Authors POV
"Mula noong magsama kami ng Daddy mo, unti-unti ko siyang nilalason! Kaya ngayon, papatayin ko kayo at kukunin ko ang lahat ng sa akin!" napatawa ng malulutong si Joseph at tiningnan ng masama si Mara.
"Wala na akong paki alam sa mga sinasabi mo. Magkamatayan muna tayo bago mu makuha ang gusto mo!" madidiin na pagbitaw ni Joseph ng mga salita.
"Lahat ng ginagawa ko nagtatagumpay ako kaya papatayin ko kayo ngayon!" sigaw ulit ni Mara at kinuha ang baril ng isang lalaki malaoit sa kanya.
"Hindi lahat tandang Mara. Sa pagpatay lang ng walang kamalay malay na baby sa sinapupunan ni Kath ang kinaya mong patayin." sagot naman ni Dianne sa matanda.
"Ang anak nila ni Joseph, hindi ba Kath?" napatango naman si Kath na siyang ikinatmawa ni Joseph.
"Kamusta Gab? Masarap bang pakinggan na anak ko pala ang dinadala ng mahal mong babae? Isa kang duwag pare. Hindi mo manlang ipinaglaban ang pagkamatay ng anak mo. Mas pinili mo pang magpaalila dito sa matandang ito." napatitug lamng si Gab kay Joseph na tila nakokonsensya at natauhan sa mga sinabi nito.
"Ikaw ang pumatay sa baby ni Kath, nakita kitang hawak mo ang lalagyan ng mantica noon tandang Mara, ibabasura mo dahil inubos mo ang laman para sa hagdan!" napangisi pa si Dianne na tumingin kay Kath.
"Tita Mara?" tanong ni Kath na magkasalubong ang mga kilay. "Ikaw ang dahilan? Ang sabi mo... Ang sabi mo si Dianne ang may gawa nun..." naiiyak na si Kath at napapaatras na papalapit kay Gab.
"Oo! Ako ang dahilan ng pagkahulog mo sa hagdan Kath. Dahil hindi kasama sa plano ang ipaako mo ang anak niyo ni Gab kay Joseph. Kapag nagtagumpay kang magpakasal kayo ni Joseph dahil sa bata, mawawala lahat ng saysay ang plano kung makuha ang gusto ko." hindi nakapagpigil si Gab ng marinig iyon at binunot ang baril sa tagiliran niya at itinutok iyon kay Mara.
"Papatayin kitang hayop ka! Sumunod ako sa lahat ng inutos mo pero ito ang ginawa mo!" walang takot si Mara na hinawakan ang dulo ng baril ni Gab dahil tinutukan si Gab ng nga armadong kasamahan niya.
"Isa kang hangal Gab! Para manahimik kana, mabuti pang matulog na kayong dalawa ng babaeng iyan!" bago pa man kalbitin ni Gab ang baril niya ay pinaulanan na ng bala ang ulo nito kasama si Kath.
"No!" sigaw ni Dianne at umiiyak na dahil sa nakita. Maya maya ay nilapitan siya ni Mara at tinawag ang isang lalaking malaki ang pangangatawan.
"Wala nang maraming dada Joseph! Pipirmahan mo to o ipapagahasa ko sa harap mo ang babaeng ayaw mong mahawakan ni sino man." inilapag ni Mara ang papel na kanina ay hawak niya sa harap ni Joseph.
"Try to touch her at wala akong ititira sa mga tauhan mo." banta ni Joseph na ikitawa niya.
"Anong magagawa ng lalaking nakatali para ipaglaban ang babaeng mahal niya habang hinihubaran siya. Rick, Go!" utos pa ni Mara sa lalaking nasa gilid ngayun ni Dianne.
"No! Wag ko akong hawakan! Joseph, ano ba? Kapag ako talaga ginahasa nito..." kakahawak palang ng lalaki sa braso ni Dianne upang ipatayo ito ng magsalita si Joseph.
"Shot him." bulong nito ngunit rinig na rinig ni Mara kaya napangisi pa ito.
"Jo-" isa pang hawak ng lalaki sa kabilang braso ni Dianne ay bigla na lamang ito natumba at dumaloy ang dugi nito sa sahig.
