Chapter fifteen

2 0 0
                                    

Joseph's POV

Kagagaling ko lang sa rantio para tingnan ang mga binalita sa akin. This is bullsit! Napasipa ako sa mga gamit na nakaharang sa dadaanan ko. Buti nalang at hindi lahat nangyari to.

"Pag-punta ko kanina tumba na yung iba ee." napatitig ako sa mga walang malay na kabayo sa harap ko.

"Gab, ilan ang namatay?" tanong ko dito.

"Mga nasa bente. Ang total ng kabayo dito sa rantio, nasa 280 maliban nalang sa mga baging kapanganak." tumayo ako at hinarap siya.

"Ano ang sanhi ng pagkamatay nila?" ibinigay nito sa akin ang medical record ng mga kabayo na ipina examine kay Dr. Lope ang veterinary ng Montero.

"Ayun jan sa record niya, sinadya ang pagkamatay ng mga kabayo. Nilagyan ng lason ang mga inumin nila." napabuntong hininga ako. Tinalikuran ko si Gab at muling tinitigan ang mga namatay na kabayo sa harap ko.

"Sino ang gumagawa nito?" bulong ko.

"Joseph... Kagabi naglagay ako ng mga inumin ng mga kabayo. Pero iniwan ko din sila pagkatapos dahil pinuntahan ko si Dianne sa bar." natahimik ako sa sinabi nito. Naalala ko kagabing dumaan ako sa kwarto ni Dianne at sumilip doon ngunit wala siya.

"Wala siya sa mansiyon kagabi." nakita ko sa mga mata ni Gab na tila ayaw maniwala sa iniisip ko.

"Hindi niya yun magagawa. Nasa bar siya kagabi, kaya nga sinundo ko siya." umiling ako.

"Sinamantala niya ang pagsundo mo sa kanya para makagalaw ang inutusan niya." muli kong ibinigay kay Gab ang medical records ng mga kabayo.

"Joseph, wag mo siyang sasaktan..." hindi ko alam. Pero hindi ko yun maipapangako kay Gab. Dali-dali akong bumalik ng mansiyon at galit na galit humakbang sa mga hagdan. Nilampasan ko lang si Kath at Tita sa sala at tinungo ang kwarto ni Dianne. Malalakas ang pagkatok ko doon ngunit wala paring bumubukas.

Kinuha ko sa katulong ang duplicate ng susi sa kwarto niya. Nakita ko itong sarap pa sa pagtulog habang nakayakap sa mga unan. Lumapit ako at hinila ang mga kamay niya.

"Ah!" sigaw nito ng pilit siyang sumama sa akin. Gulong gulo pa ang buhok niya. Paika-ika pa aiyang tumatakbo para makasabay ako sa paglalakad. Ihinagis ko siya paupo sa sofa ng opisina ko. Napapikit ako at napalihot sa sintido ko. Hinarap ko siya at nakita kong inaayos nito ang suot niyang dress na pantulog. "Ano bang problema mo! Alam mo bang nahilo pa ako paghila mu sa akin."

Napatitig ako sa kanya. Kinusot nito ang mga mata niya at yumuko para haplosin ang mga paa niya. Para akong manyak na bigla nalang napatitig sa dibdib niya habang nakayuko. Wala siyang bra kaya nasisilip ang nipples nito. "Wala ka ba talagang respeto sa mga natutulog at bigla bigla ka nalang pumapasok sa kwarto ng may kwarto." 

Umayos itong muli ng upo at itinaas ang nahulog na strap ng dress niya sa kanyang braso. Napalunok pa ako ng ipusod nito ang mahabang bukod. "Anong tinitinginan mo jan?" bigla akong natauhan ng tingnan niya ako ngunit tumitig parin ako sa mga mata niya.

"Anong ginawa mo?" mahina kong tanong. She crossed her arms under her bosom bago ako taasan ng kilay.

