng sarili. Pagbalik ko ay masarap parin itong natutulog ngunit nakadapa na siya sa kama. Pinadaanan ko ng tingin ang katawan nito. Kahit likod ay mapapansin ang ka gwapohan niya. Ang nakatakpan ng tshirt na muscles at kahit natatakpan ng fitted na pantalon ang pang upo nito'y nakaka-akit parin.
Wait!
Ang manyak mo Dianne aa. Di na pala siya nagpalit kagabi dahil ganun parin ang suot niya. Napailing nalang ako lumabas ng kwarto. Kakasara ko palang ng pinto ay nakita ko na si Tita Mara na pababa ng hagdan. Napansin ata ako nito kaya nilingon niya ako.
"Goodmorning Dianne." bati nito sa akin. Hindi ko siya pinansin at nilampasan nalang. Pababa na ako ng hagdan ng magtanong ito.
"Iha, nakita mo ba si Joseph. Wala kasi sa kwaeto niya at sa opisina ee." nilingon ko siya at walang ganang hinarap.
"Kakabangon ko palang PO." sagot ko. Diinan ko talaga ang paggalang ko para damang dama niya.
"Parang hindi kasi siya umuwi kagabi at kung umalis sana siya ng maaga nandyan naman ang kotse niya. Ipapa-"
"Bat di niyo itanong kay Kath. Katabi niya to natutulog sa gabi ee. Dapat alam niya kung saan pumupunta ang asawa niya." iniwan ko na ito. Kakawalang gana ng umaga. Alam ko naman na hindi magkatabi natutulog sina Kath at Joseph dahil nung kinulong ako sa kwarto nito, ni wala man lang gamit dun si Kath. Hays!
Nagtimpla ako ng kape ko at naglakad papunta sa garden, see! 10 am na kape parin ang hanap ko haha. Umaga pa naman ee. Hihigop palang ako ng kape bago lalapit sa upuan doon ng makita ko si Kath at nagbabasa ng dyaryo. Nilatag ko ang kape ko sa mesa at umupo sa harap niya.
"Goodmorning." bati ko dito. Sinulyapan lamang ako nito at hindi ako sinuklian ang pagbati ko. "Badmorning." muli kong sabi na nagpatigil sa kanya at tiningnan ako.
"Masyadong maaga para sa bwisit mong eksena." napakagat ako sa labi ko para pigilin ang ngiting gustong gumuhit dito.
"Coffee?" tanong ko sa kanya bago itinaas ang baso at uminom ng konting laman nun.
"I'm done... Pwede ba, umalis kana lang sa harap ko." nakakatawa ang itsura nito dahil magkasalubong na ang mga kilay niya. Ooops! Baka ma-stress si buntis. Mahirap na.
"Nakita mo ba kung nasaan si Joseph. Gusto ko sana siyang makausap tungkol sa mga kabayo." pasimple kong sineryoso ang aking mukha. Tila nagulat naman ito sa tanong.
"I don't know where he is. Wala siya sa opisina at kwarto niya. Pero anjan ang kotse niya. I'm trying to call him pero hindi siya sumasagot." tumango ako. Ano kaya kung sasabihin kong nakitulog si Joseph sa kwarto ko? Baka ma-depress na to. Wag na. Baka habang buhay na akong makukulong dito sa mansyon. "ikaw asan ka kagabi?" nakakagulat na tanong.
"C'mon Kath. Para ka namang nang iinsulto jan. Kung makalabas lang ako ng mansyon, magdamag akong nag laklak sa bar." ngumisi pa ako dahil sa inis. "Pero dahil kulong ako dito, ikulong ko nalang din ang sarili ko sa kwarto."
"Oh. Anjan kana pala." lilingunin ko sana sa likuran ko ang tinutukoy ni Kath ngunit presensiya palang ay kilala ko na kung sino to. Tumayo si Kath at hinalikan sa pisngi ang lalaki bago sila umupo sa harapan ko. Nanatili ako sa upuan ko at ibinaling ang atensyon sa kape. "Where have you been?" tanong ni Kath dito.
"Hey, Dianne. Are you okay?" naghihintay ako sa isasagot nito kay Kath pero ako ata ang nagulat sa tanong niya.
"Ah.. Yeah. Oo naman." sagot ko ngunit hindi ko parin siya nilingon. Bakit parang normal lang dito ang mga kinikilos niya pagkatapos niya akong muntik ng gahasain at makitulog sa kwarto ko.
Ano?
Rape?
Eh muntik ka nang bumigay aa!
"Bat parang namumula ka?"
putek...
Mang aasar ka pa talaga sa harap ng babaeng yan aa. Eh kung sabihin ko kung saan ka galing para ma depress na yang asawa mo.
"Nasobrahan lang siguro sa kape. Ang tapang ee." tumingala ako para makita ang mukha nito. Tanggalin ko kaya ang bibig mung naka ngisi jan!
"Can i taste?" bago pa ako humindi ay nakuha na nito ang kape at tinakman nga iyon. Sinulyapan ko si Kath na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Joseph.
"Not strong, matamis nga ee. Dianne, hindi ka dapat masyado sa matamis. Its not good." matapos magbigay ng pangaral ay sumandal siya sa backrest ng upuan bago nag de kwatro ang mga paa.
"Ah, Joseph. Natapos ko na ang mga plano para sa paparty kay baby." singit ni Kath. Matatawa na sana ako dahil para itong kulang sa pansin. Humawak pa ito sa braso ng lalaki.
"Good. Ikaw na ang bahala dun." tinaasan ko ng kilay si Kath na tumingin sa akin. "Aalis na ako." paalam niya. Bago pa ito makatayo ay tumayo na rin ako.
"Pupunta ako sa hacienda." habol ko sa likod nitong papaalis. Napatigil siya at bumalik sa kinatatayuan ko.
"No. Dito ka lang." kinagat ko ang ibabang labi ko. Ilang araw na ba ako ditong nakakulong? Nakakabagot na aa. "I allow you to go out, kapag kasama mo ako. But not now. May pupuntahan pa ako." namaywang ako at tumango tango.
"Okay. Fine! Guard me again like what you did when we are still kids. Ganyan ka naman diba? Kung nasaan ka, dapat andun ako. Kung asan ako, dapat andun ka! Joseph, stop playing with because we are not a kid anymore. Kung akala mo ako ang may kagagawan sa mga kabayong yan, you're wrong dahil wala akong ginagawa!" pinapainit ulo ko eh. Wala akong balak magpabulok dito.
"Because your my princess before Dianne. I had to protect you to anyone. And now, hindi kita kinukulong dito para protektahan ka. Ginagawa ko to para protektahan ang hacienda mula sayo." napasabunot ito sa buhok niya marahil sa frustration. Pilit akong tumayo ng tuwid at tinapunan si Kath na nakikinig sa sagutan namin. Takbong-lakad akong lumayo sa kanya at pumasok sa kwarto ko.
"Ah!!" umalingaw ngaw ang sigaw ko sa loob ng kwarto. Nakita ko ang unan, kinuha yun at ihinagis kung saan mang sulok ng kwarto. Bwisit!
Protektahan ang hacienda mula sayo? Paulit-ulit iyong rumehistro sa utak ko.
Ako pala ang uuod sa haciendang ito aa. Apaka epal pa ng Kath na yan. Nakikinig pero tumatawa na ang kalooban nun! Damn!
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...