"Anong nangya-" bubunot palang ito ng baril ay biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ang mga lalaking naka bulletproof.
"Ibaba ang baril!" sigaw ng lalaki. Agad na pumunta si Mara sa likkod ni Dianne at tinutukan siya ng baril.
"Subukan niyong lumapit, babarilin ko ang ulo ng babaeng to." sigaw nito.
"Sumuko kana Mara. Nakatanggap kami ng email laban sayo. Ibatawan mo siya." mas lalo pang itinutok ni Mara ang baril kay Dianne. Hindi pa man gumagalaw ang mga pulis ay nabaril na ang braso ni Mara kaya nabitawan nito ang baril. Agad na rumescue ang mga pulis ng bitawan naman ng mga kasamahan ni Mara ang mga baril nila para sumuko. Kinalagan kami ng mga pulis ni Joseph bago ilabas sa mansyon.
"Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Mara habang kinakaladkad siya ng mga pulis palabas.
"Are you okay?" tanong ni Joseph kay Dianne at tinulungan niya itong maglakad palabas.
"Dianne!" sigaw ng isang babae sa labas.
"Zia, Trisha!" tumakbo si Dianne para yakapin ang mga ito.
"Na receive namin ang email mo kaya ipinadala namin agad sa pulis. Lahat ng ginawa doon ng matandang Mara na yan." natatawang sabi ni Zia.
"Thank you." sagot naman nito sa dalawa.
"That Old woman! Dapat sa kanya hindi na bumi nubuhay." si Trisha.
"Tama na. Okay na. Kaya lang si Kath at Gab." biglang nalungkot ang mga mata ni Dianne.
"Anong nangyari sa kanila?" naguguluhang tanong ni Trisha.
"Pinatay sila." malungkot na tugon ni Dianne at napayuko.
"I feel sorry for them. Kung mas maaga lang sana kaming dumating..." kinuha ni Zia ang kamay ni Dianne at pinisil pisil iyon.
"Alam kong hindi rin nila gusto ang mapaikot sa kamay ni Mara. Biktima lang din sila Trisha." napapailing nalang si Dianne at mangiyak ngiyak na napayakap sa dalawa.
"Are you okay Dianne?" napalingon kaming tatlo sa nagsalita. Napatitig lang naman si Dianne sa lalaki.
"I'm fine. Me i know ,Who are you?" tanong nito.
"Magnus, Joseph's friend." tumango naman ito at nakipagkamay sa kanya.
"Ano yang hawak mo? Sniper ba yan?" nagtatakang turo ni Zia sa hawak ni Magnus.
"Ah, yeah. Nasa taas ako ng puno kanina. Tinamaan ko lang naman ang ulo ng humawak kay Dianne kaninang maskulado." pagmamayabang naman nito at ipinakita pa ang muscle. Napaisip tuloy si Dianne sa nangyari kanina nang hawakan siya ng lalaki at bumulong si Joseph.
"Mr. Shot him? Ikaw din ang bumaril sa kamay kanina ni Mara tama?" taas kilay na tanong ni Dianne.
"One other. May suot kaninang tiny earohone si Joseph. Tagal nga niyang mag signal ee." natatawa pa itong kinindatan si Zia.
"Asan si Joseph?" napalinga pa si Dianne at tinatanaw ang kinaruruonan ni Joseph.
"Kausap ng mga NBI kasama si Raff." sagot ni Magnus. Dianne turned and give Trisha a mark look.
"Whats for that look Dianne. He just come for Joseph. Alam mo naman friends sila." depensa naman ni Trisha at napairap pa.
"Defensive ka, wala pa kaming sinasabi." napabuntong hinga lang ai Trisha at napakamot sa kanyang batok.
"Let's go Dianne. Baka hinahanap ka na ni Joseph." tumango naman ang tatlo at sumunod kay Magnus.
"Your Zia right?" tanong ni Magnus sa babaeng kasabay niyang naglalakad.
"Mmm, Zia Patricia Cleveria." sagot nito at ngumiti.
"Magnus Perez." napangiti nalang ang dalawa habang tinungo ang Van.
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...