"Baliw ka ba? Anong sinasabi mo?" parang nawalan ako ng lakas makipag away sa kanya dahil nakakapagod makipagtalo dito.

"Ang mga kabayong na matay dahil sa lason. Wala ka kagabi, alam kung ikaw ang may gawa nun." napanganga nalamang siya. Nagtataka lang ako dahil parang gulat na gulat na siya.

"Nasa bar ako. And... Well..." nag iwas siya ng tingin sa akin at nahihirapang magsalita.

"Is it because of legacy kaya ka nagkakaganyan Dianne? Kung tutuusin hindi ka pa dapat pinamanahan dahil hindi ka naman anak ni Mama at Dad. Pero napaka desperada mo naman para gawin pa ito makuha lang ang gusto mo." mahinahon lang akong nagsalita na nakipag usap sa kanya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." umiling-ilang lang ito at tumayo para harapin ako.

"Kung hindi ko alam? Bakit!" nag echo pa sa loob ng opisina ang boses kong sinigawan siya. At malamang, narinig din nila yun mula sa sala.

"Wala akong kinalaman sa binibintang mo." her dark blue eyes become red. At isang kurap nalang malalaglag na ang mga luha niya.

"Ang mga desperada, magsisinungaling makuha lang ang gusto." tumingala ito para pigilan ang pagdaloy ng luha nito ngunit nabigo siya.

"Wala ka nang sasabihin, aalis na ako." tumalikod ito at tinungo ang pinto.

"Wag mo akong tatalikuran." inilang hakbang ko lamang siya at mahigpit na hinawakan ang mga braso.

"Bitawan mo ako." madiin niyang sabi pero hindi ko pinakinggan. Nagsimula akong maglakad kaya siya napapa atras hanggang mabunggo ng likod niya ang pintuan. Madilim ko siyang nakipagtitigan sa akin. "Bitaw sabi."

"Hindi ka aalis sa bahay nato hangga't hindi ko napapatunayan na wala kang kinalaman dito." binitawan ko siya at pabagsak itong napa upo sa sahig. Tinalikiran ko siya dahil nagsimula na itong humagol-gol habang yakap ang sarili.  Hindi ko siya pwedeng tingnan dahil alam kong lalambot lang ang puso ko pag nakita ko siyang umiiyak.

Maya-maya ay may narinig akong katok sa pinto.

"Dianne, Joseph tama na yan." boses yun ni Tita Mara.. Nilingon ko si Dianne at agad itong tumayo. Binuksan niya ang pinto at sumalubong sa kanya si Tita Mara at Kath. Itinulak niya si Tita Mara bago ito tumakbo.

"Tita..." napatingin ako sa kanya ngunit ngumiti lang siya.

"Ayus lang ako iho." inalalayan ko ito at pinaupo siya sa sofa.

"Joseph, ano bang nangyayari?" tanong ni Kath.

"May mga kabayong nalason sa rantio. At siya lang ang naisip kong makakagawa nun." nanlaki ang mga mata ni Tita Mara.

"At bakit naman ganyan katindi ang gagawin ni Dianne." alam naming lahat ang sagot doon.

"Alam mo na ang sagot doon Tita. Kaya mula ngayon hindi na pwedeng lumabas ng mansiyon si Dianne hanggat hindi ko napapatunayan na wala siyang kinalaman dito." napahilamos nalang ang mga palad ko sa aking mukha.

"Joseph, baka nabibigla ka lang. Mas lalong magwawala si Dianne kapag ikinulong monsiya dito sa mansyon." hinawakan ko ang kamay ni Tita.

"Alam ko pong nag aalala kayo, pero ito lang po ang naiisip kong paraan para hindi na makagawa ng ano pa man si Dianne. Pinalampas ko na po ang maisan. Baka isunod nanaman nito ang kahit ano pang andito sa loob ng hacienda." tumango naman si Kath bilang pagsang ayon. "Habang isinasagawa namin ang imbistigasyon sa nangyari, makakabuting andito siya."

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon