Joseph's POV
"Kath, okay ka lang?" tanong ko dito. Tulala kasi ito at malayo ang tingin. Tumabi ako dito.
"Joseph..." tiningnan ako nito. Parang may lungkot akong nababatid sa mga mata niya.
"Tell me." hinawakan pa nito ang kamay ko. Nakita ko ang mga nalaglag na luha mula sa mga mata niya.
"Joseph, buntis si Kath." napalingon ako sa nagsalita. Si Tita Mara na nakatayo sa likuran namin. Napakunot ang noo ko.
"Noong lasing ka at may mangyari sa atin Joseph. Last month. I'm sorry." humagol-gol ito ng malakas. Hindi ko alam kong paano mag react. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kung maiinis ako sa sarili dahil hinayaan ko itong mangyari.
"Its...its okay Kath. Stop crying. Tama na yan." hinagod ko ang likod niya.
"Wala kang dapat ipag alala Kath. Ang alam ng lahat ay kasal kayo ni Joseph. Kaya wag kang mabahala sa sasabihin ng mga tao." tama si Tita Mara. Ang akala ng lahat asawa ko siya.
"Pero Tita, nanliliit ako sa sarili ko. Napaka wala akong kwentang babae." niyakap ko siya dahil halata ang pagsisisi nito.
"Kath, don't say that. Im.. Im sorry if i make you feel that way. Pero Kath, aalagaan kita at ang magiging anak natin. Wala kang dapat ipag alala." nabatid ko ang unti-unting pag asa sa mukha nito.
"Joseph. Salamat..." yumakap din ito pabalik. Gusto kong maiyak sa saya na magkaka anak na ako, ngunit may parte ng puso ko ang nagsasabing nasasaktan ito.
"We should celebrate for that Kath. Isa yang blessing na dumating." ngumiti ako. Tama si Tita. Isang magandang balita ito sa lahat.
Nag uusap kaming tatlo tungkol sa gaganaping party. Masaya kaming nagplaplano ng biglang may pumalakpak sa harap ng pinto.
"What a beautiful blessing? Am i not invited for the party?" alam kong parang nakakainsulto na ito. Pero hindi ko maiwasan ang mapatitig sa mga mata niya. May isang bahagi doon na nasasagip kong kirot.
"You should come. It's for the baby naman ee." tumayo si Kath at hinarap siya.
"Ilang buwan na ba yang bata sa tiyan mo? Baka naglilihi ka kasi. Ako ang paglihian mo." tanong ni Dianne sabay tingin sa tiyan ni Kath.
"3 weeks pregnant. At wala akong balak paglihian ka dah-"
"Dapat lang. Mahawa pa ang anak mo sa kagandahan. Ayaw ko." matatawa na sana ako sa ka preskohan nito ngunit nanatili akong nakaupo sa upuan ko at pinapakinggan silang dalawa.
"Ang kapal ng mukha mo." nakayukom ng kamao si Kath kaya tumayo na ako at si Tita. Baka kung saan pa mauwi ang bangayan nila. Buntis, bawal sa stress.
"Kath, let's go. Hindi ka pwedeng mastress. Di yan makakabuti sa bata." inakay na siya ni Tita Mara papasok ng bahay.
"Hindi na to mauulit pa Dianne. Kapag may nangyaring hindi maganda kay Kath at sa anak ko, hindi kita mapapatawad." umiwas naman siya ng tingin.
"Walang mangyayari sa kanya kung mag iingat siya." naiyukom ko ang mga palad ko. Kung hindi lang ito si Dianne baka kanina ko pa nasapak.
"Ito na ang huling beses na makaka usap kita at makikita kong didikit ka kay Kath." nagkibit balikat lang ito bago umalis sa harap ko.
Napahilot pa ako sa sintido ko. Anong nangyayari sa Dianne na kilala ko. Kung alam ko lang na ganito siya, hindi ko na sana ito pinaalam ang tungkol sa pagpanaw ni Dad at sa mana na makukuha niya. Dahil lang ba duon kaya siya nagkakaganito? What if ibigay ko nalang ang gusto nito para umalis na siya?
No! Hindi pa siya pwedeng umalis. Hindi na siya pwedeng umalis. Hindi dahil sa manang hinahangad niya ang magpapabago sa Dianne na kilala ko.
Pumasok ako sa loob at nadatnan ko si Kath at Tita na masayang nag uusap sa sala. Hawak-hawak pa nito ang tiyan niya. Lumapit ako para maki pagkwentohan.
"You think, makakaya ko to Joseph?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako bilang sagot.
"Kath, malakas ka. Kayang kaya mong maging isang ina." buti nalang talaga anjan si Tita Mara para bigyan kami ng lakas.
"I hope so Tita." napasulyap pa ito sa akin.
"We are going to try our best to be a good parent, maybe we are not a couple, pero gagawin natin ang lahat para sa kanya Kath." alam kong nasasaktan siya dahil sa sinabi ko. Pero yun ang totoo. Wala kaming relasyon. We are pretending infront of other as a couple pero alam namin na wala kaming relasyon. Even Dianne ay hindi niya alam.
Lasing ako noong gabing may mangyari sa amin. Pagkatapos kong halikan si Dianne, mas lalo ko lang nilonok ang alak. Nabitin ee. Natatandaan kong tinulungan ako nitong umakyat sa kwarto ko. Pagkatapos nun, nagising nalang kaming dalawa na nakahubad. Siguro sa sobrang lasing ko, hindi ko na namalayan ang nangyari.
"Ou naman. Kahit hindi tayo couple, magkasama parin naman natin siyang palalakihin diba?" tumango ako at tiningnan si Tita.
"Joseph, bakit di mo nalang totohanin ang pagpapakasal kay Kath. Alam kong nagawa mo lang naman magsinungaling dahil sa kagustuhan ng Dad mo." napatigil ako. TOTOHANIN? kaya ko ba? Magpapakasal ako kay Kath lahit wala akong nararamdaman. Hindi ba parang kalokohan yun.
"Tita...Im not yet ready for marriage. I think, its not my thing so.." umiwas ako ng tingin.
"Pero Joseph. You will learn to love each other. Lalo na at magkaka anak kayo. I'm sure, magiging masaya kayo as a family." para akong napapaso sa usaping iyon. Parang hindi ko kaya.
"Tita, Joseph is not yet ready. Hintayin nalang natin maging ready siya. Beside, nandito lang naman kami ng magiging baby niya." tumango ako bilang pagsang ayon kay Kath.
"Okay, kung yan ang gusto niyong dalawa. But remember, nandito lang ako pag kailangan niyo ako." tinapik nito ang balikat ko.
"Thanks Tita. Sobrang pasasalamat po namin ni Joseph at lagi kang anjan para damayan kami. Pangaralan. Hindi na po namin alam ang gagawin namin pag wala kayo." hinawakan ni Tita ang mga kamay ni Kath at tumango tango ito.
"Anything for this family. Even Dianne, hindi ko siya susukuan. Alam kong mawawala rin ang galit niya. Kung ano man ang nasa puso nito ngayon, balang araw, mawawala rin ito." she's right. Mawawala rin ang kung ano man ang kinagagalit nito sa amin. Babalik din ang Dianne na kilala ko.
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanficSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...