Chapter twenty-five

2 0 0
                                    

Author's POV

Hinila ni Joseph si Dianne palabas ng kotse at padabog na binuksan at isinara ang main door ng mansyon. Hindi na nagsalita ang dalaga at sumunod nalang ito sa kanya patungo ng opisina niya. Padabog muli nitong sinara ang pintuan ng opisina niya bago yun ilock. Marahas niyang binitawan ito kaya siya pabagsak na napaupo sa sofa.

"Give me your phone." ma autoridad na sabi ni Joseph bago ilahad ang kamay sa harap ni Dianne. Nag aalangan man si Dianne ay hindi na nito tiningnan ang binata at kusang kinuha ang cellphone sa bulsa bago iyon ibigay sa kanya.

Hindi nagdalawang isip si Joseph at ibinato niya ang cellphone nito sa pintuan na nagdulot ng malakas na ingay sa loob ng opisina. Sinundan ito ng tingin ni Dianne at nakita ang pagkawasak ng cellphone sa sahig.

"Sino ang kasama mong tumakas?" tanong nito. Hindi nagsalita ang dalaga dahil sa sobrang takot. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakita niya kung gaano magalit si Joseph. "Sino!?" sigaw nito  sa harapan niya. Para pa siya umanong nabingi sa lakas ng pasigaw na tanong nito.

"Si Trisha..." pahagulgol na sagot nito. Hindi na niya mapigilan ang malakas na paghagulgol at pagbagsak ng mga luha. Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang mga palad.

"Ilang beses na kitang pinagbigyan Dianne." mahina ang pagkakasabi nito ngunit punong-puno ng galit. Taas baba na ang mga balikat ni Dianne at malalakas na hagulgol ang pinakawalan.

"Im sorry." pabulong na bigkas ng dalaga sa gitna ng pag iyak.

"Why did you disobey me?" napamaywang si Joseph sa harapan nito kaya napatingala si Dianne at tumitig sa mga mata ng binata.

"Walang rason para ikulong mo ako dito Joseph. Walang rason para diktahan mo ako sa mga gusto kong gawin. Ginagawa mo akong sunod-sunuran sa mga gusto mo." ang kaninang umuurong niyang dila ay nabigyan ng lakas upang magsalita. Pinunasan nito ang sariling luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Kung saan man siya humugot ng lakas para sumagot kay Joseph ay dahil nasasaktan ito. Hindi dahil nasasakal kundi dahil nasasaktan.

"Walang rason? I'm protecting you Dianne. Mahirap bang unawain yun?" napasabunot pa ito sa sariling buhok at napaupo sa table na nasa harapan ng dalaga.

"Protecting me from what? Protecting me or protecting your hacienda from me?" tinitigan lang siya ni Joseph ngumit umiyas siya.

"I'm protecting you from threats that I almost received everyday Dianne. At gusto kong malaman kung sino ang taong yun kaya hindi kita magawang palabasin ng bahay na ganun lang." halos pabulong na ang pagkaka explain dito ni Joseph dahil nahihirapan din itong sabihin sa kanya ang nangyayari. Umiling ang dalaga dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.

"I just wanna hang out and I'm sorry." bulalas niya habang napayakap sa sarili upang mapigilan ang paghagulgol niya.

"Hang out?" tumayo ang binata at napabuntong hinga. "You wanna go out to hang with your friend hanggang bastusin ka na ng mga lalaki doon! ...O baka gusto mu yun?" pagsisigaw nito. Napatayo si Dianne at ginawaran siya ng malakas na sampal dahilan para mapatigil si Joseph at nasapo ang pisngi.

"Joseph, buksan mo ang pinto iho. Anong nangyayari sa inyo?" tanong ng Tita Mara nila sa labas ng pinto ng opisina habang kumakatok.

"Joseph, open the door." sigaw ni naman ni Kath na paulit ulit na pinipihit ang seradura ng pinto.

Hindi pinansin nang mga ito ang ingay na nanggagaling sa labas at nagkatitigan lamang sa isat-isa. "Bubuksan ko ang pinto." maglalakad na si Dianne ng bigla siyang mapahinto at unti-unting tumingin kay Joseph na pinagbabasag ang mga wine at baso na nasa table.

"You wanna hang out diba? Ayan!" sigaw nito habang kinuha ang isa pang bote at binasag sa harapan niya.

"Hang out kahit binabastos ka? Ayan!" pangatlong bote na ngayon ang nabasag niya pero hindi pa siya nakontento at naglakad siya sa gilid kung nasaan ang ref, binuksan niya iyon ay kumuha ng nakaboteng beer.

"Eto, hang out for a spoiled brat!" sigaw niya at ibinato sa harap ni Dianne ang unang isang bote ng beer na hinugot niya sa ref.

"Hang out, kahit sinusuway mo ako!" naglabas pa ito ng isa at ibinato muli sa harap ng dalaga.

"And hang out para magpahawak sa ibang lalaki!" sunod-sunod niyang inilabas ang mga beer doon at ibinato sa kung saan mang sulok ng opisina. Napatakip ng tenga si Dianne dahil halos mabingi na siya ingay ng mga nababasag na bote.

"Tama na." nanginginig siya habang humahagul-gol at unti-uting napaupo sa sahig. "Joseph tama na." para siyang batang sumisiksik sa gilid ng upuan at niyakap ang mga tuhod sa sobrang takot.

"Hang out! Wag mong takpan ang mga tenga mo Dianne, dahil ang ingay na naririnig mo ngayon ay mas masaya kesa mga music sa bar!" isang bote nalang ang natira sa ref at ibinato niya iyon ng malakas sa pinto.

"Kunin niyo ang susi. Hanapin niyo dali." utos ni Mara sa mga katulong nilang nagising dahil sa ingay nagmumula sa loob ng opisina.

"Ma'am, ito na po." ibinigay nito ang susi kay Kath at binuksan niya iyon. Agad nilang binuksan ang pinto at bumungad sa kanila ang amoy ng alak sa loob at mga boteng basag.

"This is bullsit! Fuck that Charles!" sinuntok at sinipa sipa ni Joseph ang ref hanggang unti-unting napaupo sa sahig bago pinakawalan ang malalakas na paghikbi. Napasabunot pa siya sa kanyang buhok dahil sa frustration.

"Joseph, Dianne. Anong nangyayari sa inyo?" tanong ni Mara habang dahan-dahan silang naglakad ni Kath para maiwasan ang mga bubog na nagkalat sa sahig at nilapitan si Joseph. Umupo ang mga ito para tapatan siya. "Magpakalma ka Joseph."

"Get out." mahinahon ngunit may pagka ma-autoridad ang pagkakasabi nito.

"Joseph, itulog mo na yan. Kailangan mong kumalma baka kung ano pa ang maga-" hindi pa man natapos ni Kath ang sasabihin nito ay tumayo na ang binata.

"I said all of you get out!" sigaw niya at ibinato nito ang libro na nakalapag sa side table. Walang sabi-sabi ay nagsitakbuhan ang katulong palabas ng opisina. Tumayo na din ang si Kath at Mara,  tumalikod ang mga ito at napasulyap sila kay Dianne na nakayuko habang umiiyak bago lumabas. "Close the door." utos pa niya bago makalabas ang dalawa. Napaupo siyang muli sa sahig at itinungkod ang mga kamay sa tuhod. Walang ibang maririnig sa loob ng opisang yun kundi ang mga hikbi at hagulgol ni Joseph at Dianne. Tila nag uunahan sa pag iyak at nag uubusan ng mga luha.

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon